PART 39

118 4 2
                                    

Habang naglalakad kami papuntang department store. As I say... may nakita ulit akong familiar face na... Yun nga? Si... Jazper.
"Liah wait lang huh." sabi ko sakanya sabay takbo sa direksyong pinuntahan nung MYSTERY GUY.
"Hey!" Sigaw ko dun sa lalake. Well malapit ko na siyang maabutan...
Dahan na dahan kong nakita na tumingin yung lalake.

OH MY GOOOOOOOOOOOOOOOD.

Siya nga! SIYA NGA...
"Hi there!" Sabi niya. Oo. Siya. Si... Jazper. Bumalik siya.
kagad nalang ako tumakbo papalapit at niyakap siya... di ko na napigilan kasi nga namiss ko siya ng sobra...
"Madaya ka! Nagdaan na ang lahat ngayon ka lang umuwi." sabi ko sakanya... hindi na napigilan ng mga mata ko. Tuluyan na nga akong umiyak.
"Margaux. Sorry. Balak ka nga sana naming puntahan sainyo e. Kaso sabi wala ka daw dun sa bahay niyo." paliwanag naman ni Jazper, habang mahigpit niya akong niyayakap
"Wala, wala. Madaya!" Sabi ko sakanya habang pinapalo siya sa dibdib.
Siya naman. Tumawa lang habang niyayakap parin ako.
"MARGAUX!" Sigaw ni Pao.
Kagad naman akong kumawala sa yakap at tiningnan si Paolo na galit na galit na nakatingin... kay? JAZPER?!
"Pao..." Yun na lang ang nasabi ko nang nakita kong sinuntok niya si Jazper.
Kagad ko naman nakita sila Liah at Lennie na lumapit samin.
"Margaux. A-anong ibig sabihin nito? Bakit? Bakit ganto?" Tanong ni Liah... na talagang halata na kinakabahan.
Wala. Hindi nalang ako nakasagot kasi nga... nagulat ako. Hindi ko alam kung bakit, bigla niyang ginawa yun.
Basta kagad ko nalang nilapitan si Paolo at sinubukang pakalmahin.
"Pao, tama na!" Sigaw ko habang hawak siya sa braso.
Hindi siya nakinig. Tuloy tuloy parin niyang sinuntok si Jazper. Samantalang si Jazper, nakaupo lang at nakangiti. Bali ang nangyayari... Hindi niya ginagantihan si Pao.
Hindi ko alam kung anong dahilan. At hindi rin nila alam ang dahilan, kung bakit nanggagalaiti sa galit si Paolo.
May nakita naman akong dalawang lalaki na tinulungang itayo si Jazper. Habang si James naman ay pinipigilan si Pao. Mabuti nalang at kumalma na si Paolo. Pero bago kami umalis...
"WAG MO NANG LALAPITAN SI MARGAUX... KAHIT KELAN!" Sigaw niya. Kaya mas dumami yung mga taong nakapaligid samin.
Si Jazper naman ay ngumiti lang... Na parang walang nangyari.

"Paolo. Anong problema mo?!" Tanong ko sakanya habang palabas na kami ng mall.
"Margaux. Ayokong makita kang nilalapitan ng hayop na yun." Humarap siya sakin atsaka sinabi yon.
"Paolo naman o! Ano bang dahilan st bakit mo biglang sinugod si Jazper?!" Tanong ko sakanya.
"Ayoko nang mawala ka sakin. Lagi nalang niya inaagawan. Palagi nalang niya ko nalalamangan. KAYA PWEDE? LUMAYO KA NALANG SAKANYA?!" Sigaw niya, tapos nagdire-diretso siyang naglakad papuntang parking lot.

Ano ba kasing problema niya? Bakit siya nagkakaganon? Bakit galit na galit siya kay Jazper? At bakit ang lalim ng pinaghuhugutan niya? ANO BA TALAGA?!

Hindi kaya?...

Please Stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon