Chapter 33

7.7K 203 1
                                    

Nagising si Lori na masakit ang ulo. Menasahe niya ito bago dahan-dahan na umupo sa kama nila. Inikot niya ang tingin at nakita na wala ang dalawa.

"Ano ba ang nangyari?" nagtataka niyang tanong. Matapos nilang kumain ay sumakit ang ulo niya. May kung ano ang pumapasok sa isip niya pero nagdadala ito ng sakit.

Akma siyang tatayo sa kama ng bumukas ang pinto at naunang pumasok si Phyton, tumatakbo at niyakap kaagad siya.

"Mom, are you okay now?" tanong ng bata sa kaniya.

Ngumiti si Lori at niyakap ito pabalik, "I'm fine, baby. Where's your dad, hmm?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito.

"Dad is coming...he bought a medicine for you, mom," mahinahong sabi nito.

Biglang bumukas ang pinto at nakita niya nga ang asawang may dala-dalang tray sa kamay. May baso at naaamoy niya ang halimuyak ng pagkain.

Ngumiti si Xander sa kaniya, "PJ, did you just wake your mom up? I told you to let her rest," sambit niya habang kinukunutan ng noo ang anak.

Humarap ang anak sa kaniya, "No, I didn't, dad. She's already awake when I get here." Sambit ng bata.

"Kakagising ko lang. Hinahanap ko nga kayo," sabi ni Lori at binuhat ang anak sa mga braso niya, "Baby, ang bigat mo na." Komento niya at tumawa. Nilapag ni Xander ang pagkain sa mesa nila.

The suite has 2 rooms pero magkasama silang tatlo sa iisang kwarto. Maganda din ang ambiance dahil sa kulay nitong puti. Maaliwalas dahil parang vintage type 'yong kwarto.

"Anong oras na ba, hon?" tanong niya at naglakad papunta sa gawi ng asawa. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatulog.

"Probably 5 PM. You slept more that 3 hours," he said. Agad siyang nagkibit-balikat at lumapit sa asawa. Hinalikan niya ang ulo nito, "Kumain ka na. Maya-maya aalis ako, may pupuntahan lang, bukas mag-iikot tayo, okay?" sambit niya at tipid na nginitian si Lei.

Tumango ang dalaga kahit ang totoo ay malungkot siya, "Saan ka ba pupunta? Importante ba 'yan?" tanong niya sabay upo sa upuang nakahanda para sa kaniya. Nanatili namang nakayakap ang anak sa leeg niya.

"May inutos lang si dad, hon. Oo naman," sagot niya na walang pag-aalinlangan, "Pj, come here. Mom will eat first." Kinuha ni Xander ang bata sa kamay ni Lori.

Nanatiling nakatingin ang babae sa asawa niya. Ayaw niyang maniwala na may inutos ang dad niya sa kaniya sa araw ng bonding nila.

"Why?" tanong ni Xander ng mapansin na hindi pa kinakain ng asawa ang pagkaing inorder niya sa ibaba.

Umiling ang dalaga, "Wala," mapait niyang sambit at nagsimulang kumain.

Habang kumakain si Lori ay hindi niya maiwasang isipin ang lalaking tumawag sa kaniya ng ibang pangalan. Ang kisig at tangkad nito. Bigla siyang napahawak sa ulo ng bigla itong kumirot. Napapikit siya.

"Hon, okay ka lang?" natatarantang tanong ni Xander.

Sumenyas si Lori na hayaan siya. Iniling niya ang ulo para makuha ang sakit. Ilang segundo ng lumipas ng humupa na ito. Napainom kaagad siya ng tubig.

"Bigla lang siyang kumirot. Kaya ko naman," pagdadahilan niya dahil ang totoo ay para mabibiyak ang ulo niya.

Nakumbinsi niya ang asawa kaya naglakad ito papunta sa kama nila.

Huminga ng malalim si Lori at nagsimula na ulit kumain. Wala naman siyang gana pero kailangan may laman ang tiyan niya bago uminom ng gamot.

Pagkatapos niyang uminom ng gamot ay naglakad kaagad siya papunta sa dalawang naglalaro sa taas ng kama.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon