TCPMTG// 76

253 6 0
                                    

(See Kristof Mirtow on the photo above ❤)

SHANNIA POV

Tama ba ang nakikita ko ngayon. Isang Kristof Kai pinupunasan ang aking mukha gamit ang bimpo. Nakatitig lang ako sa kanya habang paulit-ulit niyang pinupunasan ang aking noo pababa sa aking leeg at mag kabilang kamay.

Malamang kung hindi lang niya kasalanan kung bakit ako nilalagnat ngayon baka sa mga oras na ito kanina pa ako kinilig. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo para hindi magtama ang paningin namin dalawa.

''Just rest." Anya kaya napatingin ako sa kanyang mukha. ''Pupunta lang ako sa kusina para magluto ng kakainin mo. So that you can take your meds" sabi pa niya bago ito tumayo at inayos ang pagkakalagay ng kumot sa aking katawan.

Nang makatalikod na siya ay doon na ako nagsalita. Bakit niya ba ito ginagawa kung hindi naman pala siya nakokonsensya? Anong dahilan niya?

''Bakit mo ito ginagawa? Itong pag-aalaga mo sa akin" mahinang tanong ko pero sa lakas ng pandinig niya narinig niya pa rin kahit malapit na siya sa pintuan. Lumingon naman siya sa akin saka ako tinitigan dahilan para mapalunok ako.

''Gusto kong alagaan ka kasi--" tila nag-iisip siya ng susunod na sasabihin hanggang sa napalitan iyon ng pag-iling. ''Iyon lang ang rason." Anya saka ito ngumiti ng pilit sa akin bago lumabas ng aking kuwarto.

Napabuntong hininga na lamang ako. Assumera kasi ako eh kung anu-ano ang naiisip kong tanungin sa kanya. Akala ko kasi kaya niya ito ginagawa kasi may gusto siya sa akin pero mukang nagkamali ako ng inakala. Napa-irap na lamang ako bago ipinikit ang aking mga mata.

Maybe, I should stopped this unknown feeling..

Nagising ako ng maramdamang may tumatapik sa aking pisngi. Pagbukas ko ng aking mga mata ay mukha agad ni Kristof ang bumungad sa akin.

''It's time for you to eat and take your meds after" anya sabay lapag ng tray sa mesa na nasa gilid ng kama ko. Dahan-dahan naman akong bumangon kahit ang pakiramdam ko nanghihina pa rin ako. Nagulat naman ako ng bigla nitong linagyan ng unan sa aking likuran. ''So that you can rest your back and for you to eat comfortable" anya pa saka ako binigyan ng pilit na ngiti. Itinuon ko naman ang aking atensyon sa soup na nasa tray. At mukang napansin niya iyon kaya dali-dali niya itong kinuha saka nilagay sa maliit na mesa.

(Yung mesa po na ginagamit kapag gustong kumain sa kuwarto o sa kama. Sorry hindi ko alam ang tawag doon., A/N)
 
Naupo naman siya sa aking harapan. ''Kaya kong kumain mag-isa. Pwede ka ng lumabas" sabi ko saka ko siya tinitigan na parang sinasabi na sundin niya ang sinabi ko. Magsusubo na sana ako ng sopas ng bigla akong atakihin ng ubo.

''Let me feed you" Kunot noo akong napatingin sa kanya matapos niyang sabihin iyon. Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang niyang inagaw mula sa akin ang kutsarita at nag-scoop ng sopas sa bowl. ''Huwag matigas ang ulo, ngayon ko lang gagawin ito" anya pa kaya napangiwi na lamang ako sa kanya. Tsk, sinabi ko bang alagaan mo ako. ''Ahh..say ahh" anya matapos niyang hinipan ang sopas. Tinignan ko muna siya ng masama bago siya sinunod. Matapos kong matikman ang luto niya ay natakam ako. Ang sarap kasi niya magluto. Daig pa ata niya ang isang babaeng marunong magluto. Nang maubos ko ang sopas ay nakita ko siyang bahagyang ngumiti pero agad rin iyon nawala.

''Kuha lang ako ng gamot mo" anya matapos itong tumayo bit-bit ang mangkok ng sopas na wala ng laman. Napatitig naman ako sa kanya. Kumain na kaya siya? ''Kumain kana ba?" Hindi ko maiwasang tanungin iyon sa kanya. Oo naiinis pa rin ako sa ginawa niyang pag-alis ng hindi man lang nagpapaalam. Pero hindi naman ako ganun kasama para hindi na siya tanungin.

Gangster Series #1: The Campus Princess meet the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon