TCPMTG// 103

78 0 0
                                    

Shania POV

''Anong SPG pinagsasabi mo Natty?!" Bulyaw ko kay Natty saka ko sinamaan ito ng tingin. Inirapan naman ako ng bruha saka ngumisi.

''Tama na ang lambing moment ninyong dalawa. Ano pa'ng ginagawa natin? Tara let's, tumakas na tayo." Napatingin ako kay Wel-Mina saka ko ibinalik ang aking paningin kay Kristof.

''Babe, anong plano natin ngayon? Itutuloy pa ba natin yung kissing scene o lalabas na tayo?" Bored kong tanong sa kanya. Umiling naman ito.

''What?! Wala tayong gagawin?" Gulat kong tanong sa kanya. Pinitik naman nito ang aking nuo. ''Ouch! Sumusobra kana, Kristof ah!"

''Syempre tatakas tayo. Where is your brain, babe?"

''Nasa ulo ko syempre!"

''Akala ko kasi nasa talampakan mo--ouch!" Anya matapos kong tadyakin ang kanyang binti. Sinamaan naman niya ako ng tingin pero binelatan ko lamang siya.

''Tara na nga!" Naiinis kong sabi habang naglalakad palabas ng silid. Pagkalabas ko ay medyo madilim sa paligid.

''I'll guide you, so follow me, faster ladies." Halos pabulong na sabi ni Kristof sa amin. Hinawakan naman niya ang aking kamay saka ako kinaladkad.

''Sabi na eh PDA sila." - Natty

''Tingnan niyo baka may langgam sa inyong mga paa. Umaapaw kasi ang sweetness nung dalawa d'yan." - Wel-Mina

Lumingon ako sa aking mga kaibigan at sinamaan ko sila ng tingin. Nakangisi naman ang mga bruha.

''At saan kayo pupunta?"

Napahinto ako este kami ng marinig namin ang boses ng isang babae. Napatingin ako sa itaas kung saan nanggaling ang boses na iyon.

Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa relis sa itaas. Nakatitig ito sa amin at ang sama ng tingin nito. Para bang gusto niya kaming kainin ng buhay.

Grr! Nakakatakot naman oh!

''Exit." Tipid na sagot ni Kristof. Napairap ako sa likuran ni Kristof. Hay umaatake na naman ang pagiging abnormal ng babe ko.

''Hahaha!! Tingnan natin kung makakatakas kayo." Sabi ng babae saka pumitik sa ere. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Kristof ng makarinig kami ng huni ng mga paa na nagsisitakbuhan palapit sa amin.

''Patay." Bulong ni Kristof. Sinampal ko naman ang kanyang likod ng malakas. ''What the hell is your problem babe?" Pasinghal na sabi nito sa akin.

''Walang mamatay sa atin babe." Sabi ko saka ngumuso sa kanyang harapan.

''Sinabi ko ba'ng mamatay tayo, tsk!"

Napangiwi na lamang ako saka muling tumingin sa taas pero wala na dun ang babae.

Asan na 'yon? Bakit bigla na lang nawala na parang bula? Weird.

''I need back up." Narinig kong sabi ni Kristof matapos nitong pindutin ang earpiece sa kanyang tenga.

''Tatayo na lang ba kayo?" Sabi ng isang pangit na kalaban. Napatingin ako sa makintab nitong ulo.

''Kuya!" Tawag ko sa lalaki'ng kalbo. Kunot nuo naman itong napatingin sa akin. ''Curious lang ako, anong floor wax ang ginagamit mo?"

''Sira! Anong pinagsasabi mo'ng babae ka?!" Iritable nitong sabi sa akin.

''Ang kintab kasi ng ulo mo kuya. Ano ba'ng brand ng ginagamit mo ng magamit ko naman sa flooring namin---waah!" Napasigaw ako ng bigla na lamang kaming sinugod nung lalaki.

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon