TCPMTG// 84

127 1 0
                                    

(Ang chapter na ito ay wala pong Point of View.) Pagbigyan niyo po c author hehe tinamad kung kanino dapat ang chapter na'to. 😊
Enjoy Reading po! ^___^

''Oh my ghad nagbalik ang ex" Bulalas ni Shannia sa likuran nila. Binawi naman agad ni Yuri ang kamay niya na hawak-hawak ni Venice. 

''Let's go Tylere, gusto ko ng umalis" Sabi niya sa nobyo na agad naman tumango sa kanya at sumunod.

''Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?" tanong ni Venice kaya napahinto si Yuri at hinarap ang binata. Pumikit muna siya para pakalmahin ang sarili. ''What for?" maldita nitong tanong saka ngumisi. ''Hindi ba't umalis ka noon ng hindi man lang nagpaalam sa akin. Kaya walang dahilan para kamustahin kita, kasi parte kana lang ng nakaraan ko" seryoso nitong sabi saka tinitigan ng masama ang binata. Alam ng dalaga na hindi siya nito titigilan kaya hinila na niya ang nobyo palabas ng covered court. 

Napahinto silang apat sa garahe ng unibersidad. Pansin ni Yuri na kanina pa walang imik si Tylere kaya nilapitan niya ito. ''May gumugulo ba sa isipan mo?"
Napatingin naman sa kanya ang nobyo. ''Yeah. That guy named Venice, pakiramdam ko meron siyang masamang binabalak.. I can feel it"

Natawa ng bahagya ang dalaga sa sinabi ng nobyo pero agad din naman niya itong binawi matapos makita ang reaksyon ng kasintahan. ''Kung ano man iyon, hindi ko siya hahayaan na magtagumpay. At huwag kang mag-alala ikaw ang mahal ko."  Namula naman ang binata matapos niyang sabihin iyon.

''Hay naku sa sobrang tamis ninyo baka mamaya lumapit ang langgam" pang-aasar ni Shannia pero hindi iyon pinansin ng dalawa.

''May nangyari ba?" napalingon silang apat sa paparating na si Yeisha kasama nito si Shon. ''Yeah, may nagbabalik na ex" sagot ni Shannia sa kanya sabay lingon kay Yuri. Na-gets naman agad iyon ni Yeisha.

''Oh Venice is back. That asshole is on my nerve. Arrghh!" pigil sa inis na bulalas ni Yeisha.

Natawa si Shannia sa sinabi ni Yeisha. ''Bakit ka natawa?" inis na tanong ni Yeisha dito. ''Kasi kung umasta ka parang ikaw naman yata itong ex." Sinimangutan lang ni Yeisha ang kaibigan.

''Si Wendy at Irene nakita niyo?" tanong ng kadarating lang na si Wel-mina. Umiling naman ang tatlo sa kanya. ''Oh, kanina ko pa kasi tinatawagan mga cellphone nila pero can not be reach yung dalawa"

''Hay naku malamang nasa club na iyong dalawang iyon" Bulalas ni Yeisha. ''Nakita ko kanina si Irene kasama niya si Mark" Singit ni Tylere kaya napatingin ang lahat sa kanya.

''Eh? Kilala mo ba si Irene?" Tanong ni Yeisha kay Tylere at tumango naman ang binata. ''Sino ba ang hindi nakakakilala sa minsan naging ex ng kabarkada ko" Paliwanag ni Tylere saka pasimpleng tinignan si Shon na ngayon ay nakayukom ang isang kamay. ''Tsk" ang sabi ni Shon saka hinarap si Yeisha. ''I'm sorry but I'll have to go. Kailangan ko pang asikasuhin yung club."

Tumango naman ang dalaga saka ngumiti. ''Okay, thanks for today" Hindi naman umimik ang binata at nagpaalam na din ito sa iba pa bilang kasama. ''Tingin ko hindi pa siya totally naka-move on" wala sa sariling sabi ni Shannia. Napayuko naman si Yeisha para maitago ang lungkot sa kanyang mga mata. ''Tara kain muna tayo" Aya ni Yuri sa kanila bago tumingin kay Tylere. ''Libre daw ni Tylere" ngising an'ya, napakamot na lang sa ulo ang binata.

***

''What the hell sinabi na ngang hindi ko siya boyfriend eh" inis na paliwanag ni Irene kay Mark matapos nitong tanungin kung boyfriend niya ang binata na nasa cellphone ni Mark. ''Really? Bakit s'ya naka-akbay sayo kung wala kayong relasyon" Pangungulit ng binata sa dalaga. Naparoll eyes na lang si Irene saka tumingin ng diretso kay Mark. ''Come on, we're just flirting. I don't even know his name so please stop the crap

Lumapit naman ang binata sa dalaga dahilan para mapa-atras ang dalaga hanggang sa madikit na sa ding-ding ang kanyang likuran. Tinitigan niya ng mabuti ang dalaga sa mata para alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. Sa huli ay sumuko din ang binata. ''Okay, I trust your words."

Napairap na lamang ang dalaga saka itinulak ang binata. Agad tinungo ni Irene ang exit ng club. Lihim naman siyang sinundan ni Mark. ''Going home?" Sa gulat ng dalaga ay muntik na siyang mawalan ng balanse. ''Ghad Mark! Sinundan mo pa talaga ako dito ah"

''Nope. I'd just asking you kung uuwi kana. Kasi mukang ako lang ang pwedeng maghatid sayo"

''Duh? May taxi naman I can go home on my own"

''Tsk, I insist ihahatid na kita sa inyo." Muli niyang tinignan ang binata saka niya ito tinaasan ng kilay.

''Just mind your own business. I'm not a kid" Pagtanggi an'ya.

''I know. Pero sa tingin mo ba hindi ka pagnanasahan ng taxi driver sa suot mong iyan?" Sabay turo ng binata sa damit ng dalaga. Naparoll eyes na lang si Irene saka itinaas ang magkabila nitong kamay sa ere. ''Fine, sasama na ako sa'yo."

Ang akala ni Irene ay sa kotse sila sasakay pero nagulat siya ng makita ang motorcycle. ''Teka, asan na yung kotseng ginamit mo kanina?"

''Pag-aari ni Simoun ang kotseng iyon. Malamang pinakuha na niya kanina kay Stevan." Sagot ng binata sabay hagis ng isang helmet sa kanya. ''Wear it." Agad naman sinuot iyon ng dalaga saka ito umangkas sa likuran ni Mark.

''Hold on tight" bilin ni Mark matapos niyang makita na sa gilid ng damit niya nakakapit ang dalaga. Hindi naman iyon sinunod ng dalaga kaya hinila niya ang dalawang kamay nito. ''I said kapit ka ng mabuti" Naramdaman niya ang panlalamig ng kamay ng dalaga kaya wala sa sariling napangiti si Mark. Buti na lang hindi iyon nakita ng dalaga.

''Please dahan-dahan lang ang pagmamaneho m- yah!!"
Napasigaw sa gulat si Irene ng bilisan ni Mark ang takbo ng kanyang motorcycle.

''Damn! My hair is so lagkit" maktol ni Irene matapos tanggalin ang helmet. ''Thanks to you, you ruin my hairdo" Asik pa niya sa binata na napangisi naman. ''But still you're beautiful"

''Duh? Wala na bang bago? I'd always heard that in  campus" Walang ganang an'ya.

''Haha edi ito" natawa nang bahagya ang binata bago tumitig sa mga mata ng dalaga. ''Ang iyong ganda ay tulad ng sa buwan. Kahit madilim ay tanaw ko pa rin"

Hindi naman agad naka-react ang dalaga sa narinig. Pero deep inside nagustuhan niya ang sinabi ng binata kahit alam niyang nagbibiro lang ito sa kanya.

''You sounded like an old man" Iyon na lang ang nasabi niya bago dumiretso sa entramce ng condo building kung saan siya nakatira. ''Thanks for tonight, I really enjoyed it riding in your motorcycle."
Pahabol na anya, nakita n'yang tulala ang binata kaya ngumiti siya at hindi na niya hinintay ang sasabihin nito sa kanya. Tuluyan na siyang pumasok sa condo building.

''That's weird" bulalas ni Mark habang sapo ang kanyang dib-dib. Hindi nagtagal ay umangkas na siya ulit sa motor at pina-andar iyon.

''She's really different, so different."

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon