"Nay, nakakain na ba kayo? Jojo! Lala! Nasaan kayo?!" pambungad niyang sigaw. Naglakad siya patungo sa ina'ng pinipilit tumayo. Inalalayan niya ito, "Alam mo naman na hindi ka puweding maglakad-lakad ng ganiyan, baka matumba ka," sabi niya at pinaupo ito sa kulay gatas na sofa.
Matanda na ang nanay niya at kitang-kita ang mga mapuputing buhok sa ulo niya. Sa edad na 56 ay nagsilabasan ang lahat ng sakit na maaari niyang makuha. Osteoporosis, pneumonia, arthritis at altapresyon.
"Naku, Lei. Kailangan kong ding igalaw 'tong mga kasu-kasuan ko," sagot niya at isinandal ang likod sa backrest ng couch.
Umismid si Lei at nilagay sa tabi ang bag niya, "Kapag 'yang likod mo sumakit, lagot ka! Nasaan na ba kasi ang dalawa?" tanong niya. Nilibot niya ang tingin pero sadyang tahimik ang bahay nila.
Sa edad na desesais ay nagsimula siyang maging snatcher, lahat ng dapat matutunan ay inaral niya. Muntikan na din siyang makulong pero mabuti na lang at nagpiyansa ang boss niya.
Narinig niyang huminga nga malalim ang nanay, "Ayon hinayaan ko munang gawin ang lahat ng gusto nila. Nakakuha kasi sila mg mataas ma marka, Lei," sabi niya na may ngiti sa mga labi. Hindi man niya ito napalaki ng maayos dahil sa hirap, ginampanan pa rin nila ang pagiging mabuting anak.
Pinaekis ni Lei ang dalawang braso sa dibdib niya at nag-iwas tingin, "Syempre, nay. Matalino naman kasi talaga tayo, eh. Nasa dugo na 'yan ng mga Dimaano!" sigaw niya na kumpyansang-kumpyansa sa sarili.
Napailing ang nanay niya at lalong lumawak ang matamis na ngita, dahan-dahan niyang sinandal ang ulo sa anak, "Sobrang swerte lang namin dahil meron kaming Lizzeth. Naku, kung wala, namatay na kami sa gutom, walang matitirahan at walang maayos na buhay." Dinampi niya ang mainit na palad sa balikat nito at marahang hinaplos.
Napayuko si Lei. Kinagat niya ang kaniyang mga labi at pinaglalaruan ang mga sariling daliri, "Wala 'yon, nay." Nahihiya niyang sambit.
"Ayaw mong mag-aral, anak? Alam mong puwedi kang mag-enroll ano mang-oras. Magtapos ka ng kolehiyo," aniya at umayos ng upo.
Huminga siya ng malalim kasabay ng pag-angat ng kaniyang balikat, sumimangot siya at kinuha ng bag, "Ayoko, nay. 25 na ako, nakakahiya namang mag-aral at tyaka may pera naman ako, eh," sagot niya at umakyat patungo sa sariling kwarto.
Naiwang malungkot ang nanay niya sa sala at nananatiling nakatingin sa nakasaradong pintuan ng kwarto niya.
Matapos pakainin at ipainom sa inay ang kaniyang gamot ay lumabas si Lei suot ang kaniyang butas-butas na pants at malaking t-shirt. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at nguya-nguya ang tig-limang pisong mani. Maangas at tila'y naghahanap ng kaaway sa labas. Dumeretso siya sa tindahan at inangat ang isang paa para isabit sa taas ng upuan.
"Manang, dalawang beer nga," sabi niya na may halong pag-uutos.
"Lei, anong meron? Bakit iinom ka? May birthday ba?" tanong ng tindera sa kaniya.
"Wala, manang. Pampalipas oras lang." Matapos maubos ang mani ay tinapon niya ang plastik sa gilid kahit hindi puwedi. Wala namang nakakita eh.
"Mukhang ang dami mong pera ngayon ah?" tumaas ang boses niya. Nilagay ng tindera ang dalawang beer sa harap niya, "Malamig 'yan ah? 'Wag kang magrereklamo." Pagbabanta niya.
Lumabas ang tawa ni Lei. Naalala niya kasi no'ng nakaraang binalik niya ang beer dahil hindi ito malamig, "Oo na. Eto, bayad. Balikan ko na lang mamaya ang sukli, manang."
Nagsimula siyang maglakad bitbit ang dalawang beer sa magkabilang kamay. Palubog na rin naman ang araw. Pasipol-sipol siyang nag-door bell sa bahay ni Xander na isang bahay lang ang pumagitna sa kanila.
BINABASA MO ANG
DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)
RandomSi Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy siya dahil sa kilos nito. Nang makilala ang isang lalaking mestisong lalaki at kulay abo ang mga mata...