Bianca's POV
Lunch break. Kasama ko ngayon kumain sa labas sina Ashtine at Fatima.
"Eh san ba si Heart?. Ba't di nyo kasama?." Takang tanong ko.
"Yun na nga ipinagtataka namin eh. Di siya pumasok today kung kailan first day ng exams namin. Tapos ang sabi ng isang professor namin she took the test ahead of time. I mean for what reason naman diba?." Paliwanag ni Fatima. Hmm kaya siguro parang palagi siyang puyat.
"Well, napapansin ko nga that she's been acting weird lately." Sabi ko.
"Look who's talking. Kaw nga tong weird eh. Anong trip mo kagabi girl?. Para bang biglang ayaw mo na kaming kabonding." Sabi ni Fatima.
"I agree. And please, wag mo nang irason na dahil busy ka sa pakikipag-usap kay Elmo kasi we're all used to that excuse." Sabi ni Ashtine.
"Ay alam ko na to, nag-away na naman kayo ni Yumi no?." Sabi ni Fatima.
She's right, kahit noon palang madalas na talaga kaming magtalo ni Yumi. Kahit sa maliit na bagay.
"Hmm di makasagot, guilty." Sabi ni Fatima.
"Hoy grabeeee. Pero di ko naman kasalanan no." Sabi ko.
"Ah so kasalanan niya?. Ano ba kasi yang ginawa niya na di mo ikinatuwa?." Sabi ni Ashtine.
"Eh ang land--wala. Oo, tama kayo kasalanan ko." Haaaayst pano ba to?.
"Ay? Ano yun? Haha biglang umamin. Pero maiba lang tayo, musta na kayo ni Elmo?." Sabi ni Fatima.
"Fine."
"Fine? Yun na yun?." Sabi ni Fatima tila nabitin.
"I mean di na nga kasi kami madalas magkita ngayon dahil nagquit na siya sa lawschool. At dahil pinalayas siya sa kanila kinailangan nyang magtrabaho to support himself. Kaya ngayon text text nalang kami o di kaya tawag."
"Pero wait, sinagot mo na ba siya?." Tanong ni Ashtine.
"Well, about that pinag-iisipan ko pa."
"Pumayag ba si Yumi?." Tanong ni Ashtine. Haaaayst Yumi.
"Y-yeah."
"Ayun naman pala eh, akala ko ba yun nalang hinihintay mo?." Sabi pa ni Fatima.
"Akala ko din." Kaso si Yumi kasi eh tsk. Ano ba yan? Bakit ba kasi ako naguguluhan? Saka di ba wala na--no, hindi pwede.
"Hala, di ba si Heart yun?." Turo ni Ashtine sa labas, nagpark kasi ito ng sasakyan at bumaba na kaya nakita namin siya. Nagulat kaming lahat nang makita siya with Yumi. Uhm what's going on? Why are they together?.
Pero nang makita kami ni Heart ay parang pinigilan nya lang pumasok si Yumi at umalis nalang sila. Weird and suspicious.
..
Elmo's POV
Mabuti nalang at may alam ako sa pagmemekaniko ng sasakyan kaya agad akong natanggap dito sa talyer.
I miss Bianca. I know busy siya ngayon kaya di ko nalang muna siya dinistorbo.
Nag-aayos parin ako ng sasakyan nang biglang lumakit sakin ang boss kong si Miss Kate. She's probably in her early 20s. Maala model nga eh ang sexy sexy, pero syempre si Bianca parin. Simula nung makilala ko siya pinilit ko nang wag lumingon sa iba.
"Flores, lunch break na. Sumabay ka na samin dun." Sabi ni Miss Kate.
"Sige po, una na po kayo Ma'am sunod nalang ako. Tapusin ko lang to." Sabi ko.
"Sige." Sabi nito at pumasok na sa loob. Tinapos ko na agad ang ginagawa ko, gutom narin ako eh.
..
Yumi's POV
Pumunta kami sa same restaurant pero ibang branch.
"Okay lang naman dun sa kabila ah, saka mukha namang maluwag pa." Sabi ko.
"E-eh ano kasi--nakita ko yung ex ko with his new girlfriend."
Kaya naman pala.
"So, let's order na?. What do you want?." Sabi ni Heart. Buti pa siya tinatanong kung anong gusto ko, kung san ko gustong pumunta. Si Bianca ewan ko nalang talaga.
FF
Kumakain na kami ngayon ni Heart. Grabe, nagutom ako sa kakaikot kanina sa mall. Tinulungan ko kasi syang pumili ng mga susuotin nya for her Tita's engagement party tomorrow and wedding soon.
Awkward silence.
"Uhm uh--kinakamusta ka pala sakin ni Arki." Sabi ni Heart.
"Oo nga pala, how is he?."
"He's fine. Actually he asked me recently kung may kilala ba kong pwedeng makatulong kay Elmo na makakuha ng trabaho. So ayun, I suggested my cousin Ate Kate."
"M-magkakilala si Elmo at Arki?."
"Yeah. They're cousins." Hmm so I'm guessing na si Arki ang nag-introduce sa dalawa. Arki naman eh. Whyyyy?.
"Speaking of Arki, why did you reject him pala?. I mean he's cute, smart, family oriented--"
"And insane tsk." Dugtong ko. Now it's all coming back to me.
"Oh."
"No offense lang ah, pero di ko talaga sya type. You know, you can't fake chemistry." Sabi ko.
"Eh ano ba kasing type mo?." Seryoso nyang tanong sakin.
Someone like Bianca. No, scratch that. Si Bianca mismo. Kaso may Elmo na.
"Basta." Sabi ko nalang.
"W-what if for example a friend suddenly confessed that they have feelings for you?. How would you feel?."
"I-I don't know, flattered I guess."
"But what if that friend's a girl?."
"What?."
"I-I mean Yumi, have you ever uhm considered being with a girl? Liking a girl, fantasizing her. Y-you know what, nevermind. It's not that important anyways."
"Are you okay?." Nag-aalala kong tanong dito. She looks so bothered and frustrated kasi.
..
Heart's POV
Well, obviously I'm not.
I look chill in the outside but in the inside I'm actually freaking out. I mean I knew it all along that there's something going on, that she might had these crazy feelings for Bianca.
Don't get me wrong, I didn't ask her those questions because I like her or something. It's just that I saw something months ago that I'm not supposed to see. And I want to confront her about it, although I'm straight that scene kept hunting me in my dreams for months.
And I want to know the truth. The whole truth.