PART 32

66 1 0
                                    

Maaga rin akong nagising kanina. Kaseeee? Maaga rin akong ginising ni Pao?

Tiningnan ko yung cellphone ko. Tiningnan yung calendar at... AAAAAAAAAAAA! March naaaaaaaaa! Malapit na akong mag- 16! Oh my god.
"Tara na?" Aya ni Pao. Kagad ko namang inayos yung sarili ko bago sumama sakanya. Baka kasi malaman din niya na March na. Sana talaga di niya mapansin.

Inistart ni Pao yung kotse at pinaandar na. Nagulat ako nang dumaan kami sa bahay nila Liah. Sunod naman kanila Lennie? Ano ba talagang meron? -_-
Well? Ayun! Nagdrive lang nang nagdrive si Pao. Hanggang sa makarating kaming apat sa isang park. E itong park na to... Dito rin ako tumakbo nung time na nasaktan ako dahil kay Jazper. Kaya gusto ko talagang malaman kung bakit.
"Uhmmm? Bakit tayo nandito?" Tanong ko.
"Wala lang. Just have fun. Please?" Sabi ni Lennie with matching hampas pa.
Kung di niyo natatanong. Akala ko talaga diretso na kami sa school. Aba! E naka- complete uniform ako e? Tapos dito lang pupunta. Hayyyyyy. Umupo ako dun sa isang bench na malapit sa lake. Dun din ako umupo at umiyak dati. Pero? Tsssss. Dati pa yun. Past is past ika nga.

"O! Paborito mo to diba?" Tanong ni Liah. May hawak lang naman siyang kikiam. Yes. Mahilig ako sa streetfoods, SOBRAAAAA!

Nakita ko namang nage-enjoy silang kumain dito. Katabi ko. Ako? I dunno. Di ko alam kung mae-enjoy ko tong araw na to. Di ko nga alam kung ano yung ginagawa namin dito e. Tapos ang weird pa nang pagkilos nila. :/

"7 days nalang ba Margaux?" Tanong ni Liah.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Birthday mo." Sabi ni Liah habang nakatingin sakin.
"I dont know e. Basta alam ko lang March na." Sabi ko habang nakain nung kikiam.
Tapos nag-nod nalang si Liah.
Sila Lennie at Pao. Halatang may seryosong pinaguusapan. Basta seryoso.
Sinubukan kong makinig sakanila. Kaso nakita nila ko kaya binago nila kagad yung topic. Daya ni isang detalye ayaw nila kong bigyan. :(
Hayyyy. Chill lang. Relax lang Margaux. Enjoy the cold breeze of air, also the dazzling view.

Please Stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon