Bianca's POV
Andito nako sa klase pero di parin ako makapagfocus.
Well, who am I kidding?. Tsk. I mean here we go again, back to the confused stage.
FLASHBACK
After our highschool graduation ay nagpa-farewell party kami. At ayun nga we celebrated it in a resort kasama ng buong section. Roommates ko sa hotel si Fatima, Heart, Ashtine at Yumi. Tulog na sila dahil sa kalasingan pero mga bandang 11pm ginising ako ni Yumi para magpasama sa cr. Lasing parin siya nun.
After nun ay sabi nya gusto nya lang magpahangin so sinamahan ko siyang tumambay muna sa dalampasigan.
Nakapatong lang ang ulo niya sa balikat ko habang nagkukwento siya ng kung ano ano dahil sa kalasingan,
"..tapos ala na, dead na yung baby turtle. Sabi ni Mommy bili nalang daw kami ng bago, pero sabi ko ayoko ng bago." sabi nya na parang bata.
"Eh ano bang gusto mo?." Tanong ko. Napatingin sya sakin intently,
"Ikaw."
"Sira haha. Kaw talaga, puro ka kalokohan." Sabi ko pero nagulat nalang ako nang bigla nya kong halikan at tuluyan nang nawalan ng malay kaya pinroblema ko na naman kung pano siya buhatin pabalik sa room namin.
I didn't mind it naman since alam ko sa sarili ko na straight ako pero lumipas ang ilang araw at paulit ulit ko na yung napapanaginipan kaya nabother nako. Kaya isang gabi sa bahay nina Yumi,
"..oo nga pala Yumi. Something happened, I know you don't remember pero--" Sabi ko pero di ko napansin na nakatulog na pala sa tabi ko si Yumi.
Andaldal ko kasi, sana sinabi ko na yun agad kanina nung gising pa siya haaays.
Sabi ko sa sarili ko bukas na nga lang, kaso di na siya nagising kinabukasan at yun na nga ang simula ng sleeping episode niya na tumagal nga ng ilang buwan.
Masaya naman ako dahil nawala rin yung confusion na yun when I met Elmo. Saka mabuti narin yun kasi baka marisk pa friendship namin ni Meng pag nagkataong natuluyan ako, at ang pagkakaalam ko straight si Meng kaya di ko nalang talaga pinush.
Tapos ngayon bumalik na naman ako sa simula, leche.
"L-leche?." Takang tanong ni Yumi. Uhm did I seriously just said that out loud?.
"H-huh? A-ano uh, leche. Leche flan for dessert. G-gusto mo kuha kita?." Sabi ko nalang.
She looked at me a lil' confused about my behavior,
"Sige."
"S-sige. Be right back." Sabi ko at pumila na agad sa counter.
..
After church service ay nakasalubong namin sa labas ang kumare ni Mommy na lumipat na ng states pero umuwi sila ngayon ng asawa at mga anak niya dahil nga namatay ang tatay niya.
"Mare long time no see, si paupau na ba to? Abay dalaga na pala. I'm sure may boyfriend na to. Kaganda gandang bata." Sabi ni Tita Josie. Siya lang mag-isa. Parang napadaan lang kasi siya pero tumirik yung sasakyan nya kaya tinulungan muna siya ni Daddy.
"May nanliligaw na nga eh." Sabi ni Mommy.
"Ganun baga?. Naku iha, wag munang magpapabuntis ng maaga ah. Sayang mare no?, di na nasundan. Marami ka na rin sanang apo sa future." Sabi ni Tita Josie. Nag-iisang anak lang kasi ako, kaya kung magkakaanak man ako sa future Yun lang din magiging apo nina mommy para ipagpatuloy ang bloodline.
"Oo nga eh. Pero kaya naman siguro nito na bigyan ako ng maraming apo, diba nak?." Sabay tawanan pa sila.
Napakamot nalang ako sa ulo.
EOFB
Napailing nalang ako.
Sinundo ako ni Mamitois mga bandang 5:30pm. Kasama namin si Ashtine at Fatima. Tahimik lang ako buong biyahe. Nagpahatid nalang yung dalawa pauwi kasi may kailangan pa raw silang gawin kaya kami nalang ni Mamitois ang pupunta sa bahay nina Yumi.
Pagkarating na pagkarating namin sa bahay, yung dalawa na busy sa paglalaro ng mobile game ang bumungad samin and they look like they're having fun. Di nga nila agad napansin na andito na kami.
"G-guys you're here." Sabi ni Heart tila kabado.
"Hmm kanina ka pa dito girl?." Takang tanong ni Mamitois.
Nagkatinginan saglit si Heart at Yumi kaya nag-eexpect nako na puro kasinungalingan ang sasabihin nila after that.
"N-no. Kakarating ko lang rin, siguro mga 15 minutes na." Sabi ni Heart. I just looked at them suspiciously.
"What's that on your neck?." Sabi ko.
"H-huh?." Sabi ni Heart.
"I'm kidding. Yumi, nagluto ka ba?." Wala sa mood kong sabi.
"H-hindi pa." Sagot ni Yumi.
"Oh, edi magluto ka na. Jusko, buong araw puro landi inaatupag." Sabi ko at umakyat sa kwarto namin.
..
Yumi's POV
"Pagpasensyahan nyo na, stressed lang siguro sa school." Sabi ni Mamitois.
Hmm Yun ba talaga?. Pumunta nako sa kusina para magluto gaya ng demand ni Señorita Bianca tsk.
7:15 handa na ang food. Tahimik lang kaming apat na kumakain ngayon. Katabi ko si Heart, nakaupo naman sa tapat ko si Bianca.
"After this pala guys swimming tayo. Ano? Game?." Sabi ko. Nag-agree naman sina Heart at Mamitois.
"Bianca--" Sabi ko.
"Pass." Sabi lang nito at hindi man lang tumingin sakin. I swear galit to sakin, pero ano namang ginawa ko?. Minsan nakakapagod narin, parang di naman ata mabuti na magmatigas din ako sa tuwing ginaganito nya ko.
Kriiiiing kriiiiing
Her phone is ringing.
"Excuse me." Tayo niya at lumayo muna samin. Malamang si Elmo yun.
8pm. Nagswimming na kami.
..
Bianca's POV
Pinapanood ko sila dito sa terrace sa taas. I grabbed 2 bottles of wine. Pampatulog lang. Pinanood ko lang sila habang naghaharutan sa baba sabay inom. Mukhang makakarami ako ngayon ah.
Bianca, ano ba? Kung ano man yan, pigilan mo. Di pwede. Saka may Elmo pa, remember?. Well, speaking of Elmo kinuha ko ang phone ko and dialled his number. Nagpick up naman agad.
Hello Bianca.