Heart's POV
7pm. Kumakain na kami ngayon ng dinner. Sinamahan ko na siya rito sa kwarto niya.
"Kailan daw siya babalik?." Tanong ni Yumi.
"Di ko alam eh. Siguro until madischarge si Tita."
"Ahhh." Sabi nya lang tila disappointed.
"Pero don't worry, malamang bukas uuwi yun dito ng maaga para kunin ang gamit niya before sya pumunta ng school." Sabi ko just to cheer her up. Napangiti naman siya. Well, para sakin okay nato. Ang mahalaga naman masaya siya.
"Kamusta na pala ang pakiramdam mo?." Sabi ko pa.
"Medyo okay naman. Thank you ah." She sincerely said.
"Sus, wala yun."
Kriiiiing kriiiiing
Bigla nalang nagliwanag ang mukha niya nang makita kung sinong tumatawag.
"Si Bianca tumatawag." Masayang sabi nito sabay sagot. Nagfocus nalang ako sa pagkain ko, kunwari wala akong naririnig.
8:34pm. After kong maghugas ng mga pinagkainan namin ay bumalik nako sa kwarto namin.
"Sige na B, Heart's here. Bye. L-love you." Sabi ni Yumi sabay baba ng phone niya. Yeah medyo matagal tagal nga silang nag-usap sa phone.
"So, what movie are we watching tonight?." Sabi ni Yumi.
"Pagod na kasi ako eh. Pwede bukas nalang?. Besides, you need to rest para tuluyan ka nang gumaling." Sabay kuha ko ng unan at blanket.
"S-san ka pupunta?. Kasya pa naman tayo dito ah." Sabi ni Yumi. I don't know, maybe with all these crazy feelings I have for her parang medyo awkward na to for me. At ayokong mas lumala pa to so maybe kailangan kong gumawa ng paraan.
"I don't think Bianca would like this." Sabi ko. I mean they're obviously in love with each other, wrong timing lang talaga.
"Bakit?. Wala naman tayong ginagawang masama. Saka--"
"Let's just respect her absence."
"But it's not like I would cheat on her with you. We're not even together in the first place." Sabi ni Yumi.
"Kahit na. Goodnight Yumi." Napakamot nalang ito sa ulo. Bumaba narin ako at humiga na sa sofa.
I sighed deep telling myself, "You did the right thing Heart."
KINABUKASAN
Nagising ako dahil sa amoy na parang may nagluluto sa kusina, at tama nga ako. May nagluluto.
Naabutan ko si Bianca na parang tinulungang magluto si Meng. Iba talaga ang ngiti ni Yumi pagdating kay B. Ganun din si B kay Yumi.
Aalis na sana ako pretending na walang nakita nang biglang mapalingon si Bianca sakin,
"Uy Heart, gising ka na pala. Good morning." Masayang bati ni Bianca sakin.
"M-morning."
"Ba't ka naman sa sofa natulog?. Inaway ka ba nitong buyoy nato?." Sabi ni Bianca.
"Bakit ako?." Sabi ni Yumi tila defensive.
"H-hindi. She didn't do anything. It was my choice to sleep there."
"Bakit?." Takang tanong ni Bianca. Tapos napansin ko,