Suot ang isang mahabang kulay tsokolateng saya at blouse ay nag-inat-inat si Lei mula sa kama niya. Malakas siyang humikab at inikot ang tingin. Maaliwalas ang kwarto niya dahil gawa ito sa kawayan.
"Hija, gising ka na ba? Kumain ka na ng agahan at nagsisimula ng kumain sina Sir Phoenix, aalis sila papunta sa taas, magbibigay ng tulong." Mahaba nitong sabi. Agad namang inayos ni Lei ang higaan at lumabas.
"Hi, manang. Salamat po. Saan pong taas?" kuryoso niyang tanong. Umupo siya sa upuan na gawa sa kahoy.
"Sa taas pa ng bundok, hija. Kaya damihan mo ang kain para hindi ka magutom," sambit niya.
"Lagi po ba dito si Phoenix?" tanong niya. Naglagay siya ng kanin at dalawang isda sa plato niya.
Umiling siya, "Hindi naman gano'n ka lagi pero nakakatatlo sila kada taon, hija." Ngumiti siya saka kumain.
Naging tahimik sila. Si Lei naman ay nakatingin sa labas, ang dami pala nila. Sinusuyod ng mga mata niya si Phoenix.
"Hindi lang pala siya gwapo, mabait din," bulong niya saka matamis na ngumiti.
Tumawa si Lorna, "Oo, hija. Mabait talaga 'yan kaya madaming nagkakagusto sa kaniya," sabat nito. Bigla namang uminit ang pisngi ni Lei.
"Naku, mukhang madami akong magiging karibal ah?" pagbibiro niya.
Matapos nilang kumain ay naligo siya at nagbihis ng panibagong damit. Isang long sleeve na kulay itim at itim na jogger pants. Medyo masikip ang pang-itaas niya kaya bumubukol ang dibdib niya. Kahit naaasiwa ay lumabas siya na may dalang sumbrero. Mainit daw kasi mamaya.
Hinanap ng mga mata niya si Phoenix, sa kaniya siya sasama. Lumawak ang ngiti niyang makita ito na kalalabas lang ng kubo.
Umismid ang binata at pumunta sa kumpol ng tao. Sumandal siya sa kubo habang naghihintay na umalis, nakapamulsa siya at kagat-kagat ang labi.
"Ready na ba kayong lahat? Kung ready na kailangan na nating umalis bago lalong tumaas ang araw," seryosong sabi nito. Nakasuot siya ngayon ng pants at rubber shoes at puting damit ng kagaya sa kaniya kaya siya ngumiti.
"Sige po, sir! Ready na po ang tent doon."
Tumango siya at nagsimulang maglakad. Patungo sa kaniya pero pumasok ito sa kubo.
"Phoenix," tawag niya dito.
"Lei! Halika, ipapakilala kita sa binata namin dito!" tawag sa kaniya ni Lando na ngayon ay kinakawayan siya.
Napangiti si Lei saka tumakbo sa gawi nila. Humarap siya sa mga ito kasama ang iba na hindi pa niya kilala.
"Lei, ito si Jujun. Sa tingin ko ay magka-edad lamang kayo, Jun ito si Lei kaibigan ni Sir," pagpapakilala nito.
Tumango si Lei sa kaniya, "Oh? Pare, kamusta?" maangas niyang tanong.
Namula naman si Jun sa kaniya sabay kamot sa batok, "Okay lang. Nice to meet you. Sinabi pala ni kuya Lando na sa kanila ka natulog," nahihiya niyang sagot na hindi man lang makatingim sa kaniya ng deretso.
"Ah, oo! Sasama ka din ba?" tanong niya.
Tumango si Jun, "Oo, nagbo-volunteer kasi ako para mapabilis." Marahas hinampas ni Lei ang balikat niya. Medyo malamyang gumalaw ang binata matigas pa ata si Lei sa kaniya.
"Ayos 'yan, pare. Sige, punta ako do'n ah? Magkasama tayo mamaya," sabi niya saka naglakad pabalik sa kubo. Lumabas si Phoenix na nakasuot ng sumbrero.
"Tara na!" sigaw niya saka naunang naglakad.
"Tara na daw."
Nagmadali namang naglakad si Lei hanggang sa likuran nito.
BINABASA MO ANG
DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)
RandomSi Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy siya dahil sa kilos nito. Nang makilala ang isang lalaking mestisong lalaki at kulay abo ang mga mata...