Mataas na ang sikat ng araw. Nagsimula ng sinagan ang mga puno't halaman sa paligid. Nahikab ang dalaga habang ang palad ay nakatakip sa bibig niya. Nag-inat-inat ito sandali bago bumangon.
"Anong oras na ba?" tanong niya sa sarili. Nagsimula siyang humakbang palabas ng kwarto niya, "Jennie! Jennie!" tawag niya dito. Sinabi niya kagabi na sasama siya sa kanila. Para-paraan lang para mabantayan ang dalawa.
Niluwa si manang Lorna mula banyo. Basa ang buhok at halatang bagong paligo. Umaalingasaw pa ang mabangong amoy nito.
"Hija, kanina pa siya umalis. Sabi daw ay magpapaturo kay sir Phoenix sa isang klase niya," sabi ni manang Lorna na ikinakunot ng noo niya.
"Hindi puwedi," bulong niya, "Kanina pa po ba?" tanong niya.
Tumango ang matanda, "Mga isang oras pa lamang ata ang nakalipas, hija. Tinanghali ka na daw kasi ng gising," tugon niya.
"Nakakainis, sinabihan ko na siya na hintayin niya ako, eh." Mahina siyang napapadyak papunta sa mesa. Nagsimula siyang maghain para sa sarili.
Nahagip ng mga mata niya ang magkasamang si Jennie at Phoenix. May hawak ang dalaga na libro at yakap-yakap niya ito. Hindi niya alam kung saan pupunta ang dalawa pero binilisan niya ang pagkain. Halos tumunog ang kubyertos at pinggan dahil sa pagmamadali niya.
Muntikan na siyang mabulunan dahil sa pagmamadali. Napaubo si Lei at uminom ng tubig. Kating-kati na ang mga paa niya para maglakad pero nagugutom siya kaya kailangan niyang kumain.
Pagkatapos ay hinugasan niya ang pinggang at nagpunas ng kamay. Hindi na siya nag atubiling maghilamos bagkos ay agad siyang lumarga palabas para hanapin ang dalawa.
"Nakakainis, nasaan ba sila?" tanong niya. Nakayukom ang kamao niyang sumilip sa loob ng kubo nito, "Wala sila dito? Saan kaya sila pumunta?"
Akma siyang aalis ng biglang may tumawag sa kaniya, "Lei, saan ka pupunta? Sama ako!" ani Jun.
Napalingon si Lei sa kaniya, "Hinahanap ko sina Jennie. Sinabi ko kasi sa kanila na sasama ako sa pagtuturo sa kaniyang klase," sagot niya sabay nguso.
Tumawa si Jun sa kaniya, "Ah, 'yong sinabi mo kagabi? Gusto mo lang ata bakuran si sir, eh." Pagbibiro niya. Agad niyang inakbayan si Lei.
Tumango ang dalaga sa kaniya, "Oo, 'yong napag-usapan. Tinanghali kasi ako ng gising, eh. Anong babakuran ang sinasabi mo?" maang-maangan niyang tanong. Patingin-tingin pa rin siya sa paligid.
Binabakuran nga ba niya? Hindi niya naman masasabi 'yon dahil hindi niya naman gusto si Phoenix. Hinding-hindi niya magugustuhan.
"Sus, parang hindi ko alam. Kaya ka lang naman pupunta do'n para bantayan silang dalawa," sabi niya sabay gulo mg buhok nito, "'Wag kang mag-aalala, sasamahan kita kaya tara na!" hinila niya ang katawan ng dalaga habang nakaakbay siya dito.
Bumaba sila sa kabahayan kung saan sila dumaan noong pumunta sila sa lampas para maghanap ng signal.
"Sigurado kang dito sila pumunta ah?" paninigurado ni Lei. Napahawak siya sa braso ng binatang nakapatong sa balikat niyo.
"Oo naman! Sa tingin mo ba nagbibiro lang ako?" natatawa niyang tanong.
Dumaan sila sa gitna ng namumukadkad ng bulaklak. Hindi niya alam kung anong bulaklak iyon basta ay kulay araw ito.
Bumuntong-hininga ang dalaga, "Hindi naman sa gano'n, naninigurado lang ako," sagot niya.
"Totoo, last year dito ko sila nadaanan, eh. Nagpapaturo din ata si Jennie sa kaniya."
BINABASA MO ANG
DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)
RandomSi Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy siya dahil sa kilos nito. Nang makilala ang isang lalaking mestisong lalaki at kulay abo ang mga mata...