TCPMTG// 47

364 7 0
                                    

KRISTOF POV

"Saan mo ba ako dadalhin?"


Hayst! Masmaingay pa pala siya kaysa sa kapatid ko. Kaya pala magkaibigan sila kasi pareho silang maingay!  Sa inis ko bumusina ako kahit na wala namang kotse sakeng harapan.




"Waahh!! Nakakagulat ka naman"




"Miss Clumsy na di tumitingin  sa dinadaanan.. pwede ba tumahimik ka"


"Tatahimik lang ako kapag sinabi mo saken kung saan mo'ko dadalhin"





"Tsk! Fine.. Samahan mo akong bumili ng ireregalo ko kay Wel- - I mean sa kapatid ko"



"Ahh haha sa mall ba?"



Tango lang ang isinagot ko sa kanya habang nakatuon ang atensyon sa daan. Buti naman at tumahimik na siya.


Ilang saglit lang ay papasok na kami sa parking area ng mall. Matapos kong maipark yung kotse at in-off yung kotse ay napalingon ako sa babaeng kasama ko.


Ayon ang lakas naman ng loob niyang matulog sa kotse ko. Kapag natuluan lang ng laway niya ang upuan  ng kotse ko kahit siya saken!



"Hoy! Gising! Gumising kana dyan!"



"Teka asan na tayo?"




"Nasa mall na tayo.. Lika na bilisan mo"


Hindi ko na siya hinintay at lumabas na ako ng kotse. Hayst! Bwisit talaga ang babaeng to.. Kung ako lang ang masusunod malamang matagal na siyang nabura sa mundong ito.

****

"Teka ano bang favorite ng kapatid mo?"



"Ano hmm-
.


"Teka kapatid mo ba talaga yung pagbibigyan mo ng regalo? Para kasing wala kang kaide-idea sa mga gusto ng kapatid mo"



Napahinto naman ako sa paglalakad ng marinig ko iyon sa kanya. Tama siya. Wala nga akong kaalam-alam sa mga gusto ni Mina.  Simula kasi ng mamatay si Mom. Lumayas ako sa bahay at tumira sa condo unit ni mama.



And besides we're not that close.. Kaya nahihirapan ako ngayon.



"Uy ano na?"



"Kung sakaling ikaw ang kapatid ko. Ano ang gusto mong regalo?"










SHANNIA POV

Nagulat talaga ako ng itanong niya saken yun. Habang nakatitig siya saking mga mata.

Chad! Oo na alam ko gwapo ka pero wag mo naman akong titigan ng ganyan.. Nahihipnotismo ako sayo eh!


❤_❤

Ang landi ko talaga kahit kailan. Umiling-iling na lang ako tsaka inayos ang aking sarili. Halata kasi na hinihintay niya yung opinion ko.





"Bigyan mo siya ng regalo na magagamit niya everyday"





"Like what kind of stuff?"





"Like dress, lipstick, perfume, accessories, handcream, shoes maybe. Yung mga ganung bagay"



"Then pumunta tayo sa women's collection"






Sabi niya tsaka naglakad. Aba lokong lalake na'to ah! Lalampasan na lang niya ako matapos malaman yung opinion ko!



Aba hoy! Ang bastos mo ah! Kahit na gwapo ka, yang ugali mo naman eh ang panget!


Gusto kong isigaw yan sa kanya kaso ayoko ng maging Queen of Attention Seeker. Ghad! Hiyang-hiya na ako sa mga katangahan at kalokohan nagawa ko noh! Magbabago na ako gaya ni Yuri.



Sa kaka-isip ko di ko tuloy alam kung saan department store siya pumasok.



TT^TT


Hahanapin ko na nga lang siya. Huhuhu help me Lord please po!

***



"Saan ka pupunta dito tayo"




"Ah nandyan ka pala"




Akala ko mapapagod ako sa paghahanap kaso hindi naman pala. Hinihintay niya pala ako sa labas nung store na papasukan namin.

May natitira pa lang kabaitan itong si Kristof eh kahit na ang sungit niya kanina.

Pagkapasok namin sa store binati naman kami ng mga sales assistant. Nag-HI naman ako sa kanila bilang pagbati. Pero itong kasama ko linampasan niya lang sila at pumunta sa pwesto kung saan nakalagay ang mga cream.






"Hand cream ba ang naisipan mong ibigay?"





Tanong ko dito ng makalapit ako sa kanya. Tinanguan niya lang ako. Nice answering me ha. Pasalamat ka nagbigay ako ng sarili kong ideya.




Teka sana pala yung mga opinion ko kanina ay yung mga Hindi magagandang iregalo. Hayst! Bakit hindi ko naisip iyon kanina? Ang tanga ko  talaga. Di sana nakaganti ako sa kanya. Dahil sa kanya di ko tuloy na-meet yung ime-meet ko sana kanina.



=____=




"Ang tagal mo naman pumili ng hand cream"




"Nagmamadali ka ba? "




"Ay hindi siguro.. Sige lang bagalan mo lang "




Bwisit talaga siya! diyos ko Lord makakasapak na naman ata ako ngayon ng tao.. >____<






"Miss, what do you think is the better hand cream here? Hindi kasi ako makapili"




Tanong niya dun sa sales assistant na nakangiti namang lumapit sa kanya. Aba ayos ka ate ah! Nagpapa cute ka sa suplado slash gwapo na lalakeng yan!




Naku! Back-off kana ate mukhang di yan pumapatol sa mga babae eh.. Di nga naattract sa BEAUTY ko eh!  Ikaw pa kaya na 1/4 lang ang ganda saken?




Grabe kong makapang lait naman ako wagas. Well sorry to her.. Ang lakas pa ng loob niyang hawakan yung balikat ni Kristof!




>___<



Luh? Chansing si ate hahaha!
Napa ngiti na lang ako sa naisip ko. Hay ang lawak talaga ng imagination ko.



"Hoy tara na! Ano bang nangyayare sayo?"




"Okay.. Nakabili ka na pala"




"Oo kanina pa. Para kang baliw na nakatayo dun kanina habang ngumingiti. "





"Sorry naman daw?.. Siya hatid mo na ako samen"



"Ano ka sineswerte? Umuwi ka mag-isa mo! Gagawin mo pa akong driver"



At ayun iniwan ako ng lintek! Aba sana talaga tinuloy ko na lang yung plano ko na sapakin siya. Aarrgghh! Nakakainis! Paano na ako uuwi niyan kung kulang naman yung pamasahe ko pa-uwi samen?




Hayst! Mabangga sana yung kotse mo KRISTOF KAI MIRTOW!!

.

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon