Sa labas ng itim na maliit na tent ay nagsimulang kumatok at tawagin ang pangalan ng dalawa. Kasama ni manong Lando si Jun. Patuloy ang pag-ulan at mukhang naging masarap ang tulog nilang dalawa.
"Lei, Sir! Gumising na po kayo, sa tingin ko ay kailangan na nating bumaba sa bundok!" sabi niya. Hinihintay niya itong sumagot pero nanatiling tahimik ang dalawa.
Nakakunot naman ang noo ng binatang nakatayo sa likuran ng matanda. Ang totoo ay siya ang nagsabi na gisingin ng ideyang kailangan nilang i-check kung kamusta ba ang dalagang natulog sa kasama ang sir nila. Napakamot ng ulo ang matanda at lumingon kay Jun na ngayon ay pinapayungan siya.
"Jun, mukhang tulog pa ata sila. Siguro mamaya na natin silang gisingin, alas-sais pa lang naman," sabi nito sa kaniya.
Napatingin ang binata sa nakasaradong zipper ng tent ng dalawa. Gusto niya sanang umangal pero nakakahiya naman kay manong Lando.
"Sige po, Kuya." Napalabi ito. Naglakad na sila pabalik sa loob ng kubo kung saan nagkakape ang iba at kasalukuyang nagluluto ng almusal.
Sa kabilang banda ay ayaw ni Lei na gumising kahit na may tumatawag sa kanila. Sobrang ginaw ng hangin at masarap matulog dahil sa yakap ng binata. Napamulat ang mga mata niya at agad na nanlaki. Hindi siya makagalaw mula sa kinahihigaan dahil sa mahigpit na yapos ng binata sa kaniya. Hindi niya alam kung paano ito nakayakap sa kaniya gayong nakatulog silang dalawa na magkalayo.
Kasalukuyan siyang nakatagilid pahiga at nasa likuran niya si Phoenix, nakasiksik sa katawan nito. Napatakip siya ng mukha at pinipigilan ang sariling sumigaw dahil sa kaba. Hindi niya maalala na may ginawa silang hindi kaaya-aya.
Naestatwa siya ng bigla nitong hinatak ang katawan niya papalapit. Para siyang nasusunog sa init ng kaniyang pisngi. Ano na lang kaya ang sasabihin niya kung magising ito? Ilang ulit niyang kinagat ang labi at daliri dahil sa pigil na tili hanggang sa naisipan niyang gisingin ito.
"Phoenix, huy! Phoenix, gising..." Bulong niya dito. Bahagya niyang siniko ang tagiliran nito pero hindi man lang nagising.
Nanindig ang mga balahibo niya sa batok dahil sa naramdamang hininga ni Phoenix sa batok niya. Lalo siyang napapikit dahil sa samo't-saring nararamdaman at hindi niya maintindihan.
Habol ang hininga niyang tinawag ulit ang pangalan nito, "Phoenix, ano ba? Gumising kana!" may diin ngunit pabulong na sambit nito. Agad niyang kinagat ang labi dahil sa kaba, "Teka, ano 'yang nararamdaman ko?" tanong niya.
Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig dahil parang nakatusok ito sa puwetan niya. Pilit niyang tiningnan ang kamay nito pero nasa taas naman.
"Baka may gamit na nahigaan namin," bulong niya.
Dahan-dahan at ingat na ingat siyang ginapang ang kamay nito papunta sa kaniyang beywang pailalim sa gilid ng puwet.
"Bakit naman ako kinakabahan?" tanong niya sa sarili. Mabilis niya itong pinadausdos sa puwetan niya at dinakot ang kanina pang nakatusok sa ilalim na bahagi ng katawan niya.
Agad niya itong dinakot pero sa pagkabigla ay sumigaw si Phoenix sa tabi niya.
"What the f*ck?! What are you doing?!" malakas niyang tanong habang nakaupo sa gilid niya.
Gulong-gulo ang buhok nitong makintab at tila ay hindi nagising ng maayos dahil mukha nitong namumula.
Parang hindi naman makatingin ng maayos si Lei habang tinatakpan ng dalawang palad ang bibig niya. Parang naging kamatis ang mukha ng dalawa pero higit na nahiya si Lei sa nagawa niya.
"A--no, 'wag mong sabihin na..." Nauutal niyang sambit at pinigilan ang sariling magsalita sa pamamagitan ng pagkagat ng labi nito.
Napahilamos ng sariling kamay si Phoenix at mabilis na ginulo ang buhok niya, "Yes, that was my f*cking erection!" may diin niyang bulong. Konting oras na lang ay magsasabungan na ang dalawa nitong kilay.
BINABASA MO ANG
DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)
RandomSi Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy siya dahil sa kilos nito. Nang makilala ang isang lalaking mestisong lalaki at kulay abo ang mga mata...