TCPMTG// 52

362 12 0
                                    

TYLERE POV

"Oh what is this Yuri?!"






Iritadong tanong ko aa kanya sabay bagsak nung pinakita niyang Gantt chart niya daw.

Seryoso Gantt chart na sa kanya eto? Eh parang nagdrawing lang siya ng mga table. Tapos lagtaw lagtaw pa yung mga ibang table. Bwisit talaga ang babaeng to!






"Do a Gantt chart again!"





"Hoy! Ang hirap kayang gawin yan"






"BOBO KA BA?! OR TALAGANG WALA NG LAMAN YANG UTAK MO HA?!"






Sigaw ko na naman sa kanya.  Bwisit na nga ako kanina kay Kristof pati ba naman sa kanya? Sa inis ko dahil tulala lang siya sa harapan ko ay kinuha ko yung papel at crinumple yun. Wala akong pakealam sa mararamdaman niya.





"Hoy bakit mo ginawa iyon?!"





"DI ba sinabi ko na ulitin mo? Di ka lang pala bobo. BINGI KA PA!!"






"OO NA!! UULITIN kO NA!! TANGINA NO! KUNG MAGSALITA KA AKALA NO IPINANGANAK KA NG MAY ALAM SA MUNDO!!"





Sigaw nito na ikinagulat ko naman. Huli na nung napagtanto ko na nasobrahan ko ata yung mga binitawan kong mga salita sa kanya.

Hayst! Bakit ba hindi ko ma-control ang sarili ko kapag sa mga ganitong sitwasyon. Napakamot na lang ako sa buhok ko at walang buhay na lumabas sa room nila.

Tinignan naman ako ng mga estudyanteng tumatambay sa hallway. Hindi ko naman sila pinansin at diretso lang akong naglakad palayo sa kanila. 




'Anyare sa Mr. Prodigy naten?"





Bungad saken ni Shon pagkapasok ko sa tambayan namin. Sa totoo lang gusto kong uminom ngayon. Kaya tumabi ako sa kanya at nagbukas ng isang beer.






"Uy baka hindi yan si Tylere bro? Baka kakambal niya lang" natatawang sabi ni Mark kaya hinagis ko yung tansan at tinamaan naman siya sa kanyang noo.   Lintek wala naman akong kakambal ah!





"Aray! Ano ba Tylere, i' m just kidding"



Buwelta niya saken pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Tsaka tumungga ng alak.




"What happened? Magkuwento ka naman. Sa lahat ng myembro ng Red Tiger kayo lang ata ni Kristof ang malihim"




Napahinto naman ako sa pag-inum at pinatitigan sa mata si Shon. Nagulat naman siya sa ginawa kong pagtitig.




"Tylere chilax! Nakakatakot ka eh, kaya wala kang girlfriend eh"




"Ayos lang kung wala yang girlfriend. Besides hindi pinahihintulutan ni Red na magkaroon tayo ng koneksyon sa mga babae"





Koneksyon ah? Sa tingin ko kasi sa pagtututor ko kay Yuri may koneksyon na ako sa kanya. Kaya lagi kong binabantaan si Ice na wag galawin ang babaeng iyon. 




"Pero di ba parang may koneksyon na rin siya kay Yuri?"





Tanong ni Steven habang kinakamot ang kanang mata nito. Malamang nagising ito dahil aa ingay namin.





"Oo nga noh? Kasi lagi mo siyang kasama. Baka mamaya niyan kayo na pala"






Panunukso naman ni Mark kaya tinignan ko siya ng masama. That will never happen. Hindi ko hahayaan na may masaktan ng dahil saken. 



"Never"





"Never ha?? Baka lunukin mo yan kapag naging kayo"




Kahit kailan talaga kontrabida ng buhay ko etong si Mark. Palibhasa kasi maspinapaburan niya si Kristof. Kaya ganun na lamang niya akong asarin. Puta! ka talaga Mark!!





"Pipigilan ko hanggat kaya ko. Dahil ayaw ko siyang masaktan"





"Oh eh di may gusto ka nga sa kanya? Kasi sagot mo pa lang "bang""





Sabi niya sabay kunwaring itinutok sa kanyang puso yung daliri niyang ipinurmang parang baril.Tsk! Nababaliw na talaga siya.





"Oo nga bro tapos liligawan mo siya then sasagutin ka niya ng sweet double O. Then magcecelebrate kayo ng monthsary  ninyo tapos sa kama ang bagsak niyo"





Sabi pa ni Mark tsaka tatawa na parang nang-aasar. Hindi ko naman siya liningon at uminom lang ulet.





"Tapos you make out with her. Yung isisigaw niya yung TYLERE AHH MAKE IT FASTER FCVK----- ARAY!!"





Binato ko ng unan si Shon dahil sa kung saan na naman napapadpad yung utak niya. Hay intake na naman siya ng pagkapilyo niya.





"Wag niyo ngang itulad si Tylere sa inyo.. Oh siya gusto mo nga ba si Yuri?" 





Tanong saken ni Steven dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko. Seriously? Mgkakagusto ako sa clumsy at slow na babaeng iyon?

Eh negative 0 nga ang percent niya sa hinahanap kong standard sa isang babae eh.



"Tsk! Never"



Hindi ko alam pero sa sinabi kong iyon sarili ko ata ang nasaktan ko. Pakiramdam ko kasi kumirot ang paghinga ko ng sabihin ko iyon.




"Okay. Sinabi mo eh, sayang boto pa naman ako sa inyo.. Di ba pre?"





Sabi ni Steven sabay tapik pa kay Mark na tinanguan naman nito. Tinignan ko naman si Shon ng ngumisi ito tsaka kumuha ng can.





"Alam mo Reizon hindi naman bobo si Yuri"




"Paano mo nasabi?"




"Tsk! Sa tingin mo ba may makakasali ba sa dean's lister kung bobo ang isang estudyante? "




May point nga siya. Bakit hindi ko alam iyon. Inalam ko ang mga impormasyon  tungkol sa kanya pero bakit ang bagay na yon ay hindi ko alam.




"Matalino naman siya dati kaso nung umalis yung boyfriend niya na walang paalam.  Dumating ang next semester ay wala na siya sa list"




"Oh bro may pag-asa ka pa. Matalino pala si Yuri eh"




Masayang sabi ni Steven. Pero wala pa rin akong masabi sa mga sinabi ni Shon.




"Palagi bang kasali yung ex niya sa dean's lister?"



Tanong ko sa kanya na tinanguan lang niya bilang sagot. Madami pala akong hindi alam sa babaeng iyon. At ganun rin naman ako sa kanya. Marami akong lihim na si Melisa lang ang nakakaalam.

Sana lang talaga hindi ako mahulog sa kanya. Dahil natatakot ako. Takot akong malaman niya ang tungkol saken. Dahil ayaw kong kinakatakutan ako ng babaeng gusto ko.

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon