TCPMTG// 89

111 2 0
                                    

Mark POV

''What happened to him?" Garalgal ang boses na tanong sa akin ni Natty. Sumandal muna ako sa pader malapit sa bintana. ''Bakit gusto mong malaman?"

Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata. Batid kong may gusto siya kay Simoun dahil hindi naman n'ya iiyakan ito kung wala. Napailing ako matapos makita ang namumugto niyang mga mata. Such a crying lady..

''Karapatan kong malaman kasi ano.." Bahagya siyang napatitig kay Simoun saka nito inabot ang kanan nitong kamay at ipinulupot ang isang kamay doon. Now I know..

''I like Simoun ever since nung araw na tinulungan ko siyang gamutin ang kanyang sugat." komento niya saka sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi. Napangisi naman ako. ''Kaya please, Mark tell me the truth" pagmamakaawa nito sa akin pero agad akong umiling.

''Kung si Simoun ang nasa posisyon ko ngayon ay maspipiliin n'yang huwag sabihin sa'yo." mahina kong sabi pero sapat na iyon para marinig niya. ''Dahil kaligtasan mo ang mas uunahin n'ya kaysa ang katotohanang nais mong malaman." Nakita ko kung paano ito manlumo sa narinig. Tsk, I'm bored,
I need someone to comfort me. ''Where is Irene?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat n'ya. Huli na upang pagsisihan ko ang sarili kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig.

''Bakit mo s'ya hinahanap?" Puno ang kuryusidad na tanong n'ya sa akin. Umiling na lamang ako saka naglakad patungo sa pintuan. ''Iiwan muna kita dito. Pero pagbalik ko kailangan umuwi kana." Pagkasabi ko n'un ay lumabas na ako ng kwarto. Kung bakit ba kasi ako ang inatasan ni Ice na magbantay kay Simoun pwede naman ang ibang miyembro ang magbantay. Tsk, ang boring dito sa hospital. Umalis ako ng hospital para bumalik sa university. Sigurado akong hindi pa nakakauwi ang mataray na'yon. Mangisi-ngisi pa ako habang sinusuot ko ang helmet.

Ma Lady, I'm coming to you just wait me there a little more.

Napangisi ako ng makita ko siyang naglalakad palabas sa covered court. Nakasuot siya ng pang cheer leader na damit at hapit na hapit iyon sa kanyang katawan. Damn! She's not just different, she's damn so attractive and hot.

Pinaandar ko ang motor hanggang sa makalapit ako sa kanya. Nangunot naman ang kanyang noo matapos akong makita. ''What are you doing here?" As usual mataray n'yang tanong sa akin. Ngumisi muna ako saka bumaba ng motor at lumapit sa kanya. Nakita kong napa-atras siya kaya maslalong sumilay ang ngisi sa aking mga labi. ''To pick you up." Sagot ko kaya umangat ang gilid ng kanyang mapulang labi. Alam kong tatanggi s'ya kaya binuhat ko s'ya na parang sakong bigas at ini-angkas  sa motor. Nanlilisik ang kanyang mga matang napatingin sa akin. Sinuot ko na lamang ang isang helmet sa kanyang ulo. ''Fvck you! Why are doing this to me?!" Inis na an'ya. Umangkas naman ako sa motor. ''What do you think?"

''Hoy! tinatanong kita bakit ba parati mo akong sinasagot ng patanong ha?!" Nauubos na ang kanyang pasensya ramdam ko iyon kaya hindi na ako sumagot pa at pinaandar na lang ang makina nung motorsiklo. ''Hold on tight.." Bilin ko bago iyon pinatakbo. Me too.. I didn't know the answer why I'm doing this.. it's just that.. ewan!

Dinala ko siya sa pinakamalapit na restaurant malapit lang sa hospital. ''Good afternoon Miss, Sir!" Bati ng babaeng crew kinindatan ko lamang ang babae saka dumiretso sa mesa na para lang sa dalawang tao. Pinaghila ko na siya ng silya. ''Maupo ka." Agad naman siyang lumapit at umupo.
Pumunta naman ako sa kaharap nitong silya at doon naupo. Lumapit naman sa amin ang babaeng crew kaya sinenyasan ko siya na lumapit. ''Yes Sir?" Mahinang aniya pagkayuko sa gilid ko. Bumulong lamang ako sa kanya bago kumindat. Napaawang naman ang kanyang labi dahil sa narinig. Tumango s'ya at iniwan kami. ''What is this? Are we on a date?"

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon