Flashbacks
Esme’s POV (Lei's mother)
Habang nagsusulat ako ng mga katagang nais kong ibilin sa anak ko ay napahawak ako sa dibdib ko. Bukas hahatulan na ako sa korte at wala akong pakialam kung habang buhay akong makulong basta’t malaya ang anak ko at masaya siya na walang iniisip na kahit ano. Sumikip ang dibdib ko kasabay ng pamumuo ng mga luha ko. Hindi ako makahinga ng maayos.
Dear anak;
Alam kong malungkot ka ngayon pero gusto kong malaman mo na masaya ako na malaya ka. Hindi mo kailangang isipin si nanay dahil tanggap ko na ang kapalaran ko. Ako ang nagpasok sa ‘yo sa ganiyang buhay at ako rin ang maglalabas sa ‘yo.Napayukom ang mga kamao ko habang hawak ang ballpen. Napahikbi ako ng malakas. Tinakpan ko ang mga labi ko para hindi maging maingay pero hindi ko naiwasan ‘yon.
“Esme, naririnig ka namin,” sabi ng kasama kong nakulong din dahil sa pagtutulak ng droga para sa pamilya, “Mahal na mahal ka ng anak mo. Makakalabas ka rin,” dagdag pa niya. Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa pingi ko.
Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat para sa kaniya. Alam kong sobrang masasaktan siya.
Lei, alagaan mo ang sarili mo. Alagaan mo ang mga kapatid mo, si Lala at si Jojo. Kumain ka sa tamang oras, ‘wag kang magpapagutom. ‘Wag mong sisihin si Phoenix sa ano mang nangyari sa ‘kin dahil nararamdaman ko na na malapit na akong kunin ng panginoon. Pagod na ako, anak, pagod na si nanay.
Naging malabo ang mga mata ko sa paparating na mga luha. Napakagat ako ng ibabang labi. Napatingala ako para pigilan ito. Nanginig ang balikat ko dahil sa pangungulila. Mami-miss ko silang tatlo.
Dito nararapat si nanay. Mahal na mahal ko kayo. Anak, pasensya na kung hindi ko nasabi sa ‘yo kung sino ang totoo mong ama. Wala sana akong balak na sabihin sa ‘yo pero, Lei, matanda kana…ngayon na wala na ako, kailangan mo nang karamay sa buhay. Manuel Enriquez, Manuel ang pangalan niya anak. Aasahan kong magkikita kayong dalawa.
Nagmamahal,
NanayAgad ko nang tinupi ang papel na hawak ko. Isinuksok ko ito sa ilalim ng karton na hawak ko sulat. Nanatili akong nakaupo at nakahawak sa rehas na bakal. Sinandal ko ang ulo ko at tumingin sa labas. Miss na miss ko na ang mga anak ko. Napahawak muli ako sa dibdib ko. Hindi ako masyadong makahinga, para akong walang hangin na makukuha. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bakal. Pilit kong binuka ang bibig ko pero walang lumalabas sa mga labi ko.
“Esme, okay ka lang?” tanong ni Beth. Hindi ako makatingin sa kaniya. Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib ko. Narinig ko ang mga mabibilis nitong yabag patungo sa rehas, “Inaatake si Esme, Inaatake si Esme!” sigaw ni Beth ng ilang beses. May biglang dumalo sa ‘kin na kasamahan ko. Mabilis niyang akong pinatayo. Lumandas ang mga luha ko, “Sir!”
“Huminga ka lang ng malalim,” bulong ni Marites.
Nandilim na ang paningin ko at hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Nagising ako na nakahiga sa isang matigas na kama. Merong nakasaksak sa ilong ko na oxygen. Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Isa lang pala itong clinic ng bilibid. Okay na ang pakiramdam ko, masyado lang siguro akong nagdamdam.
“Esmeralda Dimaano,” may biglang nagsabi sa pangalan ko, “Nandito kami para dalhin siya sa korte, okay na ba siya?” tanong ng isang lalaki. Siguro ay mga pulis ang mga ito.
“Okay na siya pansamantala. Kailangan niya lang maging kalmado para hindi atakehin,” rinig kong sabi ng Nurse. Pagpasok niya ay agad siyang ngumiti sa ‘kin, “Pakainin niyo muna siya bago umalis,” bilin sa kanila. Tipid akong ngumiti. Nakikita ko sa kaniya ang anak kong si Lei an sobrang maalaga sa ‘kin.
Bago kami umalis sa kulungan ay kinuha ko muna ang sulat. Nagpaalam ako sa mga naging kaibigan ko ng ilang gabi. Pagdating sa korte ay handa ko nang tanggapin ang lahat ng bigla kong makita si Phoenix. Blangko ang mukha at sobrang lamig. Hindi niya man lang ako tinaponan kahit isang tingin. Siguro masyado lang siyang nasaktan sa ginawa ng anak ko. Huling pumasok si Mrs. Montenegro na napagnakawan ni Lei noon ng mamahaling kuwentas.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagpupulong ay bigla na namang sumakit ang dibdib ko. Napayuko ako habang nakahawak sa mesa. Sumandal ako sa wheelchair at napahikbi. Nanginig ang mga balikat ko. Umikot ang paningin ko. Napahawak sa pulis na nasa tabi ko nang mahigpit.
“Ikaw, Esmeralda Dimaano ay hinahatulan ng---” hindi ko natapos ang sasabihin niya ng malakas na kumabog ang dibdib ko at tila ay hindi mahabol. Hindi na ako makahinga. Nanginig ang buong katawan ko at nalaglag mula sa upuan. Nandilim ang paningin ko at sana ay hindi na ako magising pa.
Napamulat ang mga mata na tila ay kagagaling lang sa isang bangungot. Meron na namang nakasaksak na oxygen sa bibig ko. Samo’t-saring suwero sa kamay ko. Pero ang pinanlaki ng mga mata ko ay ang binatang nakatayo sa harapan ko. Hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko. Pagod na pagod na ang katawan ko. Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko.
“’Wag niyo na pong subukan na gumalaw,” sabi niya. Nangilid ang mga luha ko. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa anak ko, “Please, stop crying.” Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Alam kong mabait siyang bata. Kinuha niya ang nagbibigay ng hangin sa katawan ko. Umupo siya sa tabi ko. Alam niyang gusto ko siyang kausapin. Napangiti ako habang umiiyak.
“A-Anak,” nauutal kong sabi sa kaniya. Napatingin siya sa ‘kin, “K-Kung a-ano man ang nagawa sa ‘yo ni Lei…pa-patawarin mo na siya,” namamaos kong sabi. Napatingala siya.
“Ang sakit palang matraydor, nay, ‘no?” tanong niya gamit ang basag na boses. Mahina siyang humikbi at tinakpan ang bibig niya. Pinilit ko ang kamay ko na iangat pero hindi ko siya maabot. Nalaglag ang kamay ko pero nagulat ako nang saluhin niya ito. Napangiti ako. Hinaplos niya ang kamay kong nanlalamig gamit ang mainit niyang palad.
“M-Mahal…na ma-mahal ka niya,” bulong ko. Sumikip ng husto ang dibdib ko kaya nanginig ang katawan ko. Pilit kong nilabanan ang dibdib ko. Bigla siyang nataranta at tumayo habang hawak ang kamay ko. Puno ng luha ang mukha ko at tanging mga mata ko lang ang magagalaw ko, “Patawarin m---mo na siya, a--anak,” pilit kong pagsalita. Umangat ang dibdib ko sa kasabay ng malakas na kabog.
“Opo! Opo! Tatawag ako ng doctor!” sigaw niya. Tipid akong ngumiti. Binalik niya sa bibig ko ang oxygen. Dahan-dahan na nalalagot ang hininga, “Nay! Nay! Sorry! Nay…” rinig ko, “Aalagaan ko siya pangako! Aalagaan ko siya! ‘Wag kang pumikit!”
Salamat naman at mayroon nang mag-aalaga sa anak kong ‘yon, napakabait at maaalahanin. Lumandas ang mga luha ko.
“Sir, excuse me!”
“Nay! Pasensya na kayo!” sabi ni Phoenix. Wala na akong dapat na ipangamba pa.
A/N: The rest of the special chapters will be on the physical book. Pero hindi ko alam kung kailan mapa-publish.
BINABASA MO ANG
DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)
RandomSi Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy siya dahil sa kilos nito. Nang makilala ang isang lalaking mestisong lalaki at kulay abo ang mga mata...