Chapter 26

6.3K 187 2
                                    

Dumadagungdong ang puso ni Lei na humarap sa matabang lalaking nakasandal sa bukas na gate nila. Bumuga ito ng makapal na usok bago tinapon ng sigarilyo at inapakan gamit ng paa niya.

"A-Anong pinagsasabi mo?" tanong ng dalaga sa kaniya. Nakayukom ang kamao niya habang nakakunot ang noo.

Humarap sa kaniya ang lalaki at nagpakawala ng mapaglarong ngiti, "'Wag ka ngang mag maang-maangan, Lei." Naglakad ito papalapit sa dalaga, "Maganda 'yang ginagawa mo, nagugustuhan ko," sabi niya sabay hawak sa balikat nito.

Napaigkas si Lei at nilayo ang katawan niya sa boss, "Lumayo ka nga! Ano ba ang pinagsasabi mo?!" sigaw ng dalaga. Halos pumutok ang butsi niya. Naguguluhan siya na hindi niya alam.

Nagtaka naman ang kaharap niya dahil sa inasal nito, "Bakit ka pa magtatanong kung alam mo naman ng sinasabi ko?" tanong ng lalaking mataba. Humakbang ito papalapit sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang baba nito. Deretsong tumingin sa mata ng dalagang umiiwas naman ng tingin sa kaniya, "Si Martha Delos Santos ang ina niyang kasama mo, Lei. Ang nanay at kapatid niya ang tatrabahuin mo," sabi niya at tinulak ang baba nito bago umalis.

Parang nag-iwan ito ng bomba at sumabog sa harapan ni Lei. Nakatulala siya at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Nanginginig ang kalamanan na ano mang oras ay sasabog na.

Napayukom ang kamao ng dalaga at kulang na lang ay tumanim sa palad niya ang mga kuko nito. Wala pang isang minuto ay nahulog ang isang butil ng luha sa pisngi niya. Nasundan ito ng pangalawa hanggang sa nanginig ang balikat nito napayuko sa daan.

Humikbi ang dalaga at hindi alintana ang mga taong nagtataka kung ano ang ginagawa niya.

"Ate! Ate! Si nanay!" sigaw ng mga kapatid niya.

Ginapangan ng kaba ang dibdib ng dalaga at napaangat ng tingin sa loob. Napalunok siya ng malaki at agad na tumakbo papasok sa bahay. Hinihingal siyang binuksan ng malakas ang pinto at nilibot ang tingin.

"Nay! Nasaan kayo?!" malakas niyang tanong at pinahid ang luhang namasa sa pisngi niya, "Nay!" sigaw niya ulit. Sa sobrang kaba ay napasabunot siya ng sariling buhok.

"Ate! Andito kami sa kwarto mo!"  sagot ni Jojo.

Humikbi ang dalaga at mahinang naglakad. Hindi niya mapigilan ang sarili habang tinatahak ang daan sa kwarto niya. Natatakot, nangangamba kung ano man ang mangyayari sa kaniya.

Pumasok siya sa kwarto na tinatakpan ang bibig. Nakita niyang nakatulala ang nanay habang hawak ang folder sa kamay nito. Nasa tabi niya ang mga kapatid ng dalaga at dinadaluhan siya. Nanlaki ang mga mata ni Lei habang nakatitig sa yakap-yakap na folder ng nanay niya. Napatingin siya sa inanag nakatalikod sa kaniya.

"N-Nay, bakit mo hawak 'yan? Akin na," sabi ni Lei at agad na kinuha ito pero lalong himigpit ang yakap ng nanay niya mula rito, "Nay, importanteng papeles 'yan." Dagdag ng dalaga sabay hila nito pero hindi natinag si Esme.

Malamig na tumingin ang nanay niya sa kaniya. Walang ka emo-emosyon, blangko ang mukha.

"Na-Nay, hindi niyo naman siguro 'to binuksan hindi ba?" tanong ng dalaga. Kumawala ang mahinang hikbi mula sa bibig niya kaya agad itong tinakpan ng dalaga.

"Ano ang mga ito, Lei?" malamig pa sa yelong tanong ng nanay niya.

Napatalikod ang dalaga kasabay ng paggulo sa buhok niya, "Wala 'yan, nay. Ibalik niyo na po sa'kin." Pagmamakaawa niya. Dumaloy ang luhang kanina pinipigilan.

Namumula ang mga mata ng nanay niya na tumingin sa kaniya, "Wa--la? Bakit andito ang mukha ng nobyo mo?! Ginagamit mo lang ba siya, anak?!" tanong ng nanay kasabay ng pagkabasag ng boses nito. Umiiyak siya.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon