TCPMTG// 46

376 7 0
                                    

NATTY POV

"Oh anyare sayo?"

Tanong saken ni Wel-mina pagkaupo ko sa table namen. Umupo naman ako sa harapan niya at kinuha yung juice na nasa harapan niya.




"Wow ha! Uso mag-paalam  bes"



Iritadong sabi nito saken tsaka niya ako inirapan. Nag-peace sign naman ako bilang pag-sorry.





"Ah wala to.. Badtrip lang ako kasi may nangulit saken kanina sa labas ng music room. Dahil dun na-late na naman ako sa klase ko"



"Nangulit sayo? Sino naman?"





"Ah si ano.. Hmm ayoko siyang pag-usapan. "




"Hmmm naglilihim kana saken ah.. "





Natawa na lang ako matapos ko lng marinig iyon kay Mina. Haha para kasing nagtatago ako ng sikreto sa boyfriend ko ang dating ng sinabi niya saken. Kahit na wala naman akong boyfriend haha!




"Nag-order na ba kayo ng meryenda naten?"


Napalingon naman ako kay Shannia at Wendy na kararating lang. Tumango naman si Wel-Mina bilang sagot. Tumabi naman saken si Shannia na nakanguso.



"Bat hindi mo kasama si Yuri?"

Tanong ko sa kanya. Himala wala so Yuri ngayon ah. Kaya pala medyo tahimik. Kasi wala yung isang daldalera haha..
^____^


"May meeting daw sila ni Tylere.. Hayaan niyo na nagbabagong buhay na daw haha!"



"That's good.. Sana this time maipasa na niya yung computer subject na niya yun"




"Hindi naman kasi siya magkakaganun kung nag-paalam ng maayos yung WALANG KWENTA niyang EX" 





Dagdag pa niya. Hmm I feel sorry to Yuri nung nangyari iyon sa kanya. Kasi pinapakita niya samen na masaya siya pero ang totoo hindi.

Umiling iling na lang ako tsaka muling uminom ng juice



"Speaking of the food"



Napatingin ako sa papalapit na sina Yeisha at Irene na  dala-dala ang isang tray na meryenda at isang tray ng juice.




"Wow ang dami namang pagkaen"



"Hep! Sandali lang Shannia"



Pigil ni Yeisha kay Shannia na akmang kukuha na sana ng isang sandwich. Tinulungan ko naman si Irene na ilapag sa mesa yung mga juice.



"We're happy na nagkabati na kayong dalawa. Di ba girls? "




Tanong ni Mina samen. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.




"Yeah. I realize mas mahalaga ang friendship namin kaysa sa past. "



"Yeisha is right. And also mas-mahalaga rin siyempre ang friendship naten!"




Dagdag naman ni Irene tsaka nagpapalakpak pa. Kaya ayun tumayo kaming lahat at nagcheers .

Ang saya talaga kapag walang nag-aaway. Sana ganito nalang kami lagi. Yung masaya at hindi nagkakaroon ng sama ng loob sa isat-isa.

Hayst! Kumusta na kaya yung lalakeng iyon? Sana nakita na niya yung list para di na niya ako kulitin. 











SHANNIA POV

"Guys una na ako may kailangan pa akong puntahan eh"



"Sige ingat ka Shannia. Baka matanggalan ka na naman ng takong haha"



Hayst! Mina talaga kahit kailan ang lakas niyang mang-asar. Inirapan ko naman siya bago naglakad palabas ng canteen.




"Aray!!"



"Sh*t! Why did you do that?!"


Napahilot naman ako saking sintido pano kasi nabungo ko ang isang lalake sa habang naglalakad.

.

Nice one Shannia mukang naghahanap ka talaga ng atensyon mula sa ibang tao. Kasi paglingin ko sa paligid ang raming mga tao ang nagbubulungan. Meron din nakatingin saken ng masama.




"Hoy Miss Clumsy na hindi tumitingin sa kanyang dinadaanan.. "




"Sorry hindi ko sinasadyang bunguin ka. Patawad"





Akmang lalampasan ko na sana yung lalakeng nabunggo ko pero napatigil ako ng bigla na lang niyang hilain ang kanan kong kamay at pinaharap sa kanya.



O___O



Yan ung itsura ko ng makita ko ang kanyang mukha. Siya ung nasapak ko.. Si Kristof ang nabunggo kong lalake! Napatitig naman ako sa napakagwapo niyang mukha. Pero nabalik ako sa realidad ng ngumiti ito saken ng nakakaloko.




"Tapos kana ba sa pagtitig saken?"



"Ah eh.. hmm sorry"



Nauutal kong sabi tsaka inayos ang aking sarili. Napansin kong nakatingin lang siya saken habang nakangisi. Palingon-lingon lang ako sa kanya. Dahil sa totoo lang hindi talaga ako mapakali kapag nasa tabi ko ang lalakeng ito.



"Sumama ka saken"



"Huh? Bakit saan mo'ko dadalhin?"



Tanong ko sa kanya pero lumapit lang siya saken dahilan para mapaatras ako. Naiilang naman ako ng itapat niya yung bibig niya sa taenga ko.



"Basta sumama ka saken kung ayaw mong mabully ka bukas"



"Anong sa-bi mo-



Hindi ko na natuloy yung gusto kong sabihin kasi hinawakan na lang niya bigla yung wrist ko at hinila ako para sumama sa kanya 

Diyos ko Lord! Kayo na po ang bahala saken! TT^TT  

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon