Chapter 22

1.2K 84 14
                                    

Bianca's POV

Lunch break. 

Kasama ko na naman ngayon sina Ashtine, Fatima and Elmo.

"Are you okay?." tanong ni Elmo tila nag-aalala.

"Y-yeah." Pero ang totoo binabagabag ako ng idea na magkasama si Yumi at Heart ngayon na sila lang. Bianca, wala lang yan. Kalma okay?. 

Pumasok na naman yung girl na nakita ko kahapon na mukhang model and this time may mga kasama na siya, sobrang gaganda rin. At mukhang nakuha rin nila ang mga tingin ng mga tao, maliban nalang dito sa dalawa kong kaibigan na nakafocus naman dun sa gwapong waiter haaayst.

..

Yumi's POV

Di to first time na nagkaroon kami ni Heart ng ganitong moments, at lahat ng yun isinamwalambahala ko lang but this one, it's different from the previous ones. 

This one is deeper and terrifying because I can't ignore it.

Nakarating narin kami sa wakas sa wedding venue. It's a church wedding, kaso ang naabutan lang namin is the you may now kiss the bride part. Heart is just looking at them dreamily while I stood here staring at Heart. Bakit? Hindi ko rin alam.

Siguro naman nagagandahan lang ako sa kanya. I mean sino ba namang hindi?. She's beautiful inside and out, pero Bianca parin. 

"Tara balik nalang muna tayo sa kotse." Sabi ni Heart sabay hawak sa kamay ko. Kalma lang Yumi, wala lang yan.

..

Elmo's POV

4PM. Cofee break.

Andito ngayon ako sa isang table alone dahil may naisip nakong concept for the song. I'm happy dahil finally meron na but sad at the same time because the lyrics may sound funny but heartbreaking in a deeper level.

Unti-unti na akong nagdududa sayo, 

'Pag may maganda sabay kislap din ng mga mata mo.

Gusto mo pang hawak-hawak ang kamay niya,

At tingnan kung natutulog na siya.


Ano bang nangyari? 

Umalis at iba na'ng nagmay-ari ng puso mo. 

Bakit hindi na ako?.

Ano bang nangyari?

Bumalik na mayroon nang kahati.

Bakit hindi lang ako?. 

Ano ang totoo?.


Hindi naman ako manhid o tanga para di makita yun. Minsan naiisip ko na baka di ako yung Prinsipe sa love story ng buhay ni Bianca. What if ako yung kontrabida; ang dahilan kung bakit di sila happy ending?.

Pero baka paranoid lang ako. There's no way Bianca's gay.

..

Ashtine's POV

Kakatapos lang namin magpasa ng requirements ni Fatima para makapag enroll na kami for the next semester. Pumunta na kami agad sa dorm para magbihis at magpahinga.

"Girl, I swear may something talaga sila. Ipupusta ko atay ko. Di talaga ako naniniwala na wala." Sabi ni Fatima.

"Si Yumi at Bianca?. Girl, mas feel ko na mas may something si Yumi at Heart."

"Sira. Si Heart?. Parang di naman."

"Girl, bulag ka ba? Parang may tension kaya pag yung dalawa magkasama."

"Girl, di ako bulag. Saka sige nga, pano mo maipapaliwanag yung every once in a while na pagseselos ni Bianca?." Pilit pa ni Fatima.

"Normal lang naman magselos pag nagiging close yung best friend mo sa iba. Ganun din kaya ako, pero di ibig sabihin in love ako sa taong yun. No way. Saka dun palang sa pag-aadvance take ni Heart ng exams para makasama si Yumi medyo nakakaduda na, like literal na sila lang dalawa. Besides, may Elmo na si Bianca." Sabi ko.

"Porket may boyfriend di na posibleng magkasomething sa iba?."

"Porket nagseselos may something na?. Fat, sinasabi ko sayo si Heart talaga." Sabi ko.

"Sige, para malinaw si Yumi na mismo tanungin natin."

..

Yumi's POV

Gulong gulo parin ako. Ano ba talaga to?. 

Papunta na kami ngayon sa venue ng reception.

Heart is driving.

Kriiing kriiing

Si Fatima tumatawag. Hmm. 

Hello Fat.

Yumi, umamin ka nga. Sino ba talagang gusto mo? Si Bianca o si Heart?. 

Ashtine?. Ikaw ba to?.

Pwede sagutin mo nalang ang tanong?. 

Napalingon ako saglit kay Heart na napatingin din sakin.

B-bakit?. 

Sino? Si Bianca o si Heart?!.

S-si--

Nagulat nalang ako nang biglang hablutin ni Heart ang phone at pinatay ito.

"Hayaan mo silang mabaliw sa kakaisip." She said with that smile again sabay sauli sakin ng phone ko. O-okay?.

Oo na Heart, maganda ka na.

Pagdating sa venue.

Binati namin agad ang groom at bride at nang uupo na kami sa table namin ay may biglang lumapit na lalaki.

"Hi couz. Oooh who's this pretty lady right here?." Sabi nung guy habang nakatitig sakin.

"Yumi, this is my annoying cousin Harry. Harry, this is Yumi my girlfriend. So, whatever you're thinking right now, stop it. It's not gonna happen.

"Sure. As if I'm buying the excuse that you're gay." sabi lang ni Harry sabay upo sa tabi ko. Napairap nalang si Heart.

"So, Yumi--do you drink?." Sabi pa nito.

"D-di na masyado." Sabi ko.

"Sorry but she's not allowed to drink with jerks like you." Sabat ni Heart.

"Ang harsh mo naman sakin my dear cousin. I'm just trying to--"

"Aalis ka ba or I'll call Tita Vero?." Banta ni Heart.

"Eto na eto na, aalis na. Damot." Sabi nalang ni Harry sabay layo na samin.

"You don't seem to get along." Sabi ko.

"Simply because he's a jerk. Naku, ngayon palang sinasabi ko sayo na wag kang magpapabudol sa lalaking yun. Binuntis nya 3 of his girlfriends at ni isa sa kanila wala syang pinanagutan. Alam mo kung anong mas nakakainis? He even asked them to get abortion tsk."

"Well, he really is a jerk. Thank you for the warning. Cute pa naman sya."

"Tsk cute ba yung mukhang hybrid ng lizard at paniki?." Biro niya. But instead of laughing so hard, I just sat there appreciating her whole being.

Oo nga naman Yumi, bakit di nalang si Heart?. Kaso confused din si Heart eh, parang nagugustuhan nya na si Fatima. Masyado ka na atang nahihilig sa hindi ka kayang mahalin pabalik.

Girl Space Friend (SEQUEL)Where stories live. Discover now