Yumi's POV
1 year later. Japan.
Pauwi nako galing school kasama ang pinay friend kong si Jastine. Magkapit-bahay lang kasi kami kaya naging close narin saka magkaklase rin kami. Naglalakad lang kami habang kumakain ng mga binili naming biscuits kanina sa convenience store.
"..sayang naman. Bagay pa naman sana kayo ni Yoshiro. Naku, kung sakin lang talaga nanligaw yun malamang matagal ko na yung sinagot. I mean choosy pa ba girl?. Saka sabi mo you're searching for happiness. Ayan, yung pangalan nya literal na happiness. Yoshiro means happy individual. Ano pa bang happiness yang hinahanap mo?." Sabi ni Jastine.
"I'm not searching." Sabi ko.
"Eh ano?." Takang tano niya.
"I'm already happy."
"You are?."
"I am." I said with a smile.
Medyo nagulat ako nang biglang huminto yung sasakyan na nadaanan namin. Weird, kaya tumuloy nalang kami sa paglalakad kaso,
"Yumi." Napatigil nalang kami sa paglalakad. That voice. Hindi ako pwedeng magkamali. Napalingon ako nagulat nang makita si Bianca. S-she's here. She's really here.
"Ikaw ba talaga yan?. Gosh, we've been looking all over--" Takbo nito palapit samin.
"W-we?."
"Right. Girl, wag ka nang mag-inarte dyan." Harap ni Bianca sa sasakyan at unti unti, bumukas ang pinto.
Heart. My dear dear Heart. She still looks good as ever. Para akong maiiyak na ewan. Sobra ko siyang namiss. Ilang hakbang nya palang tumakbo nako palapit sa kanya to hug her tight. I swear this time di ko na siya pakakawalan. And she hugged me back tighter.
..
Bianca's POV
She makes her happy, so I brought them back together even though part of it still breaks me.
FLASHBACK
Nakaalis na ng bansa sina Yumi kasama ang Mommy at Ate niya.
Iyak lang ako nang iyak dito sa apartment ni Mamitois. Ayoko munang umuwi. Ayokong makita nila na ganito ang kalagayan ko. Kanina pang tumatawag at nagtetext si Elmo pero ayoko muna syang kausapin ngayon kaya pinatay ko nalang muna ang phone ko.
"..alam mo ba, huling sinabi nya sakin before I left for school that morning na mahal niya si Heart. Alam mo ba kung gaano kasakit yun Mamitois. Alam mo yung ikaw yung andito pero iba naman yung mahal niya." Sabi ko.
"That's exactly how she felt every time you're with Elmo. Medyo marami-rami rin syang nakwento sakin nun. Paulit ulit na nga daw yung sakit hanggang sa namanhid na siya. But then Heart came and made Yumi feel that she's alive without hurting her. Finally, she became happy. She is happy, but she didn't realize that soon because she thought that happiness is a destination. Na mararating nya lang yun pag pinili mo na siya. She never thought that it's a moment and that's how she mistook her love for Heart as friendship, she convinced herself that only you can make her happy so she ignore all those other moments that made her happy kasi nga, you're that ultimate goal. You're her ultimate happiness. But later on she realized that she was wrong, and that's when she finally decided to break your heart." Sabi ni Mamitois.
"She thought I don't have one."
..
3 days later nakipagkita ako kay Elmo sa isang coffee shop. I'm finally breaking up with him.
"..is it Yumi?."
Tumango nalang ako.
"How about your parents?. Kailan mo sasabihin sa kanila?." Tanong pa niya.
That night sinabi ko na agad sa parents ko, at simula din ng gabing yun di na nila ako kinausap. Hindi naging madali ang mga bagay bagay.
Ilang beses kong sinubukang kontactin sina Yumi kasi miss na miss ko na siya kaso nagpalit na ata ng number. Kaya nagfocus nalang muna ako sa pag-aaral ko.
9 months later. Dinalaw ako ni Heart sa campus. Medyo okay naman na kami. Wala ng samaan ng loob. Anong magagawa ko? Siya pinili eh. Basta ako, support nalang sa kung saan masaya si Yumi. Maliban nalang kung illegal.
"In 3 months pupunta kami ng Japan because of Dad's work. Kailangan namin ng plus 1 baka pwede kang--"
"Sige." Baka sakaling makita ko na ulit si Yumi. Miss na miss ko na yun eh.
So pumunta nga kami. Mabuti nalang sembreak namin.
EOFB
At eto na nga, nakita ko narin siya sa wakas. Gusto ko syang halikan at yakapin. But of course, I know I can no longer do that.
Andyan na si Heart eh. Sometimes, our job is to love that person so they could be better in loving someone else. I've been selfish for so long that it became the actual reason why I lost Yumi. But maybe things like that are just meant to happen, maybe breaking my heart is Yumi's first step to forever.
Akala ko dati kwento namin to so I pushed Heart away from Yumi because I thought ganun dapat ipaglaban ang pagmamahal mo sa isang tao but I realized, pano kung nauna lang akong dumating pero sila talaga?.
I tried to stop my tears from falling, but it's not because I'm sad but because I'm happy that both of my friends are happy. They deserve to be.
The moment I stopped being selfish was the first time I actually learn to love. Sabi kasi nila selfish people are not capable of loving. People use self love as an excuse for this. But actually, self love is not ME ME ME but ME TOO.
For a moment napalingon si Yumi sakin at kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kaganda. She mouthed, "Thank you." With a smile.
I smiled back and said,
"You're welcome best friend."