Yumi's POV
Napatulala lang siya and I looked at her confused. I mean I said it, pinapalaya ko na siya at pwede na silang maging masaya. I'm expecting her to I don't know smile or celebrate I guess but she just sat there and stared at me.
Kitang kita ko sa mga mata niya na para bang may bumabagabag sa kanya. I was going to ask her if she's okay kaso bigla nalang nyang nasabi,
"Leche."
"L-leche?." Takang tanong ko. Mukhang nagulat pa siya dahil sa nasabi niya, tila ba di niya sinasadyang sabihin yun.
"H-huh? A-ano uh, leche. Leche flan for dessert. G-gusto mo kuha kita?." Sabi niya nalang.
Hmm weird. What's up with her?.
"Sige."
"S-sige. Be right back." Sabi niya at pumila na agad sa counter.
Nakapila na si Bianca when her phone suddenly vibrated. Naiwan nya pala ito sa table.
Hindi naman sa pakialamera ako pero baka kasi importante so I opened it. Of course alam ko ang password ng phone niya which is birthday nya lang naman, at medyo di ako natuwa nang makita kong it's from Elmo.
At ang sabi ay:
Nakahanap nako ng part-time job. Yung about naman sa band tonight pwede na daw akong mag-audition. Sasamahan mo naman ako dun diba?.
So based on this text, I'm guessing that this guy chose music over being a lawyer which is wala naman akong nakikitang masama dun, buhay nya naman yun. In fact, I find him too brave to follow his dreams. I wish I had the same guts as Elmo, kaya di nako magtataka kung bakit siya nagustuhan ni Bianca. I mean ano ba namang laban ko dun diba?. Lalaki siya.
Nagulat ako nang biglang nakabalik na pala si B.
"H-here, Elmo texted." Abot ko sa kanya ng phone. Ibinulsa nya lang ito ng walang expression sa mukha pero ngumiti lang pagtingin sakin.
"Sus, later na. Oras natin ngayon. Ayan, kain ka pa." Sabi nya.
I left mga bandang 12:45 after kong ihatid si Bianca sa next class niya.
Umuwi narin ako nang maramdaman kong biglang sumakit ang ulo ko, nararamdaman ko to lately pero sabi ng Doctor normal lang naman daw yun, parang aftershock lang dun sa matagal kong pagkakatulog. Kahit na mahaba haba yung tulog ko ay kailangan ko paring magpahinga dahil narin sa complication na idinulot nito sa katawan ko, pero di naman malala. Mild lang.
6pm.
I'm expecting na di makakarating si Bianca ngayon since sasamahan niya si Elmo dun sa auditions, at tama nga ako. Siya lang ang wala dito.
Nag-uusap ngayon sina Mamitois, Fatima at Ashtine sa sala habang andito naman ako sa pool area, nakatunganga lang.
"Hey." Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Heart lang pala.
"Hey." Sabi ko naman dito. Lumapit siya at umupo sa tabi ko dito sa gilid ng pool.
"Napapadalas ang pag-eemote natin ngayon ah." Sabi niya.
"Emote?. Hindi ah. Ba't naman ako mag-eemote?." lihis ko ng tingin.
"I don't know, maybe you're mad at Bianca or something." Yuko nya sabay basa nya ng paa nya sa pool.
Natahimik nalang ako. I just don't know what to say.
"She cried a lot nung nakatulog ka." Sabi niya, napalingon ako.
"As in everyday namimiss ka niya. One time nga she got really drunk and accidentally said something 'bout you." Sabi nya pa.
"Ano naman yun?."
"I'm not really sure, ang narinig ko lang is that she really wanted to tell you something at ang unfair unfair mo dahil tinulugan mo lang siya.."
..
Bianca's POV
Kumakanta na ngayon si Elmo sa auditions. Andito naman ako nakatayo sa likod ng judges na naghahanap nga ng kapalit dun sa vocalist nilang nalunod.
Binibini
Alam mo ba kung pano nahulog sayo
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sakin
Ang tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba ako
Napapangiti nalang ako sa tuwing napapatingin si Elmo sakin habang kumakanta as if the song is dedicated for me. Parang naiimagine ko na isinasayaw nya nga ako sa gitna ng ulan sa gitna ng kalsada, malapit sa ilalim ng isang street light. Damn, this man is amazing.
FLASHBACK
Habang palabas ako ng campus ay sumabay na naman tong si Elmo.
"Pano ba yan? Liligawan kita sa ayaw at gusto mo." Ngiti niya.
"Ewan ko sayo. Bye!." Sabi ko at nauna nang maglakad. At talaga ngang pinanindigan nya yun, araw araw nya kong niligawan. Naubos nya na ata lahat ng listahan ng cliché surprises and romantic dates, pero naenjoy ko naman yun lahat kahit medyo baduy.
Nasanay narin ako na hatid sundo niya ko sa school.
EOFB
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako
Binibini
Sabi mo noon sakin
Ayaw mo pa
Pero ang yakap ngayo'y kakaiba
Hindi ka ba nalilito
Totoo na bang gusto ako
Wag ng labanan ang puso
Alam kong mahal mo na ko
Kung ganon halika na't wag lumayo
Everything is in slow motion and we're just dancing and laughing kaso nagulat nalang ako dahil pag-ikot ko ay biglang si Yumi na ang kaharap ko. She's smiling while staring intently into my eyes.
Dugdugdugdug
She gently held my hand and started swaying, I did the same. I stood there still confused. I mean imagination ko lang to, ba't siya andito?. Why are we dancing?. Ba't ang lapit lapit ng mga mukha namin sa isa't isa?. What's going on?.
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako oh
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako oh
Biglang huminto ang ulan at nagising narin ako sa realidad nang magpalakpakan sila. Tapos na pala si Elmo. Pumalakpak narin ako. I tried to smile kasi diba sign na yun na may chance siyang matanggap siya pero sa kalooblooban ko sobra nakong naguguluhan na may halong takot.
Ba't naman kasi may ganun?. Bakit may--
"Ay Yumi!--"
Nagulat kasi ako nang biglang may kumalabit sakin.
"E-Elmo, ano baaa?. Wag ka ngang manggugulat." Sabi ko rito sabay hampas sa braso niya.
"Haha kanina pa kitang tinatawag. Mukhang malalim iniisip natin ah?. Anong meron?." Takang tanong niya.
"H-huh?."
"Sabi mo kasi Yumi. May nangyari ba?." Sabi niya tila nag-aalala.
"A-ah wala." Lihis ko ng tingin.
"Eh ba't mo siya iniisip?."
Oo nga naman Bianca, ba't mo siya iniisip?.