Yumi's POV
9pm.
After dinner ay umalis na rin ang girls kasama si Mamitois.
Pahiga nako nang biglang bumukas ang pinto. Si Mommy lang pala. Umuwi sya ngayon earlier than usual.
"Ma."
Lumapit ito at umupo sa gilid ng bed. Bumeso naman ako sa kanya.
"How are you feeling na?."
"O-okay naman po ma."
"Are you sure?. Baka naman masyado mo nang pinapagod ang sarili mo. Yumi, remember what the doctor said."
"Ma, I'm fine. Don't worry. Sya nga pala, I'm glad na maaga kayong umuwi ngayon."
"Well, about that pinalabas kami earlier ng boss namin para makapag-impake."
"Impake?. Aalis po kayo?."
"Oo. Saka kailangan narin para dun sa inaasahan kong promotion. Isasama ko ang ate mo, medyo matatagalan kami dun nak eh. Since di ka naman namin pwedeng iwan lang dito mag-isa, I asked Bianca's parents narin na payagan syang samahan ka dito for a couple of weeks."
"Ano?!." Nagulat lang kasi ako. Madalas namang matulog si Bianca dito pero for a couple of weeks tapos kami lang? No freaking way.
"Why?. I mean you've been best friends since kindergarten. Wala namang bago, madalas din naman syang magsleepover dito."
"Eh kasi ma--"
"Sige na. Saka pumayag na din kasi parents nya, at least din dito mas mapapatipid sya. Basta bilin ko lang talaga sa inyo, naway may bahay pa kaming babalikan. O sige na, goodnight. Maaga pa kami bukas." Sabi nito at lumabas na.
Haaaayst. Pano naman ako makakamove on nito kung araw araw ko siyang makakasama? Tsk. Hahay buhay.
..
Bianca's POV
After that confusing session ay umuwi nako samin. Sa bahay mismo namin. I mean I don't think I'm ready na humarap kay Yumi. Baka kasi pag nakita ko siya lalo lang akong maguluhan.
Akala ko magiging madali lang ang lahat kaso,
"..dad, seryoso ba kayo?. Dun nyo talaga ako sa kanila patitirahin?."
"Hindi ka naman dun titira habang-buhay, for the meantime nga lang diba?. Saka halos dun ka na rin naman nakatira, ano bang ipinagkaiba?." Sabi pa ni Daddy.
Well malaki Daddy, malaki. I can't stay with Yumi in one house that long. Gulong gulo na nga ako tapos titira pa kami sa iisang bubong?. Feel ko masisiraan na ata ako ng bait.
"Anak, pwede bang intindihin mo nalang muna ang situation natin ngayon?. Kailangan nating magtipid. Habang wala pang bagong nahahanap na trabaho ang Daddy mo--" Sabi ni Mommy.
"W-wait lang Ma ah, what do you mean bagong trabaho?."
"Ewan ko nga rin eh, ang pagkakaalam ko wala naman akong ginawang mali. Basta basta nalang akong tinanggal sa trabaho. Kaya tanggapin mo na yang inooffer ni kumare. Saka sabi nya sagot nya na kalahati sa tuition mo habang di pako nakakahanap ng trabaho." Sabi ni Daddy.