Habang hawak ang kamay ng anak na si Phyton ay naglakad silang dalawa papunta sa elevator. Pinindot niya ang buton para bumukas ang elevator, ilang segundo ang lumipas ng bumukas ito at walang tao. Pumasok silang dalawa.
Papasara na sana ang pinto ng may biglang pumigil dito at saka pumasok.
"Oh? You're here? Hi, man!" bati siya kay Phyton. Nag-apir silang dalawa.
"You're here-you're here ka diyan. Sinusundan mo lang kami, eh," bulong ni Lori sabay irap. Umiwas siya ng tingin sa binata na nasa kabilang bahagi.
"Where are you going, sir Phoenix?" tanong ni Phyton sa kaniya.
Ngumiti sa kaniya si Phoenix, "I'm gonna eat on the restaurant, how about you?" tanong niya pabalik.
Bumuka ang bibig ng bata, "Wow! We're going there too! Do you want to join us?" aya ng bata. Kumikinang ang mga mata nitong kulay abo.
Hinila ni Lori ang bata papunta sa tabi niya, "No, Phyton! He can eat alone." Matigas niyang sambit at pinandilatan lang ng mga mata si Phoenix pero sa laking gulat ay nakita niya ng deretso ang mga mata nito.
Napatakip siya ng bibig, "H---Ba--bakit," lumalim ang paghinga ni Lori kaya napahawak ito sa dibdib niya. Mabilis na tumaas-baba ang dibdib niya at hindi makahinga ng maayos. Biglang may rumagasang mga mata sa isip niya. Mga matang kagaya ng kay Phoenix.
"H--hey! Damn it! What's happening again?!" malakas na tanong ng binata sa kaniya.
"Hi--ndi ako ma--kahinga..." Sambit niya habang hawak ang dibdib nito.
Umiinit ang katawan ni Phoenix dahil sa pagkakataranta. Mabilis niyang pinindot ang button para bumukas ang elevator. Todo naman ang kapit ni Phyton na mommy nito at nagsimula ng umiyak.
"M-mom..."
"Lei, calm down!" sigaw ni Phoenix.
Pagbukas ng pinto ay agad niyang binuhat si Lori at dinadal sa labas. Sumunod ang anak niya at todo pahid sa mga luhang lumalandas mula sa mga mata niya.
"Mommy..." Humikbi ito. Nanginig ang balikat niya.
Nilapag ni Phoenix si Lori sa labas malayo sa elevator. Hindi pa rin ito makahinga ng maayos kaya tinapik ni Phoenix ang pisngi niya.
"Lei, please...look at me." Dahan-dahang tumingin si Lei sa kulay abong mga mata nito, "Calm down, inhale," sambit niya. Sinunod ni Lori ang sinabi niya. Huminga ito ng malalim, "Exhale," bumuga ng hangin ang binata kaya bumuga din siya. Paulit-ulit iyong sinabi ni Phoenix hanggang sa naging okay ang paghinga nito.
Napapikit siya habang nakasandal sa pader. Dahan-dahang bumaba ang katawan niya hanggang sa napaupo ito. Tinakpan niya ang mukha at nagsimulang umiyak. Nasiunahang dumaloy ang luha niya sa magkabilang mata. Naging malakas ang paghikbi niya. Natakot siya, akal niya at mamatay na siya.
Bumukas ang kamay niya para yakapin ang anak na umiiyak din. Niyakap niya ito ng mahigpit.
"S-sorry," sabi niya. Todo ang iyak niya at tila ay ayaw huminto dahil sa kaba at takot.
"M--mommy, let's go home, please...I don't want to be here again!" sambit ng anak niya habang nanginginig ang balikat dahil sa pag-iyak.
Tumiim naman ang bagang ni Phoenix. Binuhat niya ang bata at hinawakan ang kamay ni Lori saka ito pinatayo. Hindi makatingin sa kaniya ng deretso si Lori at binawi ang kamay nito.
"Stop crying, Phy. You mom is fine now," mahinahong sambit ni Phoenix sa bata. Bumaling siya kay Lori na nasa tabi nito, "Still want to eat?" tanong niya, "I can order there and deliver it on your room."
BINABASA MO ANG
DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)
RandomSi Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy siya dahil sa kilos nito. Nang makilala ang isang lalaking mestisong lalaki at kulay abo ang mga mata...