TCPMTG// 55

356 13 0
                                    

YURI POV

"Yuri halika pasok ka dali"

Bungad saken ni Steven sabay hila saken papasok sa unit ni Tylere. Paano na ako uuwi niyan wala na akong pera pa-uwi naubos na dahil sa Tylere na'to!

Sumama naman ako sa kanya at ayun dinala niya ako sa kwarto ni Tylere. Nagulat naman ako sa nakita ko.

Si Tylere may kahalikang babae! O ___O
Di joke lang naniwala naman kayo haha! Si Tylere ayun nakabalot yung katawan mula paa hanggang sa leeg nito at talagang giniginaw siya.

"May lagnat ba siya?"

"Oo Yuri eh. Kaso hindi ko naman matawagan si Melissa kasi baka nasa club iyon ngayon eh di ko naman alam mag-alaga ng may sakit"

"Kaya ako na ang inistorbo mo ganun?"

"Hmmm Oo. Pero kung may gagawin ka okay lang  tatawag na lang ako ng iba"

Umiling naman ako sa sinabi niya. Ano yun mang-iistorbo na naman siya ng ibang Tao. Paano kung hindi rin alam yung gagawin di sayang yung pera nila at oras nila.

"Ako ng bahala sa kanya pero palitan mo yung pera ko. Alam mo bang naubos yung pera ko papunta dito" 

Napakamot naman siya sa kanyang batok. Wag niyang sabihin na wala siyang pera?! Naku makakasapak ata ako ng lalake ngayon. =___=*

"Bakit? Anong problema mo?"

"Ah eh wala akong pera eh nasa mansion. Ano si Tylere na lang ang magpapalit sa mga nagastos mo tutal masmayaman naman yan kaysa saken"

"Ano?! Bakit siya? Eh ikaw itong nag-estorbo saken"

"Basta sabihin mo na lang sa kanya. Sige una na ako Yuri salamat!"

Hahabulin ko sana siya kaso ang bilis niyang tumakbo sim-bilis ata ni Flash. Hay ano na naman ba ito Tylere pasalamat ka may konsensya ako. Eh ikaw kaya, may konsensya ka kaya?

Bago ko simulan ang pag-aalaga kay Tylere ay tinexan ko muna si mama at sinabi na bukas na lang ako uuwi ta may sakit si Tylere. Pinagbigyan naman niya ako at sinabi na akitin ko daw siya. Grabe si mama boto talaga siya kay Tylere.

=___=*

Pumunta naman ako sa kusina niya at nagpakulo ng tubig tsaka ako kumuha ng bimpo. Ginawa na nga akong Personal Assistant niya pati ba naman Personal Nurse aakuhin ko pa! Bwisit ka talaga Tylere! Di ba girlfriend niya si Melissa. Bakit ako ang nag-aalala sa lalakeng to?!

Matapos kong isalin sa batsa yung half hot water ay hinaluhan ko iyon ng alcohol. Tsaka nagtungo sa kwarto ni Prodigy. Pabigat ka talaga sa buhay ko kahit kailan, Tylere!

Inirapan ko pa ang tulog na si Prodigy tsaka ipinatong sa side table niya yung mga dala ko. In-open ko yung drawer at sakto nandun yung thermometer niya.

Ang astig talaga. Kanina galit siya saken dahil sa gantt chart ko =___=* Tapos ngayon siya rin naman pala etong may kailangan. Kainis! Bakit ba kasi ang talino mo masyado!

Napahawak ako saking bibig ng makita sa thermometer yung temperature niya. Paano kasi nasa 40 degree Celsius ang temperature niya. My ghad naman Tylere bakit ngayon kapa nagkasakit bwisit!

"Hmmm... Yuri.. I'm so sorry"

Napahinto ako sa pagpunas ng kamay niya matapos ko siyang marinig na nagsasalita habang pikit ang mata. Tsk! For sure hindi mo yan masasabi kapag gising kana. Ang daya naman niya kapag may sakit lang siya mabait saken.. =___=

Palibhasa kasi may kailangan eh! Kaya pagbigyan niyo na ang Mr. Prodigy slash Mayabang slash Tylere na'to! Palibhasa kase ipinanganak na matalino!

Kung pwede lang na sakalin ko siya malamang kanina ko pa ginawa iyon sa kanya. Ghad! Gigil na gigil talaga ako sayo!

Matapos kong masiguro na napunasan ko na lahat ng parte ng katawan niyang expose. Ay linagyan ko ng bimpo yung ibabaw ng noo niya tsaka siya iniwan para kumuha ng gamot sa kusina.

"Hoy Prodi bakit ka bumangon?"

Bungad ko sa kanya pagbalik ko kasi sa kwarto niya ayon naka-upo na siya at parang inaalala kung anong nangyare.

"Inum ka na ng gamot mo para makapagpahinga kana. Wag kang mag-alala dito lang ako bukas nalang ako uuwi"

Tulala naman siya at parang may gusto ng sabihin saken. Syempre ako naman etong si patay malisya umupo sa upuan na nasa side table niya at nakipagtitigan sa kanya.

Dahan-dahan siyang lumapit saken kaya nagulat ako.
Wait?
Hahalikan ba niya ako? OMG! I'm not ready hindi pa ako nakapag tooth brush noh. Kadiri haha!

"Ah ano Tylere Anong ginagawa mo?"

Pinilit kong wag mautal kasi hindi ko naman alam yung gagawin niya saken. Nag smirk naman siya saken tsaka niya ako hinila at inakap.

Shet! My heart beats so fast! I can't breath
Hohoho!! Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ko sa ginawa niya basta ang alam ko namumula ako sa mga oras na'to.

"I'm sorry Yuri..
I'm sorry for what I said to you kanina. Hindi ko naman intensyon na saktan at sigawan kita, talagang na-badtrip lang ako kanina"

Sabi niya kaya napahaplos na lang ako sa likuran niya. Alam ko na sincere siya sa paghingi niya saken ng tawad dahil ramdam ko yun.

"Hmm okay lang Tylere.. Wag kang nag-aalala ikaw pa rin ang tutor ko"

Nakangiting sabi ko at akmang iiwas na sana ako sa akap niya pero bigla niyang hinigpitan iyon kaya nagulat talaga ako.

"Tylere hindi ako makahinga"

"Saglit lang ito please pagbigyan mo na ako."

Ilan minuto ang lumipas at nasa ganun pa rin kaming posisyon. Hindi ba siya nangangalay sa lagay namin? Kasi ako kanina pa ako nangangalay.

"Yuri"

"Hmm bakit?"

"Paano kung malaman mo ang totoong ako. Lalayuan mo ba ako?"

"Ano ka ba?
Addict, drug Lord, engkanto, maligno, or worst gangster haha"

Natatawang sagot ko sa kanya tsaka humiwalay sa yakap niya. Nangangalay na kasi ako eh.

Kita ko naman na nag-iba ang aura niya. Bakit may masama ba akong sinabi? Hala nabuhay  na naman ang demonyo sa katawan ni Mr. Prodigy!

"Isa akong - - -

"BANG"

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon