TCPMTG// 73

238 6 0
                                    

Kristof POV

Nasa head quarter ako ngayon kasama ang mga ibang member ng Red Tiger. Lahat kami ay nakatutok sa aming pinuno na ngayon ay nagsasalita sa aming harapan.

Kanina pa siya nagsasalita pero pakiramdam ko wala akong maintindihan sa mga sinabi niya. Kanina pa kasi bumabagabag sa aking isipan ang babaeng iniwan ko kanina sa restaurant.

I know it's rude na umalis na lang ako bigla ng hindi man lang nag-papaalam sa kanya. Pero buhay ko naman ang nakataya kung hindi ako sisipot sa lintek na pagpupulong na ito.

Napatingin naman ako kay Mark matapos niya akong tapikin sa balikat.

''Kristof tinatanong ka ni Red" anya kaya tumingin naman ako kay Red na nasa harapan.

''Yes? Red" tanong ko dahilan para panliitan niya ako ng mata.

''Tell me. Sino ang tumatakbo sa utak mo ngayon para mag-space out ka?" Ani nito saka umupo sa kanyang upuan. ''Is that a girl?" Anya pa bago pinagsiklop ang dalawang palad nito. Kumalma naman ako saka dahan-dahan tumango.

''I won't deny it. You're right, my mind is already left in that restaurant where in I'm having a date with someone a while ago. And I feel sorry sa babaeng iniwan ko dun na hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya. " diretsahan sagot ko. Para saan pa ang pagsisinungaling kung malalaman at malalaman rin naman ni Red ang totoo. Masmabuti ng sa akin niya nalaman.

Nakita kong napatitig siya sa akin mga mata. Nasisiguro kong binabasa niya ang mga ito para masiguro kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

''Alam ko hindi ko kayo pwedeng diktahan lalong-lalo na ang inyong puso." Anya bago ibinaling ang atensyon sa lahat. ''Pero sana wag ninyong kalimutan ang layunin at hangarin ng ating samahan. Iyon ay ang managot ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay ng ating mga mahal sa buhay." Saka nito ibinaling ang atensyon kay Tylere. ''Pero sana sa pagpasok ninyo sa isang relasyon ay dapat handa kayo sa pwedeng mangyari sa taong mahal niyo. At higit sa lahat kaya niyo siyang protektahan sa mga kalaban natin na anumang oras pwede nilang gamitin ang mga mahal natin para saktan tayo."

''Handa akong i-buwis ang buhay ko masiguro ko lang ang kaligtasan niya." Matapang na tugon ni Tylere na tinanguan naman ni Red. Napangisi na lamang ako.

''At bago natin ipagpatuloy ang pagpupulong na ito." Napatingin ulet siya sa gawi ko kaya sumeryoso naman akong tumugon sa mga titig niya. ''Would you mind to spill-out on us, where have you been this past few days?" Anya na ikinagulat ko. Napatingin ako kay Mark at Shon. Pero nagkibit balikat lang sila.

'' I was--" pag-uumpisa ko bago humugot ng malalim na hininga. '' I was with a male friend this past few days. That's why I'm really sorry for not participating with the gang. But don't worry about me, I'm in good hands" sagot ko saka ngumisi. Nakita kong napangisi si Kristof. Alam kong hindi siya kombinsido sa aking sagot base sa kanyang pag-ngisi.

''Okay. Your excuses is accepted." Anya saka tumingin sa ibang member.
''As you can see, Simoun is not around. He is now under the gang named Black Soul." paliwanag niya sa amin. Napatingin naman ako kay Tylere na agad nagtaas ng kamay.

''Red, hindi ba delikado na ipinasok mo siya sa pugad ng kalaban? Kahit na alam niyang walang kasiguraduhan kung makakalabas pa siya doon ng buhay o hindi." May bahid na pag-aalalang tanong nito sa aming pinuno. Nakita ko naman na yumuko si Red kapagkuwan ay muli nitong tinignan si Tylere. Ako man ay sang-ayon sa tanong ni Tylere.

Alam ko himdi ko gaanong kilala si Simoun pero alam kong maasahan siya sa lahat ng laban.

''Alam ko nag-aalala kayo para sa kanya. Ako rin naman ay ganun din." Tugon nito bago kami tinignan isa-isa. ''Pero alam kung magtatagumpay si Simoun. Kaya magtiwala lang tayo sa kanya." Anya kaya napatango-tango naman ang iba naming kasamahan. Napatingin naman ako kay Tylere na ngayon ay nagpipigil sa inis.

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon