TCPMTG// 90

122 2 0
                                    

Simoun POV

Nagising ako matapos makarinig ng ibat-ibang boses sa loob ng aking kwarto. ''Oh gising na s'ya" boses iyon ni Steven. Pagmulat ko ng aking mga mata ay mukha agad ni Steven ang sumalubong sa akin. ''Kamusta kana, Simoun?" tanong nito sa akin saka ngumiti ng pilit. Bumuntong hininga muna ako saka pinilit ang katawan na bumangon. Agad naman n'yang nilagyan ng suporta ang aking likuran. ''Thanks."

Nakita ko na nandito silang lahat maliban kay Mark. Malamang masama ang loob nun sa akin dahil sa sinabi ko kagabi. ''How are you feeling?" Natuon ang paningin ko kay Ice. Nakaupo ito sa coach habang magkakrus ang mga binti. Nasa likuran naman niya sina Shon at Xiantal. ''I'm not yet fully recovered" sagot ko sa kanya bago ngumiti ng pilit. Nakita kong ngumuso siya saka inayos ang suot na salamin. ''You have to eat delicious foods and rest well, then." Anya saka ito tumayo at namulsa. ''I'm just passing by to check you, I'm glad that you're fine."

Ngumisi naman ako saka pinagkrus ang aking braso sa aking harapan. ''Thanks for visiting me." Matapos kong sabihin iyon ay lumabas na s'ya ng aking kwarto. Ganun si Ice bawat minuto sa kanya ay mahalaga. ''I bought a banana milk and sandwiches for you." Nadako ang atensyon ko kay Tylere na abala sa paglalagay ng mga pagkain sa aking side table. ''Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanilang lahat na agad naman nilang tinanguhan. ''Yeah we ate already, I cooked a breakfast for us." muling sabi ni Tylere habang inaabot sa'kin ang sandwich. Tinanggap ko naman iyon at sinimulang kumain. ''May problema ka ba, Kai?" tanong ko kay Kristof na nakatayo malapit sa pintuan. Panay kasi ang buntong hininga nito habang kunot ang noo. Nag-angat s'ya ng tingin sa akin saka umiling. ''It's nothing... it's a simple love quarrel." Anya saka ngumisi, hindi na  ako nagsalita pa dahil alam kong hindi ugali ni Kristof ang magkwento ng kanyang mga problema sa buhay.

''Nag-away sila ng maingay n'yang nobya" bulong sa akin ni Steven pero parang hindi iyon bulong dahil medyo may kalakasan ang kanyang boses habang sinasabi iyon. Tuloy ay hinagisan s'ya ni Kristof ng kutsilyo na agad naman n'yang nailagan. ''Fvck Kai!! Are you goin' to kill me?"

Sumeryoso ang mukha ni Kai habang naglalakad ito palapit sa amin. Nataranta si Steven kaya nagtago ito sa likod ni Tylere. Natawa na lamang ako maging ang mga kasama ko sa naging reaksyon ni Steven. Para kasi itong bata na takot mapalo. ''Tylere please help me, he's really going to kill me" bulalas pa nito sa likuran ni Tylere, umiling na lamang ako saka isinubo ang natitirang sandwich. ''Boys! I have to go na, may klase pa  ako" narinig kong sabi ni Xiantal habang inaayos ang shoulder bag nito. ''Masaya ako't nagising kana." sabi pa nito sa akin bago ngumiti. Ngumiti naman ako sa kanya. ''Salamat. Mag-iingat ka." Matapos kong sabihin iyon ay tumango naman s'ya. ''Tabi" mataray n'yang sabi kay Shon na agad naman itong tumabi habang nakangisi. ''Baka gusto mong ihatid kita?" Malambing na tanong ni Shon kay Xiantal dahilan para pasinghal s'yang lingunin ng dalaga. ''No way. Baka sugudin na naman ako ng babae mo!" Mataray na sabi ni Xiantal saka nagmadali itong lumabas ng kwarto.

''Hahaha! Potek! Laugh trip talaga.. hindi man lang mabiro ang isang 'yon" Natatawa pa rin sabi n'ya nahinto naman siya ng mapansin walang nakikisabay sa kanya. ''Kamusta kana Simoun?" ngiting an'ya. Uminom muna ako nung banana milk saka sinalubong ang mga tingin n'ya. ''Okay naman. Akala ko susunduin na ako ni Kamatayan pero mukang postponed yata" sagot ko saka ngumusi. Tumango-tango lang s'ya saka ito tumalon paupo sa coach. ''Matutulog lang muna ako saglit."

''Go ahead" sabi ko na lamang bago sumandal sa headboard ng hospital bed. ''Simoun, kailangan kong bumalik sa university." Seryosong sabi ni Tylere saka idinawit ang bag nito sa kanyang kaliwang braso. ''Sleep well, okay?" tumango na lamang ako bilang sagot. ''Sasabay na din ako sa kanya" sabi naman ni Steven.

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon