Bianca's POV
"So, ano na?. May feelings ka na ba for Yumi?." Sabi ni Ashtine.
"W-wala." Sabi ko nalang.
"Ang tanong, sigurado ka ba diyan?. Kasi mahirap yan girl. Magsisisi ka, pag yang si Yumi napunta sa iba--" Sabi ni Fatima.
"Gusto nya ako pa maghatid sa kanya sa the one eh tsk." Sabi ko.
"Okay, sabi mo eh." Sabi lang ni Fatima.
6pm. Pagdating namin sa bahay nina Yumi ay pumasok na kami agad. Napansin naming parang sobrang ingay sa kusina, parang may nagtatawanan. Lumapit rito ang girls at si Mamitois, well ako sumilip lang kasi alam ko naman kung sino ang andun tsk.
"Ay ay ay, anong kaganapan to?. Ba't may pacake?." Pabirong sabi ni Fatima. Nagbebake kasi yung dalawa.
"Walaaa, nagpaturo lang ako kay Heart magbake." Masayang sabi ni Meng. Ni hindi man lang tumingin sakin. To namang si Heart mukhang tuwang tuwa rin.
"Fast learner naman ang Meng nyo." Sabi ni Heart sabay akbay pa kay Yumi. Ano to?. Ganun ganun lang yun?. Matapos nung kahapon lalandi na naman siya sa iba? Eh ba't ka ba affected Bianca?. Tsk.
Kriiiiing kriiiiing
Elmo's calling ...
Sinagot ko to agad sabay sabing,
Hello babe.
Na as in nilakasan ko ang boses ko enough na marinig ng Imuy na yan bwisit.
Babe? Uhm uh--
What do you need? You miss me na?. Halika, gusto na kitang makita.
..
Yumi's POV
At talagang babe pa ang tawagan nila, eh yan yung tawagan namin ni B sa panaginip ko eh. Kainis.
What the heck is she doing?. So tama nga ang kutob ko, sinagot nya na yung Elmo na yun. Okay. At least ngayon alam ko na, wala nakong reason na magpakatanga.
Papunta ka na? Okay, I'll wait. Mwa, love you!.
Tsk pabebe.
"Bihis lang ako saglit guys ah." Sabi ni Bianca at lumayo na samin.
"Okay ka lang?." Tanong ni Heart tila nag-aalala.
"Yeah. Tikman na nga natin to. Excited nako." Sabi ko, forcing a smile.
"Kanina ka pa dito by?." Tanong ni Fatima kay Heart.
"Since this morning. Tinulungan kong maglinis ng bahay tong si Yumi." sagot ni Heart kaso si Ashtine biglang,
"Yumi, anong type mo sa babae?."
"H-huh? Ba't mo naman natanong?."
"Wala lang, naiimagine ko lang kasi na ang pogi mo pag naging lalaki ka. Curious lang ako kung anong magiging type mo na girl. Example, saming apat ni Fatima, Heart at Bianca sinong sa tingin mo ang posible mong magustuhan?." Sabi ni Ashtine. Hmm okay?.
"Si Heart siguro." Sabi ko. Si Heart naman parang wala lang. I know kasi she wouldn't mind saka alangan namang sabihin kong si Bianca edi nalintikan na, may boyfriend pang sabit.
"T-talaga? Bakit?. Bakit si Heart?." Sabi pa ni Ashtine.
"Why not?."
..
Heart's POV
I know I'm straight but that somehow made my heart flutter a bit. Okay Heart, stop blushing.
"Hala si Ate mo girl nagbablush." Tukso ni Mamitois, nag agree naman sina Fatima at Ashtine habang nakatingin lang sakin si Yumi.
"O-oy hindi ah."
"Wala na, finish na. Nautal hahaha." Sabi pa ni Mamitois. Tuwang tuwa ah.
Pero napansin kong nakita pala yun ni Bianca and she doesn't seem to be happy about it. Dumireto nalang ito sa sala. That somehow made me feel bad.
Maya maya ay dumating na rin si Elmo. Tumambay kaming lahat sa pool area. Nagrarampmodeling keme pa sina Mamitois, Fatima at Ashtine sa gilid ng pool. Katabi ko ngayon si Meng na kanina pang nakaw tingin sa dalawang magjowa na parang may sariling mundo kasi sila lang ang nag-uusap.
So I held Yumi's face at pinaharap ito sakin.
"Hey, look at me. Look at me."
"What?." Sabi lang ni Yumi na medyo wala na sa mood.
"Are you a masochist?. Gosh, wag mo nga silang tingnan, lalo ka lang masasaktan." Sabi ko rito.
"Eh anong gagawin ko?."
"Yumi, di sa lahat ng panahon may dapat kang gawin. Sometimes you just have to let things happen. Lahat naman yan may kanya kanyang reason eh. Why don't you just enjoy?."
"How could I enjoy kung yan ang nakikita ko?."
"Wag mo nga kasing tingnan. Tara, dun na muna tayo sa kwarto."
"O-okay." At umakyat na nga kami sa room niya.
"You see, Bianca has a boyfriend. I guess my job here is to remind you that she's off limits, and you have to respect that fact."
"Yeah yeah whatever." Sabi lang nito sabay higa sa bed niya.
"Makinig ka kasi."
"I'm listening." Sabi nito.
"Okay uhm--let's play a game."
"Ano na naman yan?."
"It's called chess."
"Wow, bagong bago Heart ah."
"Di pa kasi ako tapos. It's chess with a twist."
"Anong twist?."
..
Bianca's POV
Nawala sina Yumi at Heart sa kinauupuan nila, san na yun? Tsk Bianca, why do you care? Hayaan mo sila.
"..sa tingin mo babe anong magandang concept for a song?. Syempre, first song ko to na isusulat sa band nakakapressure." Sabi ni Elmo.
"I don't know. What do you have in mind ba?."
"Wala nga eh. As in blanko ako ngayon. Para kasing nasulat na lahat ng nasa isip ko. Saka sabi ni Sir Mark dapat love song."
"Wala din akong maisip ngayon babe eh. Excuse me lang ah, inom lang ako tubig." Sabi ko at pumunta muna sa kusina. Umiinom nako ng tubig nang marinig ko na naman ang tawanan ng dalawa. I'm guessing that they're in Yumi's room tsk. What the heck is she doing?.
Bumalik nalang ako sa pool area. This time naman may kausap si Elmo sa phone, parang importante kaya lumapit muna ako kina Ashtine.
"CR lang ako." Sabi ni Mamitois, now it's just Ashtine, Fatima and Me.
"Alam mo girl, tinanong ko kanina si Yumi kung sino satin ang posible nyang magustuhan. Heart daw B eh." Malungkot na sabi ni Ashtine.
"Wala akong paki. Kahit magpakasal pa sila tsk. Saka sinabi ko na nga diba?. Di ko siya gusto." Sabi ko.
"Ba't ka nagagalit?." sabi ni Fatima.
"Hindi ako galit."
"Galit ka eh." Pilit pa ni Fatima. She knew she got me, Bianca maghunos-dili ka.
"Ewan ko sa inyo, dyan na nga kayo." Sabi ko sabay lapit na kay Elmo.
"Tara babe, sa labas nalang tayo kumain." Sabi ko.
"Huh? Eh pano yung pinadeli--"
"Tara na." Sabay hila ko sa kanya at wala na nga siyang nagawa.