TCPMTG// 72

234 5 0
                                    

Shannia POV

Mamula mula ang aking pisngi habang nasa harapan ng salamin dito sa aking kuwarto. Nakikita ko kasi ang kiss mark na gawa ng manyak na si Kristof kagabi sa kusina. Hinaplos ko ang parte ng aking leeg na may chikini at umawang ang aking labi ng makita ang dami nun. Nakakahiya! I should push him away that time pero nawalan ako ng lakas ng loob para gawin iyon.

And I'm so frustrated that I have a date with him. With the man who did this!
Padabog akong umalis sa harapan ng salamin at dumiretso sa aking closet. Kinuha ko na lahat ng damit ko na alam kong matatakpan nito ang mga chikini ko. Saka ako kumuha ng dark colored skirt and shorts.

What should I wear?

Inilapag ko iyon isa-isa sa ibabaw ng kama para pumili.

''Pangit"

''Not this. It's look an ojt uniform"

''Arrghh! Bakit wala akong mapili?!"

Naupo ako sa ibabaw ng kama at tinitigan ang mga damit na nagkalat sa ibabaw nun. Teka? Bakit nga ba ako nagpapaganda eh hindi ko naman manliligaw yung manyak na iyon?! It's just a date because he wants to proved to me that he's not a gay like I'd said.

Dinampot ko ang isang white dress at isang color navy blue above the knee skirt. Saka ko ibinalik ang ibang damit sa closet. Pagkatapos kong mai-ayos ang mga damit ay dumiretso na ako sa banyo para maligo.

After an hour I found myself in front of the mirror putting some make-up.
Yes. I want to become beautiful today. Because I wanted my first date become memorable to me.

Tinagurian nga akong Sadista Princess kaya takot ang ibang guy na yayain ako sa isang date. Kaya susulitin ko na ang araw na ito dahil makakadate ko ang isang Pervert slash Boastful guy named Kristof Kai.. At isa pa chossy pa ba ako eh siya itong nagsabing mag-date kami ngayon.

After putting lipstick on my lips and spray my perfume around me ay napatitig ako sa aking get-up sa harapan ng salamin. Damn! A boyish girl turns into a goddess! I just can't believe it.
Napangiti pa ako saka kinuha ang aking color pink sling bag.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay sumalubong sa akin ang guwapong si Kristof. He is wearing a V-neck black shirt paired with a black faded jeans. Navy blue hat on top of his head and a white sneaker shoes.

''Stop starring at me, Miss flying shoes"

Anya kaya nabalik ako sa reyalidad. Tsk! Bakit ganun kahit simple lang ng get-up niya he looks so handsome pa rin. Inirapan ko naman siya saka nauna ng naglakad.

''Hindi halatang excited ka. Is this your first date?" Tanong pa niya nang nasa hagdanan na kami. Napalingon naman ako sa kanya. ''Of course it's a yes. Ikaw lang kaya ang naglakas ng loob na ayain ang katulad ko sa isang date" umawang naman ang labi niya dahil siguro iyon sa pagkagulat.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Pagkalabas namin ng condo ay nakasalubomg namin ang ibang lalaki na napatingin sa akin. Nakita ko naman ang pilyong ngiti sa kanilang mga labi.

''Hi Miss Gorgeous.. I'm Stephen" pakilala ng isang medyo tsinito na lalaki sa akin. Napatingin naman ako sa kanyang kamay at makikipagkamay na sana ako ng may ibang kamay ang biglang nakipagkamay sa lalaki.

''And I'm Kai, my pleasure to meet you" Ani ni Kristof na puno ng sarkasmo ang boses. ''And would it be okay with you if you give us way?" Saka niya ako binalingan ng tingin. ''Let's go babe" anya pa saka hinawakan ang aking kamay.

Holding hands..

Lihim naman akong napangiti. Binalingan ko naman ng tingin ang nag-ngangalang Stephen and then I mouthed 'sorry' tumango naman ito at kumaway.

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon