Chapter 15

8K 214 3
                                    


Naghahabulan, nagtatawanan at nagtataguan. 'Yan ang ginawa nila sa tubig. Matapos sabihin ni Lei ang mga katagang 'yon ay hinayaan niya ang sariling mahulog sa binata. Napag-isipan niyang 'wag isipin ang marangyang buhay nito at kasalungat sa kanila.

"Huli," bulong ni Phoenix sa kaniya. Pumintig ang tenga niya ng magdala ito ng kakaibang sensasyon sa katawan niya.

Kasalukuyang nakayakap ang binata mula sa likod ng dalaga. Pinatong niya ang kaniyang baba sa ibabaw ng balikat nito.

Hindi makuha ni Lei na tumawa, ang init at mabangong hininga na lumalabas sa labi ng binata ay nagdadala ng kakaibang kiliti.

"Nagka-girlfriend ka na ba?" bigla niyang tanong. Gusto niyang malaman kung ilan na dahil sa postura at mukha nito ay hindi puweding wala.

"No," maikli niyang sagot. Agad na humiwalay si Lei sa kaniya.

Nanlalaki ang mga mata nito na humarap sa binata at tila ay tinatansya kung nagsasabi ito ng totoo.

"I never had a serious girlfriend," dagdag niyang sambit at nag-iwas tingin.

Kumunot ang noo niya, "So, sinasabi mo na manloloko ka gano'n?" tanong niya na may halong pagbibintang.

Agad na umiling ang binata, "Of course, not! Why would I do that?!" depensa niya.

Lumangoy ang dalaga patungo sa pampang at umupo. Sumunod sa kaniya ang binata at umupo sa tabi niya.

"Kung hindi ka manloloko, bakit gano'n, Nix?" tanong niya. Nakalagay ang palad niya sa panga niya habang nilalaro ang buhok.

Huminga ng malalim ang binata, "It's because they only want my money, Lei. I want a serious one, just love," sagot niya.

Biglang uminit ang dibdib ng binata kasabay ng pag-ngiti niya, "Nakipag-date ka?" mapaglaro niyang tanong.

"Yes, many times but eventually, it fails," he answered honestly. Kapag mayaman talaga ang hirap makahanap ng taong totoo, sa isip-isip lang ng binata.

Lalong lumawak ang ngiti ni Lei, "Sa tingin mo bagay tayong dalawa?" tanong niya ulit.

Lumingon si Phoenix sa kaniya, kagat ang mga labing mapupula, "Yes, Lei. You are my first girlfriend!" anya at matamis na ngumiti. 

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya. Tila ay nag-aalab ito at unti-unti ng nilalamon ang puso niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito pero agad ding inayos ang sarili niya.

"Hindi mo ako girlfriend, Nix."

"Pagkatapos nito, sisiguraduhin kung magiging girlfriend kita," sabi niya at sinunggaban ng halik ang dalaga.

Nanatiling nakatulala at nanlalaki ang mga mata ni Lei. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, ito ang unang beses na nakipaghalikan siya. Ito ang unang halik niya. Para siyang natunaw ng biglang ginalaw ng binata ang mga malalambot niyang labi. Huli na ng na-realize niya na humahalik na pala siya pabalik sinusundan ang galaw ng binata. Lunod na lunod siya habang dahan-dahan na itinataas ang dalawa niyang kamay at ipinupulupot sa leeg ng binata.

"Ah..." Kumawala ang mumunting ungol mula sa bibig ng binata.

Lumalim ang halik ng dalawa hanggang sa nakahiga na sila sa batuhang bahagi ng talon. Lumakbay ang mga kamay ng binata mula sa pisngi niya, pailalim sa leeg hanggang sa umabot sa parte ng tiyan niya.

"Lei, open your mouth, please..." Pakiusap niya. Parang biglang nawala sa wisyo ang dalaga na sinunod ang sinabi nito, "You will be mine, Lei, no, you are mine," sabi niya sa gitna ng kanilang paghahalikan, "Walang Jun, o sino man."

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon