Pagkatapos nung klase namin. Parang ang bagal nung oras. Dahil ba sa ilang beses kong nakitang nakatingin sakin si Mr. Styles? O talagang nabo-bored lang. Kamukha pa man din ni Harry. Hayyy.
Kagad na akong lumabas ng room. Baka mamaya, iwan pa ko nitong mga to. Nauna na kasi si Liah at Lennie. Nagde-daydream pa daw kasi ako kaya hindi na nila ako inistorbo.
"Guys. Hindi ba ligaw yung ginagawa ni Pao?" Tanong ko.
"E? Anu-ano bang ginagawa?" Tanong ni Liah.
"Tuwing gabi... Pinupuntahan ako sa kwarto ko. Kinakantahan ako. Tapos minsan may roses and chocolates. Ewan. Basta ganon." Paliwanag ko. Imbis na sumagot ang isa sakanilang dalawa. Ngumiti sila na... Yung parang devilishly. Yung ganon.
"Ano ka ba! Oo. Ilang araw na ba?" Tanong ni Lennie.
"46 something?" Sabi ko. Tapos ayun! Nagtinginan nanaman yung dalawa.
"For sure. Tanda mo pa ba? Yung naglaro tayo ng truth or dare." Tanong ni Liah.
"Oo..." Sabi ko. Pero di ko talaga matandaan.
"Yung nagdare si Pao. Then ang dare namin sakanya... LIGAWAN KA NIYA WITHIN 100 DAYS!" Sigaw ni Liah.
Hala. Ito nanaman siya... Nagfa-fangirl. -_-
Ayun! Inaya na kami ni Paolo na umuwi. Akala ko. Sasabay ang dalawa. Pero ayun nga! Sumabay nga silang dalawa. Ang ka-kapal talaga ng mukha. -_-
Habang nasa biyahe kami. Ang daming mga walang kwentang tanong ang mga pinagtatatanong nung dalawa kay Pao.
Tapos biglang...
"Pao. Hulaan mo. Kailan birthday ni Margaux?" Tanong ni Lennie.
Ay lintek na iyan! Hindi ko na nga kinukwento kay Pao e.
"Sa March 8." Sabi ni Pao. With matching SMIRKED pa yun huh?
Nanlaki naman bigla yung mata ko. Pano niya kaya nalaman?
"Anong balak natin?" Tanong ni Liah.
"Hmmmm? Pagusapan natin nang wala si Margaux. Para... SURPRISE!" Sabi ni Pao. Mukhang excited yung dalawa. Samantalang ako. Ayaw na ayaw na ayaw na sobrang ayaw. Hayyyy. :/
Maya-maya nakarating na ako sa bahay nila Pao. Ako lang yung bumaba. Habang yung tatlo nasa loob ng kotse. Feel e! FEEL NA FEEL. -_-
Tinanong ko naman si Pao, kung bakit? Sabi niya basta? Alam naman daw ni tita Marilyn. Edi ok.

BINABASA MO ANG
Please Stay.
RomanceWe begged people to stay. Pilit nating hinahabol ang mga taong kusa na tayong iniwan. Pilit tayong naghahabol sa mga taong hindi naman deserve habulin. Why do we keep on loving someone, that doesn't even feel the same for us? Bakit ang daming nagigi...