PART 30

34 3 0
                                    

Bugbog... Therapy. Dengue... Blood Transfusion. Hay. Ok lang! Nalagpasan ko naman lahat yan. :)

Ngayon ? Back to normal ang lahat.

Nagi-school na ulit, maayos na ang lahat. Except lang sa? Admirer ni Paolo. Si Roxanne. Well? Lagi niya kaming ini-stalk ni Pao. Tapos... Sinisiraan pa ako sa iba? I don't care if masira ang image ko sa buong school. Isa lang naman akong simple high school girl na nag-aaral sa LCBA. Siya naman? Isang mayaman na hipon. Yea. Hipon... You know? Sexy... Pagharap. No thanks. That's it. -_-

Natapos na yung unang subject. Sabi ni Pao. Sasabay silang kumain samin nila Liah at Lennie.

Buti na nga lang, at nung paglabas naming tatlo nandun na sila.

Ewan ko ba kung nanliligaw na siya o ano? Kase simula nung nakalabas na ako sa ospital. He keeps on giving me red roses. Chocolates. Letters. Tapos minsan nadayo pa sa kwarto ko para kantahan ako.

Pagdating namin sa canteen. Ang dami nang nakaupo. Busy sa pagku-kwentuhan, sa habulan, agawan ng snacks, tapos abala rin sa pagse-selfie. Yun. Yung mga ganon.

Humiwalay na kaming tatlo para maghanap ng mauupuan. Kaso. Nasa harapan namin sila Roxanne. Edi pag nakita ng hipon na to si Pao. Todo papansin nanaman to. -_-

"Hi there bitches." Bati ni Roxanne.

Shet. Kahit kelan tong babaitang to. Walang sinasanto na kahit sino.

"Hello." Bati namin. Iniwasan ko nalang yung mga tingin niya. Kaso si Liah at Lennie ang sama ng tingin kanila Roxanne.

Saktong dumating sila Paolo, Jericho at Joshua. Si Roxanne? As usual kumikerengkeng.

"Hey Paolo. Want to check my new shorts?" Tanong ni hipon, este Roxanne pala.

"No thanks. Wala akong pake sa shorts mo." Sabi ni Paolo. Ayun! Halos mamatay na sa kakatawa. Nakitawa narin sila. Ako? Ito nakain lang. Kaso napansin kong ang sama ng tingin sakin ni Roxanne. Tapos ayun! Inaya na niya yung mga alipores niya na umalis. Nainis ata.

"Nice tol!" Sigaw ni Joshua. Tapos ayun! Nagpalak-pakan tong mga to. Samantalang ako. Nakatulala lang.

"Ano? Ok ka lang?" Tanong ni Paolo.

"Yep." Sabi ko. Pinipilit ko nalang ngumiti at huwag ipahalata sakanya na natatakot ako sa pwedeng susunod na mangyari.

Maya-maya. Nagkaayaan na kaming bumalik sa kanya-kanyang room namin.

Naalala ko bigla. Ang teacher pala namin ngayon, yung bagong lalaki na taga-London daw blah blah. Si Mr. Styles.

For sure pure English to. With matching British accent. Hindi ko kailangang matakot. Nakakaintindi naman ako ng ENGLISH. Kahit anong accent pa yan. ;)

Please Stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon