PART 16

39 1 0
                                    

"Bye! Text mo nalang ako, kapag naka-uwi ka na huh?" Sabi ni Liah.

"Oo. Byeeee!" Sabi ko, tapos nagbeso-beso kaming dalawa.

Ako naman nagsimula nang maglakad sa may terminal ng jeep, habang sila Liah, Lennie, at Arnold naman at pupuntang SM.

Habang nag-iintay ako. Hindi ko inasahan ang nangyari sakin.

-------------------------------------

"Hoy! Gumising ka diyan Sleeping Beauty!" Sabi nung isa sakin. Habang binubuhusan ako ng tubig.

"Hoy! Aba!" Sigaw ni?... CATHERINE?!

Dahan dahan kong iminulat yung mata ko. Aba? B-bakanteng lote? A-at yung mga... Ka-frat n-niya? Hindi kaya?!!

"Aray ko!" Sigaw ko, matapos akong pasuin ng sigarilyo nung isang frat member.

"O. Ano? Nagising ka na?!" Tawa ni Catherine.

"Catherine. A-ano b-ba to? Ba-bakit kailangan n-ng ganto?!" I asked. Medyo nanginginig na ako sa lamig at sakit nung paso nung sigarilyo sa kaliwang pisngi ko.

"Bakit?" She asked.

"ARAY KO! ANO BA?!" Sigaw ko ulit. Sa pangalawang beses naman. Sa hita. Kaliwang hita.

"Bakit? Kase?! Mang-aagaw ka! Letche ka! Dapat sayo! Mamatay!" Sigaw ni Catherine. Delikado to. Dapat mag-ingat ako. Nakatutok sakin yung kutsilyo.

Tapos narinig kong nagtatawanan yung mga ka-frat members niya.

Nung tumungin ako sa kanang side ko. May nakita akong estudyante. At nakita rin ako nung estudyante. I just mouthed her. "Tulungan mo ako."

Then nakita kong nag-nod yung babae, at tumakbo papalayo.

"Catherine. Hindi ako mang-aagaw. Ako lang talaga ang pinili ni Jazper. Utang na loob! Itigil mo na to!" I begged. Pero wala. Walang talab.

"E tangina mo pala e! At sinagot mo naman?" She asked.

"E mas tanga ka pala e. Hindi mo ba ako naintindihan?! Ako ang pinili niya! At sana kung nagtino ka. Ikaw sana! E gago ka kase!" I shout. Sa sobrang inis ko. Hindi ko na napigilan yung mga salitang nasabi ko.

"Ah. Ako pala gago huh? Makita natin yang galing mo! Girls! Yung drum.!" Utos niya sa mga members. Akala ko mabait ka Catherine. Akala ko, ok ka na na maging kami. Kaso hindi pala.

Tinanggal nila ako sa pagkaka-posas at sinadyang ilublob yung ulo ko sa drum.

"Ano? Buhay ka pang sira ulo ka?!" Catherine laughed.

"Girls! Bugbugin niyo na to! Bilis!" Utos ni Catherine. At sabay sabay nang lumapit sakin yung mga ka-frat niya at sinimulan na akong sipa-sipain.

"Ok ka pa? Angtatag mo ri---"

"Hoy! Bitawan mo si Margaux!" Sigaw ni. PAOLO?!

Kasama ni Pao yung mga ka-team niya. Pati yung mga pulis.

"At sino ka namang epal ka? Huh? Nakakasusot kayong dalawa ah?!" Catherine laughed.

Habang hinuhuli na nung mga police sila Catherine. Narinig kong sinigaw ni Pao na... "Ambulansya! Bilis!" Sabi niya sa mga ka-teammates niya.

"Margaux. Wag kang bibitaw. Malapit na. Konti nalang." He said habang hawak yung kamay ko, at nung nakahiga ako sa lap niya.

"Pao. A-ang s-sakit nung ulo k-ko." Sabi ko. Hindi ako makakilos ng maayos sa sakit.

Tapos nakita ko din sila Liah at Arnold.

"Margaux. Konti nalang. W-wag k-kang susuko." I heard Liah. Naiyak siya.

Kaso nung narinig ko yung ambulansya. Nawalan na ako ng malay...

Please Stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon