Heart's POV
"H-Heart." Sabi niya sabay yakap sakin ng sobrang higpit na parang maiiyak na sa tuwa.
Sht. Ba't ba ang liit liit ng mundo?. By the way nagpaputol ako ng buhok kahapon. Wala lang, new hair new life kaso eto nangyari, nagkita kami ulit.
"Hindi mo sinasagot texts at tawag ko, akala ko kung ano nang nangyari sayo." Nakakatuwa namang malaman na nag-aalala siya sakin kaso naalala ko yung mga sinabi ni Bianca kaya kailangan ko na namang magpigil.
"O-okay lang naman ako. M-medyo busy lang."
"Girl, I found it na--oh, may kasama ka pala." Napalingon naman si Yumi sa kaibigan kong si Nics. Classmates kami. Sinamahan ko lang talaga siya dito para maghanap ng mini indoor plant na idedesplay niya sa room niya sa dorm, di ko naman akalaing makita si Yumi dito.
"Ah Nics, this is Yumi my--"
"Siya pala yun--" Pinandilatan ko siya ng mata, haaays andaldal talaga ng babaeng to kahit kailan. Kinwento ko narin kasi sa kanya.
"--h-hindi pala. Y-Yuri pala yun hehe." Dugtong nalang nito.
"As I was saying, Yumi this is my friend Nics. Classmate ko sya sa medschool, magkasama din kami sa dorm." Sabi ko.
"Nice meeting you Yumi, ang ganda mo pala sa personal." Sabi ni Nics kay Yumi. Tsk pabebe. Sinasadya nya kasi alam nyang maiinis ako. Napairap nalang ako.
"N-nakita mo nako dati?." Takang tanong ni Yumi.
"Ah a-ano sa social media. Saka dati pa ata yun, basta familiar ka." Sabi ni Nics.
"O-okay na ba yang napili mo ta--"
"Gusto mong sumabay na samin maglunch?." Sabat ni Nics. Gosh, this is bad. Iniiwasan ko na nga eh tapos ganto pa tong babaitang to.
"Sure. I-if that's okay with Heart." Sabi ni Yumi.
"Sus, okay na okay. Kahit hanggang dinner pa eh. Sige ah, bayaran ko na muna to. Be right back." Sabi ni Nics sabay lapit sa counter dala ng cactus plant na napili nya.
"Pasensya ka na kaibigan ko ah, minsan talaga loka loka yun. Naabala ka pa tuloy." Sabi ko.
"Okay lang. Mabuti nga nakita kita ngayon eh. S-saka, bagay sayo ang buhok mo. Gumanda ka lalo." Sabi ni Yumi. That somehow made me blush pero dapat di halata.
"T-thank you."
"Your boyfriend is really lucky."
"About that--"
"Nabanggit lang ni Fatima kahapon. Basta kung san ka masaya, masaya na rin ako. Pero may I ask lang kung bakit di mo agad sinabi sakin?." Seryosong sabi nito.
"Yumi, may napili ka na ba?." Buti nalang bumalik na si Nics.
"Ah ano, sige hanap muna ko. Wait for me nalang muna sa labas. Mabilis lang to." Sabi nalang ni Yumi. Kaya ayun, lumabas na kami ni Nics.
Sa labas.
"Anak ng tilapia naman oh. Di mo naman sinabing si Yumi Garcia pala yung Yumi na tinutukoy mo. Akala ko kung sinong Yumi lang sa kanto tsk. Girl, super crush ko yun since highschool." Sabi ni Nics na parang masisiraan na ng bait.
"Halata nga."
"Oy oy, anong mukha yan?. Selos ba yan? Haha. Girl, panigurado mapapatay ka nung Bianca pag nagkataon. At dahil mabait akong kaibigan, ako na. Para di ka masaktan, I sacrifice myself na maging other woman ni Yumi para ako na yung ihunt ni Bianca. Oh edi problem solved."
"Ewan ko sayo." Lakad ko palapit sa kotse. Sumunod naman si Nics.
"Wuy girl, joke lang. Pero bekenemen."
FF
Andito na kami madalas naming kainan na restaurant at laking gulat ko nang makitang pumasok si Bianca kasama si Elmo. Kung mamalasin ka nga naman tsk ngayon pa talaga eh. Napayuko nalang ako. Buti nakatalikod sa Yumi kaya di niya nakita si Bianca at di rin siya makikita ni Bianca. Ako lang.
Kaya naisip ko na lumipat sa tabi ni Yumi para di rin ako makita ni Bianca dahil for sure makikilala nya ko. Pero kung nakatalikod ako malamang hindi since maikli na ang buhok ko.
Okay lang na si Nics ang makikita niya since di naman sila magkakilala.
"S-suotin mo." Sabay abot ko ng dala kong tali sa buhok.
"Bakit?." Takang tanong ni Yumi.
"Basta suotin mo." Sabi ko. Kaya ayun sinuot nya na.
"Nics, pahiram nga ng jacket mo." Inabot naman ito agad ni Nics. Isinuot ko ito kay Yumi para mas lalo syang di makilala ni Bianca.
Mukhang effective naman ang ginawa kong disguise. Kumain na kami.
Mayamaya ay lumingon ako at nakitang wala na si Bianca sa kinauupuan niya, umalis na siguro. Pero si Elmo andun parin at busy naman sa phone niya.
"Excuse me. I'll just go to the restroom." Sabi ko.
"Sabay na tayo." Sabi ni Yumi. Haaays. Kaya ayun sabay na kaming pumunta sa CR.
Pumasok na kami sa magkatabing stall at umiihi na nang bigla kong narinig ang boses ni Bianca sa labas lang ng stall tsk you gotta be kidding me. Parang may kausap ito sa phone.
"..si Elmo lang po Tita. (...) Yes po, opo. (...) Sige po. Bye." Rinig kong sabi nito.
"Ano ba yan. Miss, tapos ka na ba dyan?." Biglang katok nito sa pinto ng stall ko sht. Lalo akong nagpanic.
Pero mas lumala pa ang situation kasi,
"Y-Yumi?." Rinig kong sabi ni Bianca.
"B-B."
"Kanina ka pa ba dito?."
"M-medyo."
"Sinong kasama mo?."
"Ah ano uh--"
Gusto ko nalang talagang iflush ang sarili ko sa toilet bowl.
Pero naisip ko na itext si Nics na papuntahin agad dito sa CR para palabasin si Yumi dahil andito si Bianca. And thank goodness kasi,
"Yumi, tara na." Rinig kong sabi ni Nics.
"Pero si--" Sabi ni Yumi.
"Susunod yun." Sabi ni Nics.
"S-sige Bianca ah." Sabi nalang ni Yumi.
"Mag-usap tayo mamaya sa bahay." Sabi ni Bianca na parang nagbabanta. Kung ako si Yumi di nako uuwi.
Narinig kong sumara narin ang pinto sa kabila kaya siguro nga pumasok na si Bianca dun, saka nako lumabas. Ang haba na pala ng pila sa labas hehe.