TCPMTG// 57

364 7 2
                                    

Authors Note:
Hello po sa inyong lahat. Ang tagal na pala na hindi ako nakapagupdate. It almost seven months na walang Update ang TCPMTG. Kaya sorry po kung natagalan na hindi nakapagupdate. Sana po suportahan niyo pa rin ang story na'to. Siguro marami na sa inyo dito ang nabagot na kakahintay sa next update. Kaya sorry po talaga kung pinaghintay ko po kayo ng matagal. Pero ngayon nakapagupdate na ako sana keep supporting po sa story na'to. I'll make up to you guys this time kaya read, comment and vote lang po hehe. Again thank you so much for your support and patience guys! Love yah all <3 <3

SHON POV

"Saan sila Tylere at Yuri?"

Bigla akong napaupo ng maayos ng biglang sumulpot si Red sa harapan ko.

"Nasa Tagaytay sila ngayon. Gusto mo bang puntahan ko sila, Red?"

"No. Hayaan mo muna sila may kailangan pa tayong planuhin."


Sabi pa nito saka umalis sa harapan ko. Sumunod naman ako sa kanya at ayun pumasok kami sa underground kung saan kami nagpupulong.

Nandun na ang iba naming mga kasama maliban kay Steven na siyang inutusan ni Tylere kagabi.


"Nandito tayong lahat dahil gusto kong sabihin sa inyo na kailangan naten maghanda sa gagawin nating paglusob sa grupong iyon"  

Paninimula niya habang ang lahat ng nasa pagpupulong ay nakikinig lang sa kanya.



"Are you talking about the gang na sumugod sa unit ni Tylere?"

Lakas loob na tanong sa kanya ni Kristof. Seryoso pa rin ang mukha ni Red hanggang ngayon. Masama ito mukhang kailangan namin ang tulong ni Tylere.

Pero paano? Siguradong kasama niya ngayon si Yuri. Bukod dun kailangan rin namin masiguro ang kaligtasan ng mga magulang at kapatid ni Yuri.

"Yes. That's why I want you all to be prepared. And Shon" bigla akong tumitig sa kanyang mga mata para ipaalam sa kanya na nakikinig ako sa kanyang sasabihin.


"Yes Red ano iyon?"


"Bring back Tylere with you tomorrow. At yung babae niya ipaubaya mo iyon kay Steven. I want Steven be assigned for the safety of that woman's family" seryoso niyang tugon. Saka napahawak sa kaniyang batok. Nasisiguro ko na pagkatapos ng laban na'to. Siguradong may parusang matatanggap si Tylere mula kay Red. Alam ko ayaw na ayaw ni Red na may nadadamay kaming ibang tao. Kaya nga mahigpit niyang ipinababawal sa grupo ang pumasok sa isang relasyon.


"Okay Red. Don't worry sasabihan ko sila mamaya"


"And Simoun kamusta ang pinapagawa ko sayo?"


Nadako ang lahat ng atensyon namin sa gawi ni Simoun matapos siyang tanongin ni Red. Ano kaya ang pinautos niya rito?

Kung ano man iyon alam kong may kinalaman iyon sa nalalapit na gang fight.

"Malapit ko ng makuha ang loob ng ilan sa grupo nila. Kailangan ko lang siguraduhin na hindi nila malalaman ang tunay kong pakay sa kanila at kung sino talaga ako . "


"Kung ganoon doble ang ingat ang kailangan mong gawin. Alam ko napakadelikado ng pinapagawa ko sayo pero naniniwala ako na magagawa mo ang pina-uutos ko sayo."

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon