Chapter 11

7.9K 260 6
                                    

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad sa madulas na daan ay napagdesisyonan ni Lei na sumabay kay Jun imbes na sa kaniya. Hindi pa rin kasi ito namamansin magmula nang aksidente niya nahawakan ang ano nito.

"Ano ba ang nangyari sa inyo ni sir, Lei? Bakit parang iba ang trato niya ngayon? At tuwing nagtitinginan kayo ay parehong namumula ang mukha ninyo?" kuryoso na tanong ni Jun sa tabi niya.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan pero pinagpatuloy pa rin  nilang bumaba na sana ay lalagi pa sila ng ilang gabi. Hindi naman gano'n ka lakas ang hangin pero tuloy-tuloy ng ulan.

Umirap ito, "Ewan ko sa kaniya. Siya tanongin mo," matigas niyang sabi at tumingin sa daraanan. Kailangan nilang mag-ingat dahil may mga putik ang daan at maaring madulas.

Muli siyang inakbayan ni Jun, "Kapag umuwi ka na ba sa inyo? Babalik ka pa rin dito?" tanong niya.

Biglang napaisip si Lei, "Hindi ata, Jun. Andami kung haharapin sa Manila. Alam mo naman...sobrang hirap ng napagdaanan ko do'n," sagot niya. Ngumiti siya ng mapait saka umiling.

Hindi niya alam kung ano ng mangyayari pag-uwi niya, baka makukulong siya o patuloy siyang magtatago sa mata ng batas. Hindi din biro ang ginawa niya, may napagnawakan silang malaking halaga. Agad siyang kinabahan ng husto, kaya hindi siya puweding umibig, dahil masisira lang din naman ito kapag nalamang marami siyang kaso at ang pinakamalala ay wanted siya ngayon.

"Bakit hindi ba nila alam na nandito ka?"

Bumuntong-hininga siya, "Alam, ang totoo ay aksidente lang naman ako na napasama kay Phoenix," sabi niya sabay tawa.

"Teka nga! Kayo ba ni Neneng nagka-usap na? Mahal ka pa no'n, Jun. 'Wag mu'kong gawing panakip butas," bahagya niya itong tinulak gamit ang katawan niya.

Napatingala ang binata para damhin ang ulan sa mukha niya, "Hindi ka naman panakip butas. Mahal?" tumawa siya ng mapait, "Kung mahal niya ako, Lei, edi sana hindi niya ako iniwan dito. Puwedi naman siyang mag-college dito." Pagmamatigas niya.

Alam ni Lei na may nararamdaman pa ito. Pero dahil sa galit ay hindi niya ito kayang aminin. Gusto niyang kamuhian si Neneng.

"Jun, pangarap niya ata 'yon. Kita mo, naging successful siya. Dapat sinusupportahan mo siya, imbis na magalit ka," sagot ni Lei. Hindi man niya naranasan ang ma-in love pero alam niya kung ano ang nararapat sa isang relasyon.

"Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa 'kin?" may diin nitong tanong. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa dalaga na ngayon ay inaakbayan niya.

Biglang nakaramdam ng lamig si Lei sa pananalita niya, alam niyang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ito.

"Kasi alam niyang hindi ka papayag?" patanong na sagot ni Lei sa kaniya. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat pero ramdam niya ang pagmamahal nila sa isa't-isa.

Huminga siya ng malalalim, "So, kasalanan ko kung bakit hindi niya sinabi sa'kin ang plano niya?" tanong niya ulit na kahit anong tanong ay alam niya naman na may kakulangan din siya.

"Aminin mo na kasi, gusto mo pa rin siya, Jun. Para kayong ewang dalawa. Pati kaming dalawa ni Phoenix nadadamay sa inyo."

Napabitaw si Jun sa kaniya, "Gano'n ba ako kadaling basahin?" napakamot siya sa ibabaw ng raincoat niya.

Tumango si Lei, "Oo kaya! At alam kung crush mo ako, pero hindi mo naman talaga ako gusto," sabi niya na walang pag-aalinlangan. Akala mo naman talaga sigurado siya sa sinabi niya.

Nasa kalahating-oras na silang naglalakad. "Hinay-hinay lang, Lei. Madulas!" sabi ni Jun. Hinawakan ng binata ang kamay niya para alalayang bumaba ito.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon