"Yes, please...bring me food here, I am hungry," sabi ni Phoenix mula sa kabilang linya. Nasa trabaho kasi siya at nasa penthouse naman si Lei naglilinis ng bahay niya. Hindi naman puweding tutunganga lang siya.Bumuntong-hininga ang dalaga at tumango kahit hindi naman ito makikita ng binata, "Oo na. Ipagluluto na lang kita. Ibibigay ko na lang sa guard," sagot niya sabay punas ng noo gamit ang bimpo sa balikat niya.
"What?! Hindi mo ba ako gustong makita?" tanong ng binata sa kaniya na ikinakunot ng noo nito.
"Anong pinagsasabi mo?" tanong niya pabalik. Itinigil niya ang paglilinis at sumandal sa pader, hinihintay niya ang sagot ng binata sa kaniya.
"Fine, Lei. Kung ayaw mo akong makita, bahala ka diyan..." Agad na namatay ang tawag kaya napatingin ang dalaga sa cellphone nito.
"Tang*na...hindi pa nga ako nakasagot. Ang atat naman nito," aniya at umiling. Tinapon niya ang cellphone sa couch at ipinagpatuloy ang paglilinis ng sahig.
Pagkatapos ng lahat ng gawain ay nagluto siya ang pagkain para kay Phoenix. Ayaw niyang magpakita dahil baka makilala siya at nahihiya siya dahil sa tingin niya ay hindi siya nababagay doon.
"Hay...buhay... Ilang linggo na ang nakalipas, hindi ko pa rin nabubuksan ang pinapagawa sa'kin ni boss," bulong niya bago naggisa ng bawang at sibuyas, "Mabilis lang naman siguro 'yon." Komento niya at ngumiti.
Sa ngayon ay gusto niya munang maging tahimik dahil nawawala na ang wanted niyang mukha. Hindi pa rin nagpapakita ang mga kaibigan niya sa kaniya. Pagkatapos niyang magluto ay agad siyang umalis papunta sa taas. Maliligo muna siya bago pumunta doon. Nagmadali siya at baka mainip na 'yon.
Gamit ang body wash ni Phoenix ay agad niya itong pinahid sa katawan. Hinayaaan niyang manoot ang amoy nito. Nagshampoo siya ng mabuti dahil laging inaamoy ng binata ang kaniyang buhok.
Pagkatapos niyang maligo ay kumuha siya ng t-shirt sa damitan ni Phoenix at ripped jeans niya.
Sinuklay niya ang buhok at tumakbo pababa. Alam naman niya kung saan ito nagtatrabaho. Binalot niya ang kanin at ulam. Nagdala siya ng tubig sa loob ng tumbler.
Nag-taxi siya at bumaba sa mataas na building. Napapikit siya dahil sa init, hindi niya makita ang nakaukit na pangalan. Dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa habang kagat-kagat ang ibabang labi niya.
Kasalukuyan siyang nakasuot ng sumbrero at shades na kulay itim. Kuha niya lang din sa kwarto ni Phoenix. Bumuga siya ng malakas na hininga bago binilisan ang paglakad. Malayo pa lang ay nakikita na niya ang dalawang guard sa bungad ng entrance.
"Manong, andito ba si Phoenix Delos Santos?" tanong ng dalaga sa maitim at pandak na guard.
Napatingin sa kaniya ang dalawang guard at agad na nagkatinginan.
Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan silang dalawa na tumatawa, "Manong, tinatanong ko po kayo? Alam niyo po ba?" tanong niya ulit pero lalo lang na lumakas ang tawa ng dalawa.
"Miss, pasensya na ah? Hindi tumatanggap ng manliligaw si sir," ani nito sabay iling. Hindi makuha ang tawa sa mga labi nilang dalawa.
"Pang-ilan na ba 'yan ngayon, pare? Nakakasampu na ata tayo," sabi ng kasama niya habang tinutukod ang siko sa mesa nila.
Huminga ng malalim si Lei habang nakayukom ang kamao niya. Humigput ang pagkakahawak nito sa paper bag ma hawak niya, "Girlfriend niya po ako, manong," mahinahong sabi ng dalaga.
Humalakhak ang dalawa habang hawak ang mga tiyan nilang malalaki.
"Libre lang naman mangarap, miss. Pero hahayaan ka namin," sagot ni manong Dela Peña matapos nitong sipatin ang pangalan sa uniform na suot nito.
BINABASA MO ANG
DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)
RandomSi Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy siya dahil sa kilos nito. Nang makilala ang isang lalaking mestisong lalaki at kulay abo ang mga mata...