Chapter 3

291 9 3
                                    

I woke up this morning, with that kinda POKER FACE. As usual, ikaw kayang kulitin para lang magising?

"What's with the face Margaux?" Tanong ni mama.

"Nothing Mom!" I said. Well. Dire-diretso na kong naglakad sa kusina para kumuha ng juice drink. Oo alam ko... Maaga pa. Pero minsan naman nalang ako sumuway eh.

"Margaux! Its too early..." Saway ni mama sakin at halatang kukunin pa niya sakin yung juice. Buti nalang at napigilan ko yung kamay niya.

"No mom. Let me drink this juice!" Sagot ko at umupo malapit sa terrace.

Then naalala ko yung nangyari kagabi. *FLASHBACK!*

Biglang nagring yung phone ko, at nagflash sa screen ang pangalan ng lalaking pinakamamahal ko.

"Hello?" Masaya kong bati. Grabe, ilang linggo rin kaming di nagkita, lumaban kasi silang mga journalists ng school namin. And I'm so proud of him kasi naka 3rd place siya sa Editorial English, so it means pasok siya ng NSPC.

"Who are you?" Tanong ng babae na nasa kabilang linya.

"Hmmm? Ako lang naman yung girlfriend ng may ari ng phone na ginagamit mo sa mga oras na ito. Then now, who the hell are you?" I asked calmly. Ayokong magwala, nakakawala ng class yun. Ang pangit tingnan sa babae ng ganun.

"Ha! Oh really? Girlfriend ka? Ng may ari ng phone na to?" Sarkastikong tanong ng babaeng kausap ko na halata naman sa boses na lasing.

"Should I repeat my answer or gusto mo lang matauhan at magising sa katotohanan na walang ibang girlfriend si Dominic?" Tanong ko. Base sa tono ng pananalita ko pinipilit ko nalang na maging kalmado. My mom taught me good manners so dapat iaapply ko yun kahit sa mga oras na ganito.

"AKO ang girlfriend ng lalaking i.n.u.t.o ka lang. At IKAW lang naman yung babaeng ginagawa niyang p.a.m.p.a.l.i.p.a.s.o.r.a.s habang wala ako." Sa bawat diin niya ng salitang "Ako" at "ikaw" ay medyo naginit na rin ako. Napagdesisyunan ko nalang na ibaba ang telepono ko. Natigilan muna ako ng ilang minuto bago magsink in sakin lahat ng sinabi sakin ng nakausap ko kanina. Ang sakit pala talaga. Ang sakit sakit. Hindi ko akalaing masasaktan ako ng ganito ng lalaking pinakamamahal ko. Hindi, hindi ko naisip yun. Tumakbo ako palabas ng bahay, ayoko. Ayokong makita ako nila ako na nasasaktan ayoko. Ayokong magalit si mama kay Dominic. Ayokong may mangyari kay Dominic. Ayoko.

Dahil nga sa naulan, konti lang ang tao sa daan. Pero may mga nakikita akong couple na naglalandian- este nagsusubuan ng fishball, magka- holding hands, basta. SA HARAPAN KO PA.

"Oh my god! Damn!" Sigaw ko ng madapa ako. Buti nalang at walang tao dito. Buti ako lang magisa. Napatayo ako at pagtingin ko sa binti ko, dumudugo ito. Iika-ika akong naglakad papunta sa isang bench.

"Hey." Isang pamilyar na boses ang narinig ko na siyang nagpainit ng dugo ko." Does it mean na sinundan niya ko dito na hindi ko lang napansin sa kadahilanang sobrang daming bagay ang tumatakbo sa utak ko?

"Problema mo? Bakit ka pa nandito?!" Iritable kong tanong. Bahagya akong umusod palayo sakanya. Hindi ko pa magawang makatayo dahil sa sugat ko sa binti. Napapangiwi nalang ako sa hapdi tuwing nababasa ito. Napansin kong parehas na pala kaming nababasa ng ulan ngunit imbis na sabihin ko sakanyang magpayong siya ay hindi ko ba lamang siya pinansin.

"Margaux! Let me explain... Hindi kita pinagpalit. At wala akong balak na-" Pinutol ko ang pagsasalita niya, dahilan para mapatingin siya sakin. Palibhasa ay unang beses ko pa lamang iyon ginawa sakanya.

"Babe, I don't need a fucking explanation, sa loob ng dalawang taon. Pampalipas oras mo lang pala ako sa mga panahong wala ang babae mo. You know how much I love you. You know how important YOU are to me. Then ito lang pala ang kapalit? Dominic. I want to get over you. Just forget me. Magpakasaya kayo ng bago mo." Sabi ko sakanya, hindi ko na hinintay ang sagot niya bagkus ay tumakbo na ako palayo. Ngayon naiwan na siya dun. Naiwan ko siyang nakatulala at wala sa sarili. Malay ko ba kung naiyak siya o ano, basta ito ako ngayon nasasaktan, at mas piniling iwan magisa ang lalaking minahal ko ng sobra sobra.

Ramdam ko ang tingin ng mga tao sakin. Ngunit imbis na lingunin ko sila ay nagdire-diretso nalang ako sa paglalakad. Napansin ko naman na dumudugo pala ulit yung sugat ko. Maya maya ay may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko. This time, alam kong hindi si Dominic to.

"Marga! Marga!" Tawag ni Liah saakin. Sa saktong pagtingin ko sakanya ay yakap niya agad ang naramdaman ko. Dahilan ng pag agos ng mga luha ko kasabay ng panlalabo ng mga mata ko. Naaninag ko naman sa malayo sila Mikaela, Paolo, John at Charles na tumatakbo na rin palapit saamin. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Anytime, alam kong na babagsak ako.

"Ano bang nangyari? Bakit magisa ka? Bat parang wala ka sa sarili mo? Ano ba?" Alalang tanong ni Liah sakin. Hindi agad ako nakasagot kasi hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Uuwi na tayo sainyo Margaux." Narinig ko naman ang boses ni Mikaela na parang tutulungan si Liah na alalayan ako.

"No." Sagot ko sakanila. Ayoko kasing makita ako nila Mama na ganto. Hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin kay Dominic. Kahit na ba ganon ang nangyari. Mahal ko parin naman siya... At ayokong saktan siya ng kahit sino lang.

"Pero paano?" Tanong ni Liah. Na halata namang hindi na alam ang gagawin. Masyado na siyang nagaalala.

"Saamin muna tayo." Sabi naman ni Paolo na agad akong pinasan sa likod niya. Ramdam ko ang init ng likod niya. At ang pagpayong saamin ni Mikaela. Hindi na ako makagalaw, basta ang alam ko ay nilalamig na ako at ang bigat na ng mga mata ko. Pinilit kong huwag na munang makatulog ng marinig kong pinaguuspan nila si Dominic.

"Nakita ko siya kanina magisang nakaupo sa isang bench doon sa may park." Sabi ni John.

"Ang weird nga eh, may nakita akong rose doon sa may gilid niya. I don't know para kanino niya kaya iyon ibibigay?" Tanong naman ni Charles na halata mo namang taking taka.

"Baka kay Margaux..." Sabi naman ni Paolo. Hindi ako dapat mahalata na gising kaya lumingon ako sa kabilang side para hindi nila makita na umiiyak nanaman ako na gising ako. Maya maya ay nararamdaman ko na ang unti unting pagbigat ng mga mata ko dahilan para ipikit ko ito...

"Pasensya ka na, mahal kita. Mahal na mahal kita."

Please Stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon