Chapter 31

8.2K 230 11
                                    

Nangangawit na sumakay ang buntis sa kotse nila habang hinahawakan ang malaki niyang tiyan. Ilang ulit siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili niya dahil sumasakit na ang tiyan nito. 

Sumampa ng kotse ang daddy niya habang puno ng kaba ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ng buntis, "Calm down, Lori. Kalma lang. Bilisan mo, Xander!" sigaw niya sa lalaking may hawak ng manibela.

Agad na pinaharurot ni Xander ang kotse nila papunta sa hospital, "Daddy, parang lalabas na siya! Ah...ang sakit ng tiyan ko!" sigaw niya. Habol ang hininga siya na tumingala sa bubong ng kotse. Namamawis na ang noo niya. Napangiwi si Lori sa sakit.

"Xander, wala na bang ibibilis 'yan?!" malakas na tanong ng matandang maputi ang buhok, nakasuot ng salamin, naka-brush up ang buhok at nakasuot ng tie and coat. Pupunta na sana siya sa trabaho ng biglang sumakit ang tiyan ng anak niyang si Lori.

"Teka, daddy! Malapit na tayo!" sigaw niya pabalik. Umigting ang panga niyang makita ang traffic, "Putang*na!" malutong niyang mura. Niliko niya ang kotse para sa shortcut na daan.

"Xander! Manganganak na ako! Ahhh..." Sigaw ni Lori. Mahigpit ng kapit niya sa daddy niyang pinupunasan ang pawis niya. Takot at kaba ang makikita mo sa mukha nito, "Lalabas na siya! Ahh...hindi ko na kaya!" napaiyak ang dalaga dahil sa sakit.

"Lori, please...malapit na tayo, anak. Malapit na tayo!" pilit siyang ginigising ng  ama niya dahil dahan-dahang bumababa ang talukap nito.

Malakas na bumusina ang kotse nila at huminto. Kaagad na lumabas si Xander at nagtawag mg tulong sa hospital.

"Lori,  gising andito na tayo." Marahan siyang sinampal-sampal ng daddy niya sa mukha.

"Sir, we need to get her," sabi ng nurse.

Lumayo ang ama niya sa kaniya na puno ng pag-aalala ang mukha. Kinuha siya at nilagay sa stretcher. Pinasok siya sa emergency room kaya sumunod sila sa kaniya.

Naiiyak na tumingin si Xander kay Manuel, "Sinabi ko naman sa kaniya na sa hotel muna kami mamalagi para malapit sa hospital, eh," sabi niya sabay gulo ng buhok. Paikot-ikot siya sa puwesto at hindi mapalagay.

Napaupo naman si Manuel sa upuan hawak din ang ulo niya, "I can still remember how her mom gave birth on her, Xand. Ganiyan na ganiyan din siya," sambit niya.

Huminga ng malalim si Xander at marahan siyang pinalo sa balikat, "Congratulations, dad. Magiging lolo ka na," sabi niya sabay tawa.

"Yeah, I'm sure that boy will become handsome like me."

Ilang minuto ang hinintay nila sa labas ng emergency room. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse na suot ang protective gear.

"Sino po ang asawa ni Lizzeth?" tanong niya.

Tumayo si Xander sa upuan niya, "Ako, nurse. Naging okay po ba ang lagay niya? Kamusta po ang bata?" sunod-sunod niyang tanong.

"So far, the mother is good but the child is under oxygen right now dahil hindi kaagad siya nakalabas sa tiyan ni mommy," sagot niya, "Maya-maya ay ilalabas na namin sila. The nurses are cleaning them right now," dagdag niya, "Congratulations, sir." Nag-bow ang nurse bago pumasok sa loob ng ER.

Naiwan namang nakangiti ng malaki ang dalawang lalaki sa labas. Nag-apir sila at umakbay sa isa't-isa. Sa sobrang excited nilang makita ang bata ay agad nilang sinulong ang papalabas nurse. Nakapikit ito at natutulog.

"For the meantime, the baby will stay on the baby's room for the check up. Ide-deliver na lang siya mamaya sa room niyo, sir," sabi ng babaeng may hawak sa kaniya.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon