TCPMTG// 40

409 8 0
                                    

Natty POV

"Natty meron pang gustong mag audition!"



Sigaw ni Russel mula sa labas ng pintuan. Meron pang mago audition?
Eh alas tres na ng hapon. Hanggang alas tres lang ang sinabi saken ng head nitong theater club.



"Lorie pakisabi dun sa mago audition na tapos na ang oras ng pag audition. Kung gusto niya pumunta na lang siya sa music room mamayang 6pm"



"Ah sige po Miss Natty.. "




"Thank you Lorrie"



Nakangiti kong sabi sa kanya bago itiniloy yung pagaayos ko ng mga gamit ko. Hayst! sa totoo lang nakakapagod ang mag conduct ng ganitong audisyon kasi bukod sa kakanta sila sa harapan eh kailangan rin silang tanungin.



"Natty oh tubig mo"



Napatingin naman ako sa bote ng tubig na iniaabot saken ni Andrea. Nginitian ko naman siya bago kinuha yung tubig.




"Thanks Andre"




"Hey I'm not a lesbian!"



Sigaw niya saken kaya nagtawanan na lang kaming lahat. Ano naman masama sa sinabi ko? Hindi ko lang kinompleto ang pagkakasabi ko ng pangalan niya galit na siya agad.



"Hoy Andrea! Wag mo ngang tinataasan ng boses si Natty mahiya ka naman"



"Tsk! Fine. I'm sorry Natty"



Tinanguan ko lang siya tsaka nginitian. Minsan may pagka suplada rin ng babaeng ito.  Hindi ko nga alam kung bakit.. Bipolar ata haha.



" Natty ayan ayos na ang lahat pwede na tayong umalis"



Sabi ni Lorie saken kaya kinuha ko na yung sling bag ko at sumunod sa kanya ganun rin ang iba naming mga kasama.



Nang nasa labas na ako napansin ko ang isang lalaking nakatalikod di kalayuan. Siya ba yung lalakeng tinutukoy kanina ni Russel?



Napatitig naman ako sa kanyang likuran na may marka ng wolf sa kanyang itim na coat.
At pilit na iniisip kung kanino ko nakita ang damit na yun.



"Natty are you okay? You look bothered"



"Hindi wala to. Ayos lang ako, Russel"



"Uy ano yan Russel?!  Inaagaw mo na naman ang atensyon ni Natty saken" 


Sabi naman nitong si Sam kaya nagtawanan naman yung ibang member. I feel happiness kapag kasama ko ang buong member ng music club.



Hanggang sa pagbalik ko saking klase ay pilit ko pa rin inaalala kong kanino ko nakita ang damit na yon.



Sa kakaisip ko hindi ko na namalayan ang tinatanong saken ng professor ko. Kaya ayun binigyan niya ako ng research na iprepresent ko next meeting.



"Ayan kasi hindi ka nakikinig"




Pangaasar saken ni Wendy. Yeah tama kayo ng pagkakabasa dahil pareho kami ng kursong kinuha magkaiba nga lang ang major namin. Kaya baka kapag nasa fourth na kami hindi na kami magkasama.




Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya maslalo siyang natawa. Kainis talaga ang babaeng to!



"Siguro iniisip mo si Tylere noh!"



"Ha? Hindi ah! Hindi siya ang iniisip ko noh"



"Kung hindi siya. Edi sino?"



Nangaasar niyang tanong saken. Inirapan ko naman siya tsaka inayos ang aking mga gamit. Makaalis na nga lang sa harapan niya lalo lang akong naiinis eh.



"Hey uuwi kana?"



"Hindi pupunta pa ako sa office ko"



"Okay. Mag-iingat ka mauna na ako"




Akmang lalampasan na sana niya ako ng bigla kong hawakan ang kanyang braso dahilan para huminto siya at tumingin saken.



"May sasabihin ka ba Natty?"



"Ah hindi pala ako uuwi ngayon Wendy sa condo ako mage stay"




"Huhh bakit naman? May nangyari ba kanina?"



"Hindi wala naman. I just wanted to stay there"



"Ikaw bahala.. Pero wag kang mawawala sa party ah "




"Bukas na pala yung party mo sige pupunta ako"




Nakangiting sabi ko sa kanya dahilan para mapangiti siya bago nagtuloy. 
Makaderetso na nga lang sa office ko.




Hanggang sa makarating ako sa building kung saan nandun ang main office ng club namin ay pilit ko pa rin inaalala kung saan ko nakita ang damit na yun. At kung kanino ko nakita yun.



Pero mukhang hindi na talaga kaya ng isipan ko. Kaya umiling na lang ako habang inaakyat ang hagdan na tapat ng pintuan ng main office ng music club.



Habang paakyat ako ay parang may naririnig akong tunog ng gitara na lalong lumakas. Nasa loob na kaya siya?



Kinakabahan man ay binuksan ko na ang pintuan. At bumungad naman saken ang kanyang likuran na may wolf na nakatatak sa kanyang damit. Siya nga yung lalaking nakita ko kanina sa labas ng theater.



"I'm sorry late ako.. hmm matagal ka na bang naghihintay saken?"




"Oo sobrang tagal na"



Sagot niya saken habang nakatalikod pa rin. Hanggang sa unti unti siyang humarap saken. Muntik pa akong mapatalon ng makita kung sino siya.



"IKAW!!"

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon