Heart's POV
Humiga nalang muna ako sa bed dito sa room ni Yumi habang nasa labas pa sila. Mamaya nalang ako lilipat sa baba.
Heart come on, smile. Be happy. Be happy for her, for them.
I forced myself to smile kahit nangingilid na ang luha ko at naninikip narin ang dibdib ko. I looked at my phone gallery at majority sa nakasave na pictures and videos dun samin ni Yumi sa tuwing lumalabas kami, and some of them stolen pa.
Sabing bawal mafall eh. Heart naman. May Bianca na yun.
..
Bianca's POV
Andito na kami sa unit nina Cassie at Alex.
"Wait lang ah, kunin ko lang." Sabi ni Alex sabay pasok sa bedroom nila.
"Are you sure about this?. Alam mo, dapat sakin ka nalang lumapit--"
"Hindi na. Dami ko na kayang utang sa mommy mo. Sobra sobra na nga tong pagpapatira nyo sakin sa inyo eh." Sabi ko.
"Sus, wala namang kaso yun. Si Heart kaya kumain na?. Haaays." Sabi ni Yumi tila nag-aalala. Hmm what's going on?.
"Dalhan nalang natin siya ng food."
"Kaso anong oras pa tayong makakauwi, traffic pa. Padeliver nalang siguro ako ng food for her sa bahay." Sabi niya sabay kuha ng phone. Okay, Bianca chill. Wala lang yan. She's just worried, AS A FRIEND.
"O-okay hehe." Sabi ko nalang. Pero akala ko hanggang dun lang yun kaso hanggang sa pauwi na kami,
"As in literal na muntik siyang matae sa shorts niya hahaha. Sabi ko, 'Heart magbaon ka nalang kaya lagi ng adult diaper?'. Saka muntik pa kaming mahuli nun because of over speeding kasi nagmamadali kaming umuwi dahil lalabas na raw hahaha." I know I should be laughing pero sa puntong to di nako natutuwa. Si Heart na yung bukambibig niya.
"Mukhang masaya syang kasama ah." I sarcastically said.
"Hay naku B, hindi lang masaya. Sobrang saya. Saka girl wag ka, masarap din sya magluto."
"Ganun?. Hmm maganda, matalino, mabait, maalaga, nakakatawa, masayang kasama at higit sa lahat masarap magluto, just like your mom. Ganun siguro type mo no. Alam mo, ba't di mo nalang kaya jowain si Heart?. Tutal mukhang mas bagay kayo tsk." Focus ko nalang sa daan.
"G-galit ka ba?."
"Hindi! Pucha, ansaya ko!. Bwisit!." at di ko na nga siya ulit kinausap kahit ilang beses nya nakong kinukulit.
10PM.
Pagdating sa bahay,
"Bianca, sorry na. Ano bang ginawa ko?. Pansinin mo naman ako oh. B, Bianca--"
Paakyat nako ng hagdan nang pigilan ko siyang sumunod sakin.
"Dyan ka lang." Sabi ko.
"H-huh? Eh san ako matutulog?."
"Ayan, dyan ka." Turo ko.
"Sa sofa?." kamot nito sa ulo.
"Ayaw mo?. Edi sige, sa labas ako matutulog--" Sabi ko pero pinigilan nya ko.
"O-oo na, sige na. Dito nako."
"Madali ka lang naman palang kausap." Sabi ko at umakyat na sa kwarto. Naabutan ko si Heart na tulog. Tatabi lang yun kay Heart eh tsk.
KINABUKASAN
Breakfast.
Kumakain kami ngayong tatlo. Tahimik parin hanggang sa nagsalita nako.
"San pala lakad mo ngayon Heart?. Maaga ka ata."
Si Yumi naman nakayuko parin.
"My mom asked me lang to check kung wala bang nakalimutan sa invitations for my Tita's wedding tomorrow. Yumi, punta ka ah." Sabi ni Heart.
Napatingin naman si Yumi sakin tila takot bago tumingin kay Heart.
"S-sige." Kabadong sagot nito.
"Ba't kasama si Yumi?." Seryoso kong tanong.
"Medyo malayo kasi yung venue lalo na yung reception area kaya kailangan ko ng kasama papunta dun hanggang sa pag-uwi." Sagot ni Heart.
"Okay. Yumi can go but you must first promise me na walang iinom."
"Promise." Sagot ni Heart. Okay, I trust Heart naman kasi I know she's straight. Itong si Imuy lang talaga tsk.
Kaya ko ba talagang hayaan silang magkasama out of town without me?.
FLASHBACK
"San ka galing?. Sinong kasama mo?." Sabi ko. Tiningnan nya lang ako ng walang expression at diretso lang na pumasok.
"Yumi, kinakausap pa kita--" Sabi ko pa.
"Anong paki mo?. Ano ba kita?." Natahimik nalang ako. Umakyat na rin siya sa kwarto.
EOFB
A quick reminder Bianca. Hindi kayo kaya wala kang karapatang diktahan siya. She can do kahit anong gustuhin niya kasi nga hindi naman kayo.
Saka baka nakakalimutan mo, may boyfriend ka. Speaking of, he's calling.
"Excuse me." Tayo ko at lumayo muna sa dalawa.
..
Yumi's POV
"Is she okay?." Nag-aalalang tanong ni Heart.
"Di ko alam. Kagabi pa yan, parang sinapian na ewan."
"So, san kayo pumunta last night?."
"Kina Alex. Humiram sya ng pera for Tita D's hospital bills. Saka good news naman kasi bukas makakalabas narin siya."
"Good to hear that. Sana pala dumalaw rin tayo." Sabi ni Heart.
"Oo nga eh."
"Bakit nga daw pala biglang inatake si Tita?. Eh di nya naman nakakaligtaan yung maintenance niya."
"May nakasagutan daw na kapitbahay eh. Ay basta ang mahalaga okay na siya." Sabi ko.
8:30am.
Umalis na rin si Heart. So eto ako sa bahay mag-isa. Iniisip ko parin kung bakit ganun si Bianca, at ngayon ko pa nga narealize that it's actually because I kept talking about Heart last night. Nakalimutan kong selosa nga pala ang lola nyo.
Napangiti nalang ako. Yun lang pala, akala ko naman kung ano haaays Bianca talaga. Ayaw pa kasing aminin eh.
..
Bianca's POV
Lunch. Wala parin ako sa sarili.
FLASHBACK
Sa hospital. Tulog ngayon si Mommy.
9pm.
"..pano po ba kasi umabot sa ganito Dad?."
"Eh sabihin ba naman ng Mosang na yun na tibo ka. Puro nalang talaga kasinungalingan ang sinasabi ng babaeng yun. Sinabi daw nung anak nyang si Joanna na nakita nya daw kayong naghahalikan ni Yumi nung farewell party nyo tsk. Syempre nagalit yung mommy mo. Kahit din naman ako, baka kung ano pa nagawa ko sa babaeng yun. Saka di naman totoo anak diba?." Sabi ni Daddy.
"S-syempre po Dad. Walang katotohanan lahat ng yun. Magkaibigan lang po talaga kami ni Yumi. Nothing more, nothing less." Sabi ko.
EOFB
Kumakain kami ngayon nina Ashtine at Fatima nang may biglang nagtakip sa mga mata ko mula sa likod.
"Guess who?." Hindi ako pwedeng magkamali, yung boses na yun.