Heart's POV
KINABUKASAN
Nagising ako when I felt an arm wrapped around my waist. I just smiled a little when I saw that it was Yumi. She's sleeping peacefully. Hinawi ko ang buhok na nakatakip sa mukha nya witnessing her beautiful face.
"Baka matunaw yan." Napalingon ako, si Coleen pala gising na.
"I-it's not what you think."
"Yeah sure. Labas muna ko. I think you two needs a little bit of privacy." Sabi nito sabay labas at sara ng tent.
"What does that supposed to mean?."
"You know what it means, you just don't want to accept it. May pahoroscope horoscope ka pang nalalaman kagabi." Huling sabi nito. I could imagine that she's smirking right now.
Haaays. Napatingin ulit ako kay Yumi na tulog mantika parin. Okay, let me just admire her for a little bit longer.
..
Bianca's POV
Tinutulungan ko ngayong magluto ng breakfast si Charlize habang tulog at naliligo naman yung iba.
"Mukhang good mood tayo ngayon ah?. Parang kahapon lang mangangain ka ng tao dahil sa selos--" Sabi ni Charlize.
"Ako? Nagseselos? Tsk Di ah. Saka sino namang pagseselosan ko?."
"Girl, umamin ka nga. May something na ba sa inyo ni Yumi?." Diretso nitong tanong sakin.
"W-wa--"
"Bago ka pa makapagsinungaling, I'm telling you na gets kita. Gets ko na kahit alam mong meron pinipilit mong pigilan kasi ayaw mong makasakit ng damdamin. What if kausapin mo nalang si Elmo?. Sabihin mo na kailangan mo munang makapag-isip isip, kasi sa ginagawa mo ngayon girl lalo ka lang naiipit sa situation. Pano kung di ka na makaalis dyan?. I mean di naman pwedeng mahal mo silang dalawa. Kahit takbuhan mo yan, darating at darating ka parin sa punto kung saan kailangan mong mamili."
"Mahal ko si Elmo." Sabi ko.
"Sigurado ka ba dyan o pinapaalala mo lang sa sarili mo ang dapat mong maramdaman?."
"Magkaibigan lang kami ni Yumi."
"Okay. Sabi mo eh. Pag yan talaga napunta sa iba--"
"Tapos na ba yan?. Baka malate nako sa work eh." Biglang lapit ni Mamitois.
"Ah oo. Malapit na to." Sagot ko nalang.
6:30am. Breakfast. Magkakasama kami ngayong kumakain sa loob ng bahay. Si Yumi parang inaantok parin so sinubuan nalang muna siya ni Heart. Di na naman ako masyadong triggered pagdating kay Heart kasi friend naman namin yun, saka alam ko namang straight siya.
Lumingon ako sa kabilang side at nagtama ang paningin namin ni Cassy. Mukhang masama parin ang loob nya sakin. Lumihis din agad ito ng tingin kaya nagfocus nalang rin ako sa pagkain ko.
After breakfast ay tinulungan ko silang ligpitin ang mga gamit nila pasakay sa kotse.
Si Yumi nakahiga lang sa sofa. Masama daw pakiramdam.