Chapter 2

227 4 0
                                    

"Mahal kita, mahal na mahal. Pero masakit na eh. Sobrang sakit na." Bumagsak ang luha sa aking mga mata, dahilan para yakapin niya ko.

"Wag mo kong iwan, parang away mo na." Pagmamakaawa niya sakin.

"Pasensya na, malaya ka na." Bulong ko sakanya bago kumalas sa pagkakayakap naming dalawa.

Panaginip kong ikaw ang laman giliw ko. Panaginip kong nagkatotoo dahil sa pagkakamaling iyong nagawa. Gusto ko pang ipaglaban ka, but is it worth it?

I love you more than anything. And I dont need this pain at all.

"Margaux, you're awake. Eat your breakfast." Sabi ni Renz. I dont want to talk to anyone. But this isn't my house and this isn't my room... I'm just a guest.

"I told tita Mia na dito ka na natulog sa bahay dont worry. And nung nakatulog ka na atsaka umuwi sila John." Ngiti ni Renz bago niya bitawan ang tray ng breakfast sa table.

"O-oh okay. T-thanks." Pilit akong ngumiti, kahit na ba parang mas gugustuhin ko nalang na umiyak ng umiyak hanggang sa mawalan na ako ng luha. Hanggang sa malabas ko lahat.

I miss you. I hate you. I love you babe.

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko, humiga ako at nagtalukbong ng kumot. Isang pagiyak na walang humpay nanaman. Pagiyak na parang wala ng bukas.

Naramdaman ko ang pagupo ni Renz sa kama at dahan dahan niyang tinanggal yung kumot na nakatakip sa mukha ko. Nang makita niya ang mga mata ko. Umalis siya sa kama, at nagpunta sa harapan ko na ang pwesto ay parang pinapanood niya akong umiyak.

Napansin niya atang medyo nagtataka ako, kaya medyo itinagilid niya ang ulo niya at gumawa ng nakakatawang mukha. Pinunasan ko ang mga luha ko para makita ng malinaw ang mukhang ginagawa niya. Umupo na rin ako para sulit.

After ng mga pagpapatawa niya, umupo siya sa tabi ko. At niyakap ako. Nakakacomfort naman talaga kapag niyakap ka ng best friend mo.

"Margaux, he's just an asshole. And you are a princess. Yung bago niya ay di hamak na wala lang. Okay? Wear your smile! Napanget ka kapag naiyak eh." Sabi ni Renz dahilan para mapangiti ako at yakapin siya ng mahigpit.

"Thank you baboy." Sabi ko. Inalis niya yung mga kamay niya sa pagkakayakap niya sakin na parang diring diri na ewan.

"Anong baboy? Che! Ayan breakfast mo kainin mo na. Baka ipakain ko pa yan kay Cindy eh!" Sabi niya at naglakad palayo na parang bakla.

Kinain ko na yung breakfast na ibinigay niya sakin. Pero habang kumakain ako, dun ko lang napagtanto na iba na pala ang damit na suot ko. Tshirt ito ni Renz, at ang shorts naman ay parang kay tita Marissa naman. But then... Sinong nagpalit ng damit ko? And nasan na ang mga damit ko?!

Dahan dahan akong naglakad palapit sa pinto nang magbukas ito at inilanas si Renz.

"So saan ka pupunta–"

"Nasan ang mga damit ko? Sinong nagpalit ng damit ko?!" Tanong ko sakanya na parang walang kahit anong pagaalinlangan. Wala akong pakealam kung ano man ang maiisip niyang ibig sabihin ko. I'm just fucking curious.

"Oh my God. Wait lang Margaux okay? Papaliwanag ako." Sagot naman ni Renz na parang nagaalinlangan dahil sa tinanong ko. "Si Manang ang nagpalit ng damit mo. I gave her my shirt kasi alam kong di comfortable sa mga sleeveless and fitted na shirts. So I gave her my shirt. At yung short kay Mommy yan. Wala naman akong !aipapahiram na shorts sayo Kasi di magkakasya. Alangan namang boxer ko ang ipahiram sayo diba?" Sabi niya.

Please Stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon