Chapter 2

1.5K 84 3
                                    

Yumi's POV

Kumakain kami ngayon ng icecream at pizza ni Mamitois habang nanonood ng movie.

"..sa tingin ko rin dapat pinipili mo yung mahal mo." Komento ni Mamitois ukol sa pinapanood namin.

"Eh pano naman yung nagmamahal sayo?." Malungkot kong sabi rito.

"Hugot girl ah. Lipat na nga natin."

"Waaaag. Okay na yan. To naman." Pigil ko rito.

"Ang drama mo kasi eh. Diba nga sabi ko sayo wag mo munang masyadong seryosohin yan?. Lalo na't panaginip lang naman." Sermon nito sakin.

"Eh pano nga Mamitois?. Simula nang magising ako siya nalang laging nasa isip ko. Kung pwede lang kalimutan ko lahat ng naaalala ko sa panaginip na yun ginawa ko na."

"Wag kasi masyadong magpapaapekto sa di naman totoo."

SILENCE

Napayuko nalang ako. Di ko mapigilang malungkot.

"Yumi listen, I'm saying this not because ayaw kitang maging masaya. Sinasabi ko to para magising ka na. Lagi mo pa ngang sinasabi dati diba?. Walang titibag sa Biami. So, ano tong ginagawa mo?. You're better than this."

"I understand. Sorry Mamitois."

"Don't get me wrong, wala namang masama sa pagpapakatotoo sa sarili eh. Pero may limit kasi yun. Kung mahal mo yung tao mahalin mo lang without expecting anything in return."

Tumango lang ako.

"Oh sige na. Bago pa umabot sa Mars ang usapan, change topic tayo. Yung masaya naman."

..

Bianca's POV

Nagdidiscuss ngayon ang Prof naming si Miss Lazaro sa harap about SOGIE Bill habang nakatitig lang ako sa kanya pero ang totoo ay lumilipad na ang isip ko.

FLASHBACK

9pm. Last girlscout encampment namin. Senior highschool. Katabi ko ngayon si Yumi sa favorite spot namin kung saan kita lahat ang magandang view at nightlights sa City.

"Saming 4 na girls, sinong pinakafavorite mo?." Tanong ko kay Yumi.

"Si Heart." Which is medyo ikinakulo ng dugo ko.

"Ano?!."

"J-joke lang, to naman. I mean tinatanong pa ba yan?. Syempre ikaw."

"Totoo?." Para kasing binobola lang ako nito.

"Oo. Ikaw naman talaga." Sabay tingin nya sa malayo tila nahihiya pa. Pero nakatitig parin ako sa kanya. Hindi ko nalang mapigilang mapangiti.

SILENCE

"Pag nagkaboyfriend ba ako magiging ganito parin tayo?." Tanong ko sa kanya kaya napalingon sya sakin.

"Depends on your boyfriend." Sagot niya.

"What do you mean?."

"Eh kasi, pano kung gusto nyang lagi kayong magkasama?. Yung as in kayo lang."

"Edi tuparin natin yung kasunduan natin nun na dapat tayo ang pipili ng jojowain ng isa't isa. Kaya if ever ayaw mo sa lalaking yun for me, edi no narin para sakin."

"Pano kung gustong gusto mo siya pero ayoko sa kanya?."

Di ako nakasagot.

EOFB

Girl Space Friend (SEQUEL)Where stories live. Discover now