Chapter 29

6.9K 232 6
                                    

"Lei..."

Nadismaya ang dalaga sa pagtawag nito sa kaniya. Mami-miss niya ang tawag nito sa kaniya. Kahit masakit ay ngumiti ang dalaga sa kaniya habang malungkot ang mga mata. Pinaglalaruan niya ang mg daliri at pinigilian ang sariling umiyak.

"Ako 'yon, totoo 'yon, Nix," pag-amin ng dalaga sa kaniya. Kumirot ang puso nito at unti-unting natatakpan ng mga luha ang mga mata niya.

Kumuyom ng kamao ni Phoenix habang nakatitig sa dalagang nakayuko, "How can you do that to me?" tanong ng binata. Hindi niya matanggap ang katotohanang kayang gawin 'yon ni Lei sa kaniya.

"Sir, huhulihin na ba natin siya?" tanong nila.

"Damn it! Get out and shut the f*ck up!" malakas na sigaw ni Phoenix sa kanila na kinagulat ng dalaga. Nakita niya ang paglandas ng luha nito at nanatiling blangko ang mukha.

"Phoenix, hayaan mo sila. Kung gusto mo akong makulong, handa naman akong sumuko," sabi ng dalaga at pinunasan ang luha niyang dumaloy. Nagawa niya pa ring ngumiti ng dalaga sa kabila ng sakit na nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya.

Nakatulala lang na tumingin sa kaniya si Phoenix habang tumutulo din ang luha mula sa kulay abo niyang mga mata.

"'W--Wag ka namang ganiyan. 'Wag kang umiyak," nabasag ang boses ng dalaga dahil sa kumawalang hikbi sa bibig nito. Kinagat niya ang labing nanginginig, "Ginawa ko 'yon dahil iyon ang trabaho ko, 'yon ang bumubuhay sa'min," sagot ng dalaga.

Lumunok ang binata, "Jacob said, you are paid now. Wala ka ng utang sa kaniya, dahil binayaran na kita," ani Phoenix. Ang lamig ng boses niya ay umabot sa dalaga kaya nanindig ang balahibo nito.

"Naniwala ka naman? Bumalik ka doon, kunin mo." Napangiti ang dalaga kahit dumadaloy ang mga luha niya sa pisngi.

"Lahat ba nito ay nasa plano mo lang? Lumapit ka lang ba sa'kin kasi may gusto kang nakawin?" tanong niya at napayuko.

Napatakip ng bibig ang dalaga dahil sa gulat. Hindi niya inaakalang masasabi 'yon ng binata sa kabila ng kanilang pagsasamang dalawa. "Bakit, Phoenix? Sa tingin mo 'yan lang talaga ang gusto ko sa'yo?"

Pulang-pula ang mukha ng binatang tumingin sa mga mata ni Lei, "Yeah, that's is what my mind is telling me. That all of this are sh*t and trash, Lei," matigas niyang sabi na lalong nakapagpabasag ng puso ng dalaga, "Ginamit mo lang ako para yumaman? Gano'n ba 'yon?" tumaas ang kilay niya.

Pinunasan ng dalaga ang mga luha niya. Kumuyom ang panga nitong naglakad papalapit sa binata, "Ang babaw mo naman! Sa lahat ng tao, ikaw pa talaga?! Sa tingin mo nakikipaglaro ako?!" sigaw ng dalaga. Nanginginig ang kamay niyang manampal pero pinipigilan niya ito sa pamamagitan ng pagkuyom.

"Why not? I am a billionaire, Lei. Kaya kitang buhayin, pati ang pamil----," hindi napigilang sampalin ni Lei si Phoenix kaya tumabingi ang ulo nito papunta sa kanan.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi mo ako kailangang buhayin?!" sigaw niya pabalik. Umikot siya at sinabunutan ang sariling buhok. Hindi niya maintindihan, "May sinabi ba akong buhayin mo ang pamilya ko, Phoenix?" humina ang boses niya, "Ipakulong mo ako! Ipakulong mo na lang ako imbis na pagsalitaan mo ako ng masasama!" sabi niya.

Nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Sunod-sunod pagkatapos niyang ibigay ang dalawa niyang kamay sa harapan ni Phoenix para posasan siya. Pigil ang hikbi niyang tumingin sa mga mata ng binata. 

"Don't make me pity on you, Lei. Dahil kahit kailan hindi na ako maaawa sa'yo." Tinulak siya ng malakas binata kaya natumba siya sa sahig.

Nanlalaki ang mata ni Lei sa ginawa niya. Kahit kailan ay hindi niya 'yon naranasan sa binata pero tatanggapin niya kung ito ang makakapagpagaan ng loob niya.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon