Chapter 28

6.6K 209 10
                                    

Kinaumagahan…

Nagising si Phoenix dahil sa tawag mula sa kaniyang investigator. Dahan-dahan siya tumayo mula sa kama at iniwan ang dalagang natutulog.

"Yes, hello?" sagot ng binata.

"Sir, na track na po namin ang location. Nag-withdraw siya using your cards ng isang milyon," sabi ng lalaki mula sa kabilang linya.
"The girl you told me?" tanong ni Phoenix habang nakatingin sa dalagang ngayon ay gumagalaw at tila ay hinahanap siya sa tabi nito. Napangiti ang binata.

"No, isa siyang lalaking mataba. Marami din siyang mga tauhan," sagot sa kaniya.

Tumango ang binata sa kaniya, "9 PM, saan tayo magkikita?" tanong ng binata sa kaniya.

"****** St., magdadala po ba kami ng mga pulis?"

"Hindi na, let's make it privately. I'll call you later." Huling sinabi ng binata at pinatay ang tawag. Wala naman siyang plano na sanang bawiin ito dahil nabigyan naman siya ng magandang regalo pero dahil nga kumuha ito ng pera sa kaniya babawiin niya ito, "Why did I forgot to close that one? 'Yan tuloy, nanakawan ulit ako," bulong niya pero parang wala lang ito sa kaniya.

Tumabi siya sa dalaga at hinalikan ito sa kaniyang matatamis na labi, "Love, wake up. May lakad ako ngayon, ihahatid muna kita sa bahay niyo," sabi ng binata sa kaniya.

Agad na napamulat ang dalaga sa sinabi niya, "Saan ka pupunta?" tanong ng dalaga, "Sasama ako."

Umiling ang binata at umupo sa kama, "Hindi puwedi, delikado."

Nagtaka si Lei na umupo sa harapan niya, gulo-gulo ang buhok nito, "Saan nga?" tumaas ang boses ng dalaga sa kaniya. Kinakabahan ito na hindi mapakali. Namamawis ang mukha niya kahit hindi naman mainit.

"Calm down. Everything will be okay." He cupped her face and kiss her lips, "I love you, tumayo ka na diyan at maligo. I'm sorry but I really need to do this, for us," he said.

Umiling ang dalaga, "Phoenix, may sasabihin ako sa'yo." Napayuko siya habang nilalaro ang mga daliri. Nanginginig ito. Kailangan niya ng sabihin dahil baka lalong lumala lang ang lahat.

"What is it, love? May masakit ba sa'yo?" mahinahong tanong niya.

Ilang ulit huminga ng malalim si Lei bago binuka ang bibig niya, "A--no kasi, Phoenix. Tung---," hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang tumunog ang phone nito.

Dismayadong tumingin sa kaniya si Phoenix at tumayo. Kinuha niya ang phone sa table at sinagot ito.

"Hello? Yes, bakit tumawag ka ulit? I'm talking to my wife," sabi niya at ginulo ang sariling buhok. Napasandal siya sa nakasaradong bintana at habang kinakagat ang daliri niya.

"Sir, the target is moving..."

Napatayo ng maayos ang binata, "What?!" malakas na tanong.

"Yes, sir. To the South!"

"Sundan niyo! Go!" sigaw ni Phoenix at binaba ang tawag. Tumakbo kaagad siya sa closet at dali-daling kumuha ng damit niya. Hinagisan niya ng damit ang dalaga, "Magbihis ka na, love. Aalis na tayo."

"Bakit? Anong meron?" natatarantang  tanong niya habang sinusuot ang damit.

"Umaalis ang nagnakaw ng pera ko, love. He steal a million pesos from my bank account using my card!" sigaw ng binata sa kaniya.

Napaawang ang labi ng dalagang tumingin sa binatang ngayon ay nagsusuot ng pantalon. Biglang pumasok sa isip niya si Boss J.

"Hindi kaya? Ginamit niya ang credit card nito?" Napailing siya sa mga naiisip. Hindi puweding mangyari 'yon dahil hindi nila puweding gamitin ang debit card, pero ginamit niya!

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon