Bumaba si Lei sa harapan ng isang matirik na building na pag-aari ni Phoenix. Hindi niya alam kung nandito ang binata pero nagbabakasali pa rin siya.
Binaba ni Xander ang bintana sa tapat niya, "Good luck, hon," sabi niya na may halong pagbibiro dahil sa tawag nito sa kaniya.
Napalingon si Lei sa kaniya, "Kinakabahan ako pero salamat. Sige na, tatawag na lang ako mamaya kung wala siya dito," sambit ni Lei sa kaniya. Kinaway niya ang kamay sa anak na sumisilip sa bintana sa likuran, "Igala mo muna 'yang si Phyton." Bilin niya.
Nang makaalis sa harapan niya ang kotase ay hinakbang niya na ang mga paa patungo sa bukana ng building na 'yon. Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ng nagbabantay na guard.
"Ma'am Lei? Girlfriend ni sir? Ikaw ba 'yan?" tanong ni manong sa kaniya. Hindi ito makapaniwala.
Nagulat din si Lei dahil sa kilala pa siya nito, sobrang tagal na kasi, "Kilala niyo pa po ako?" tinuro niya ang sarili.
Tumango si manong guard, "Opo, ma'm. Hindi po kita malilimutan,", aniya sabay ngiti.
"Manong, andito ba sa loob si Phoenix?" tanong niya. Walang pinag-iba ang lugar. Gano'n pa rin.
Napakamot ng ulo ang guard, "Hindi ko po alam, eh. Ilang araw ko ng hindi nakikita si sir, pasensya na po," sagot niya at tilay ay nahihiya.
"Sige po, titingnan ko na lang po siya sa taas," sambit niya. Nagpaalam na siya sa guard at nagmadaling pumunta sa gawi ng elevator. Pagbukas nito ay sumampa siya kaagad at pinindot ang 9th floor.
Habang lulan siya nito ay hindi siya mapakali. Ginagalaw niya ang mga daliri nitong nagpapawis. Ang puso niya paunti-unting lumalakas. Bumuga siya ng malakas na hangin at nilagay ang kamay niya sa beywang.
"Tang*na! Kinakabahan ako," bulong niya sa sarili. Parang sobrang tagal ng elevator na umusad at hindi siya makapaghintay na huminto na ito. Paghinto ay nagmadali siyang hinanap ang pintuan nito.
"9th floor, room 1580," sabi ng binata.
Tandang tanda niya pa ang sinabi nito. Palapit nang palapit ay lalo siyang kinakabahan. Napahawak siya sa dibdib niya at huminto sa tamang pinto. Ilang ulit siyang huminga ng malalim bago nagdesisyong maglagay na ng passcode.
"Ganito pa rin kaya ang passcode ng pinto niya?" tanong ng dalaga sa sarili sabay pindot ng mga ito. Napalunok naman siya habang nanlalaki ang mga mata ng tumunog ito hudyat na bukas na.
Hinawakan niya ang doorknob at dahan-dahan niyang binuksan ito. Lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya ng nasa loob na siya ng bahay. Umalingasaw kaagad ang kakaibang amoy kaya napatakip siya ng ilong.
"Hindi ba niya ito nililinisan?" bulong niyang tanong. Naglakad siya papasok ng makita ang mga bubog na nasa sahig. Nagkalat ang mga basag-basag ng bote ng alak.
Gano'n pa rin ang hitsura nito. Wala man lang siyang binago. Napansin niya ang mga libro sa ibabaw ng center table pero ipinagsawalang bahala niya na lang.
Dahan-dahan siyang naglakad pataas at nakahawak sa railings ng hagdan. Napahinto siya ng marinig ang isang malakas na boses.
"Kuya! Tama na po! Magagalit na naman si Ate Pritzy niyan!" awat ng isang pamilyar na tinig.
"Wala akong pakialam! Hayaan mo na muna ako, please..." Pakiusap ni Phoenix.
Napatakip ng bibig si Lei. Totoo nga. Umatras siya at dali-daling bumaba. Narinig niya ang pagbukas ng pinto.
"May tao ba diyan?" tanong ni Lala at inikot ang tingin. Inatasan siyang tingnan ang Kuya Phoenix niya pagkatapos ng Internship nito.
Napaiyak si Lei habang tinakpan ang bibig niya. Alam na alam niya na mula sa kapatid niya ang tinig na 'yon. Miss na miss na niya ito. Hindi man lang niya na alagaan.
BINABASA MO ANG
DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)
RandomSi Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy siya dahil sa kilos nito. Nang makilala ang isang lalaking mestisong lalaki at kulay abo ang mga mata...