Fatima's POV
Bumalik na si Mamitois.
"Oh? Anyare?. Ba't ganyan mga itsura nyo?." Sabi nito tila nagtataka.
"Matagal na kaming maganda." Sabi ko para pagaanin ang situation. Bianca is obviously in denial sa feelings niya for Yumi. Ayaw lang namin siyang mahirapan o di kaya pagsisihan nya na mas pinili niyang pigilan ang sarili nyang magmahal.
Masaya ako na sinagot niya si Elmo dahil matagal tagal narin naming hinihintay na mangyari yun pero ngayon medyo di na kami natutuwa.
"Yung totoo, may problema ba?." Tanong ni Mamitois.
"Wala." Sabi ko.
"Luh, san na yung lovebirds?." Tanong pa nito.
"Ayun, umalis. Di namin alam kung san nagpunta." Sabi ni Ashtine.
"Ikaw kasi, ba't sinabi mo pa?." Sabi ko kay Ashtine.
"Sinabi ang alin?." Takang tanong ni Mamitois.
"Eh ikaw nga, kitang kita mo na ngang di natutuwa yung tao tinanong mo pa kung galit ba siya. Malamang lalong nagalit yun." Sabi naman ni Ashtine sakin.
"T-teka lang ah, a-anong nangyayari dito?.Anong pinag-uusapan nyo? Sinong galit?." Tanong ni Mamitois.
"Wala." Sabay naming sagot ni Ashtine tsk. Napakamot nalang sa ulo si Mamitois.
..
Yumi's POV
Naglalaro kami ngayon ng chess, at kapag natalo kami sa bawat wrong move ay sinusulatan namin ang mukha ng isa't isa ng lipstick at kung ano pang make up, natatawa nalang kami sa mga itsura namin.
"Checkmate." Masayang sabi ni Heart sabay kuha na ng liquid eyeliner para babuyin ang pagmumukha pero bahagya akong lumayo sa kanya.
"Ay wala, yoko na. Alam mo madaya ka."
"Hindi kaya. Fair ako maglaro, ikaw ang madaya. Halika na."
"Habulin mo muna ko." Asar ko sa kanya.
"Yumi, isa--"
Kaya umabot na nga ito sa habulan hanggang sa di ko napansing may damit palang nahulog sa sahig at nadulas ako. I fell on my back and Heart ended up falling on top of me. Let's talk about awkward. I saw her stare down at my lips for a few seconds before she decided na tumayo. She offered her hand naman para tulungan akong bumangon.
I stood there a little confused, like what the heck is that. Napailing nalang ako, weird.
"S-sorry." Tila nahihiyang sabi ni Heart.
"Food is here!." Sigaw ni Fatima kaya bumaba na nga kami at naghilamos.
FF
Kumakain na kami ngayon at katabi ko parin si Heart. Kukuha na sana ako ng kanin when my hand brushed with Heart's hand, that somehow made the atmosphere more awkward between us habang busy naman ang iba sa pagkukwentuhan about dun sa isang funny na movie na napanood nila.
Napatingin kami ni Heart saglit sa isa't isa,
"I-ikaw muna." I awkwardly said.
"No, you go first." Sabi naman nito.
"Ikaw na."
"No, ikaw nga muna." Pilit pa ni Heart kaya kinuha ko ang sandok at sinandukan siya ng kanin.
"Y-you don't have to--"
"Too late."
"T-thanks." Sabi lang nito at kumuha narin ng ulam. At ayun kumain na muna kami.
..
Bianca's POV
Andito kami ngayon ni Elmo sa club with his friends. Kumakain ako habang busy siya sa pakikipag-usap sa mga kasamahan niya sa banda na kasama din ang girlfriends nila.
"Babe--" Offer ni Elmo ng isang shot ng tequila hanggang si di ko na namalayang sunod sunod na.
KINABUKASAN
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Pano ako nakauwi kagabi?. Wala akong maalala. Napalingon ako and saw Yumi sleeping peacefully beside me. Pangiti nako when I stopped myself. Bianca, you can't. May boyfriend ka remember?. Siya lang dapat ang pwedeng magpasaya sayo, siya lang dapat ang mahal mo.
Nang walang ano ano'y naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Yumi. Haaaays. Kaya ko ba talaga?.
9am. Chinecheck ko ngayon ang notes ko to review lang as preparation para sa oral recitation namin for today since law professors don't usually lecture, well some of them.
I took the time since kausap pa ni Sir/Atty. Fernandez si Mrs./Atty. Dela Fuente ngayon about sa nababalitang kaso ngayon about this 12 year old rapist. By law, children under the age of 15 should not be detained for anything but the gravest crimes. Pero mabalik lang tayo sa nirereview ko,
Constitutional law is a set of rules, doctrines, and practices that govern the operation of political communities.
There's also Modern constitutional law which is the offspring of nationalism (a way of thinking that says that some groups of humans, such as ethnic groups, should be free to rule themselves.) as well as of the idea that the state must protect certain fundamental rights of the individual.
Lunch break. Kasama ko sina Fatima at Ashtine na kumain pero kausap ko si Elmo sa phone.
Wala parin ba?. Sabi ko.
Inspiration lang siguro kulang babe. At yan lang sana ang gusto kong ipaalam sayo.
What do you mean?.
For the first time makakasama nako sa tour ng banda, sa mga gigs. Pero syempre yung dating mga kanta muna nila ang kakantahin namin, malay natin diba baka along the way baka makita ko na yung storyang hinahanap ko.
A-aalis ka?.
P-pero babalik naman ako. Promise babe, saglit lang yun di mo mapapansin.
Okay.
Wag nang malungkot please, promise pagbalik ko babawi ako. Ano bang gusto mong pasalubong?.
Basta bumalik ka ng buo okay na sakin yun.
Awe sweet naman ng babe ko.
Kailan ba alis nyo?.
Sa makalawa na.
Universe, ano ba tong ginagawa mo sakin? Sa ginagawa mo lalo mo lang akong inilalapit kay Yumi. Pero kung pagsubok to edi sige. Patutunayan ko na kaya kong panagutan ang pagiging loyal sa boyfriend ko.
5:30 pm. Pagkauwi ko sa bahay, ba't ang ganda nya? Bihis na bihis. San na naman kaya lakad ng babaeng to?.
Di nga pala sumama sina Mamitois dahil may importante daw silang gagawin ngayon.
"Yumi--" Lapit ko rito pero biglang may nagbusina sa labas na sasakyan.
"Coming!." Sabi lang ni Meng sabay takbo palabas. Hmm may date agad?. Then fine. Kala mo naman kung sinong kawalan. Tsk Bianca, wag ka ngang magpaapekto. May boyfriend ka na. Kailangan mo ba ng reminder every minute para maalala yun?. Haaaays.
Lumapit ako sa may pinto para tingnan kung sino ang kasama niya, hmm si Charlize. Safe. Sana lang.