Pagkalipas ng ilang araw na pamamalagi nila ay nangungulila ng husto si Lei sa ina. Pinagsaklop ni Lei ang mga daliri niya saka lumapit sa lalaking nakaupo sa isang stool kausap ang mga kalalakihang nakakatanda.
"Phoenix, may sasabihin sana ako," sabi niya. Nahihiya siyang tumango sa mga kasama nito.
Nakasuot siya ng kulay itim na damit at men's short. Kitang-kita ang makinis nitong balat at halatang alagang-alaga. Nahiya nga siya sa puti ng mga paa nito, ang gwapo.
"Uy, Lei! Andito ka pala. Dapat nagpapahinga ka kasi bukas may pupuntahan na naman tayo," sabi ni Nestor.
Sa ilang araw na pamamalagi nila ay suplado pa rin ang binta at lagi pa rin si Lei na sumasamang magpakain sa mga tao at magbigay ng tulong.
Lumingon si Phoenix sa kaniya at umismid, "Babalik na lang po ako," sabi niya at nagpaalam. Nagpagpag siya ng puwet bago naglakad. Tumaas ang gilid ng labi niya at umismid. Ilang hakbang ang ginawa nila bago huminto, napakagat-labi si Lei at nag-aalangang nagkamot ng leeg.Nakatingin lang si Phoenix sa araw na malapit nang lumubog, hinihintay na magsalita ang katabi. Damang-dama niya ang halik ng malamig na hangin sa kaniyang balat.
"What do you need?" he asked, "You know that I can't drive you home today, I still have long vacation and works to do," he hardly said without gazing at her.
Lei deeply sighed and nods her head, "Alam ko naman 'yon," sagot niya at saka huminto. Lumingon siya dito, "Pero---," hindi siya mapakali, alam niyang hindi sila gano'n ka close pero kailangan niyang magbakasakali.
"Pero ano, Lei?" tanong niya. Nagkatinginan silang dalawa at agad ding umiwas si Phoenix. Hindi siya makatingin ng matagal sa dalaga.
"Eh, kasi. Gusto kong manghiram ng telepono sa'yo. May tatawagan lang ako," sabi niya saka lumabi. She crossed her fingers, closing her eyes. Wishing na sana pahiramin siya.
Muli siyang bumaling sa dalaga, "Wala ngang signal dito," aniya.
Napaangat siya ng tingin sa binata, "Sabi ni Jun may alam daw siya kung saan may signal, sasamahan niya ako." Hindi niya mapigilang humawak sa braso nito, "Please, Phoenix. Kailangan ko silang sabihan na nandito ako."
Napatiod ang binata at hinablot ang braso niya, "Bakit kasama mo si Jun?" kuryoso niyang tanong kasabay ng pagkunot ng noo niya.
"A-ano kasi, syempre siya ang may alam ng lugar na 'yon." Nagkibit-balikat siya at nilahad ang palad sa harapan ni Phoenix.
“Akala mo hindi hindi ko napapansin na palagi kayong nag-uusap?” tanong niya sa dalaga at nilapait ang mukha nito ng kaunti. Napatulala sa kaniya ang dalaga pero napatakip din kalaunan ng ilong pitikin niya ito.
“Hindi mo naman kasi ako kinakausap, e,” sagot ng dalaga. "Sige na, promise ibabalik ko kaagad." Matamis siyang ngumiti sa binata pero sumimangot lang ito.
"Sige na, ipagmamasahe kita. Gusto mo ipagluto pa kita, eh." Kumurap-kurap ang mga mata niya niya habang pilit itong kinukumbinsi.
Napailing si Phoenix sa kaniya, "Why would you do such basic things? You should do more hard things, okay..." Komento niya at nagpakawala ng mapaglarong ngiti.
Halos kumislap ang mga mata ni Lei na tumango, "Deal, bigay mo na para hindi kami abutin ng dilim," sabi niya at nilahad lalo ang palad.
"You should be here in an hour or else you can't borrow this again." Pagkatapos niya itong kunin sa bulsa niya at ibinigay niya ito sa dalaga.
"Yes!" hiyaw niya. "Walang problema. Nasaan na ba si Jun?" tanong niya at nilibot ang tingin. Kailangan nilang magmadali.
"Don't forget. Don't mind my call if ever. End it, okay?"
BINABASA MO ANG
DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)
RandomSi Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy siya dahil sa kilos nito. Nang makilala ang isang lalaking mestisong lalaki at kulay abo ang mga mata...