Chapter 36

8.3K 229 3
                                    

Nagising ang Lori na umiiyak. Naalala niya na ang lahat. Ang lahat-lahat mula sa umpisa. Napatingin siya sa tabi niya, isang batang mahimbing na natutulog at nakayakap kay Xander. Hindi niya ito asawa, kaibigan niya ito. Napangiti siya ng mapait.

Inabot niya ang buhok ni Xander at Jo inayos. Tinanggap siya nito kahit hindi naman niya tunay na anak si Phyton, kaya pala hindi siya masyadong malapit sa kaniya.

Unti-unting bumukas ang talikup ng mga mata niya at hinawakan ang kamay ni Lori na nakapatong sa ulo niya. Kinuha niya ito at hinila papalapit sa bibig niya. Hinalikan niya ang palad ng asawa.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" tanong ni Lori.

"Na ano?" tanong niya pabalik at pinikit ang mga mata.

"Na hindi naman talaga kita asawa? Kaibigan kita Xander," sabi niya. Hinayaan niyang dumaloy ang luha sa pisngi niya.

Umismid si Xander at binitawan ang kamay niya, "Dahil hindi namin alam kung sino ang ama ng dinadala mo, Lei," sagot niya at nag-iwas ng tingin.

"S--si Boss J, siya 'yong bumundol sa'kin. Gusto niya akong patayin," sambit niya. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito.

"Siya 'yong sinasabi ko sa'yo na tinatrabaho ko, Lei. Nakakulong na siya ngayon, wala ka ng po-problemahin," aniya. Nilagay niya ang braso sa ibaba ng ulo niya.

Nagulat naman si Lei sa kaniya, "Kaya ba lagi kang wala?" tanong niya kay Xander.

Tumango ito bilang tugon, hindi man lang tumingin sa kaniya, "Ngayon ko lang din nalaman kung sino ang tunay na ama ng anak mo. Pasensya na, naging matagal," mapait niyang sambit. Pilit niyang tinatagi ang sakit na nararamdaman niya.

Napatakip ng bibig si Lei habang umiiyak. Sa ilang taon, lumaki na ang anak niya lahat ng sakit na naudlot ay noon dahil nawala ang alaala niya ay bumalik.

"Saan nakaburol ang nanay? Alam mo ba kung nasaan ang mga kapatid ko?" tanong niya. Nagbabakasaling alam niya.

Tumango siya, "Puwedi tayong dumaan do'n, uuwi na tayo bukas. Kailangan ko pa bang tanongin kung sasama ka?" mapait siyang tumawa habang umiiling.

Natahimik naman si Lei sa kaniyang hinihigaan. Agad siyang lumingon kay Xander, "Sasama ako pauwi, Xand," sagot niya.

Nagulat naman na lumingon sa kaniya si Xander, "Talaga? Paano si Phoenix? Ayaw mo na ba sa kaniya?" sunod-sunod niyang tanong.

"Oo nga, madami pa akong gustong itanong kay daddy. Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama?" tanong niya dito at lumabi.

Lumawak ang ngiti ni Xander sa kaniya. Umupo ito mula sa higaan. Tumayo siya at naglakad sa gawi ni Lei. Sumampa ulit siya sa kama pero ngayon na nasa likuran na ng babae. Pinulupot niya ang kamay nito sa beywang niya.

"Hindi ka galit sa'kin?" mahina niyang tanong. Isinandal niya ang ulo sa likod ng niyayakap niya.

"Paano naman ako magagalit? Lahat naman ginawa mo para sa'kin, para kay Phyton," sagot niya.

Nakahinga ng maluwag si Xander sa sinabi niya, "Akala ko iiwan mo ako pagkatapos mong maalala ang lahat," sabi niya.

"Hindi ah." Humarap sa kaniya si Lei at niyakap siya ng mahigpit. Isinandal niya ang ulo sa malaki nitong dibdib, "Totoo ko bang tatay si Manuel?" tanong niya. Sa sobrang dami ng tanong na tumatakbo sa isip niya.

Tumango si Xander, "Oo. Siya ang unang asawa ng nanay mo at ikaw ang naging bunga nila. Sabi niya iniwan siya ng nanay mo matapos niyang malaman na may illegal itong ginagawa." Kuwento niya dito.

Biglang napaisip si Lei, "Ginagawa pa din ba niya 'yan hanggang ngayon?" tanong niya.

Umiling ito, "Hindi na mula ng tumiwalag ang pinakamagaling niyang mafia."

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon